Chapter 3

3.6K 144 6
                                    

(Nami's POV)

"Man she's hot." Kanina pa sinasabi ni Ethan yun.

Napapailing na lang si Nami. Kanina pa nakaakyat sa kwarto nito si Yuri.

"The real question is. Bakit napaaga ata ang dating nito?" her kuya Tyron said.

"Malamang hindi namin alam. Parepareho kaya tayong andito." Ethan said.

Kuya Tyron just scoffed at him.

Mukha namang gusto nang sakalin ni Mark si Ethan.

"Mas maganda pa din si Nami natin kesa sa kanya no." Mark said. Sabay tingin sa kanya.

Napangiti na lang siya. Kung tutuusin mas maganda naman talaga si Yuri. Mas makinis ito at mas maputi. Maganda ang labi. Natural lang na mapula iyon. Idagdag pa ang malamlam nitong mata na kulay grey. Bawas nga lang sa ganda nito ang ugali noon. Pero hindi niya alam ngayon.

"Ayaw niyo pang aminin mga dude. Ang seksi kaya tsaka ang ganda. Halatang may lahi. And those sultry gray eyes. Man. I want to gaze at those. Ano kayang itsura nun kapag dinala ko siya sa langit di ba?" Ethan said.

Namula agad ang pisngi niya sa pinagsasabi ni Ethan.

She immediately imagined Yuri having her mouth open and panting. Kumabog ang dibdib niya. No. Stop it Nami.

Saglit siyang pumikit at huminga ng malalim. What was that?

Kumunot ang noo ni Kyle. "Easy sa pagsasalita Ethan. May babae dito."

Sa sinabi ni Kyle napatingin siya dito. Nahuli niya ang mga tingin nito. Ngumiti siya para mapanatag ito. Then she mouthed thank you.

Nakangiting tumango ito at nag thumbs up pa. Kaya nga crush niya ito. Pero bawal daw sabi ng kuya niya dahil alam nito ang kalokohan ni Kyle dati. Mabuti pa ito kahit badboy marunong naman makaramdam. Hindi kagaya ni Ethan.

Binato naman ng unan ni Mark si Ethan. "Ikaw talaga yang bunganga mo. Kaya ka di magustuhan ni Nami eh."

"Anong sabi mo?" tila pikon namang sagot ni Ethan dito.

Then the next thing she knew. Nag bubugbugan na yung tatlo sa couch. Pero nananatiling tahimik ang kuya Tyron niya. Nakapangalumbaba ito habang hawak lang ang isang cookie sa kamay.

She went to his side. "Kuya ang lalim ng iniisip mo ah?"

Ngumiti ito ng bahagya. "Sis. Tingin mo ganun pa din kaya ugali niya?"

"Sa tingin ko naman. Hindi na."Napatitig siya dito. "Bakit kuya?"

"Ah wala. Sige. May practice pa ako sa baseball team. Ikaw na ang bahala sa tatlong ugok na 'to ah? Ligo lang muna ako sa taas. Then aalis na ako. Sasama ko na din yung tatlong unggoy." umiwas ito ng tingin saka ginulo ang buhok niya. Pagkatapos umakyat na ito sa second floor.

Tumango siya dito.

Nasa taas din kasi ang room ng kuya niya. Nasa pinakadulong kwarto. Samantalang ang sa kanya ay katapat lang ng room ni Yuri. Pangalawang kwarto pag akyat ng hagdan.

And speaking of Yuri. Napatingin si Nami sa lamesa kung nasaan ang cookies na ginawa niya. Napangiti siya. Maybe if she and Yuri start on a good terms. Baka hindi na siya awayin nito. Kagaya nga ng sabi niya sa kuya niya. Mukha namang nagbago na ito. Tsaka siya naman ang nag sabing bigyan nila ng benefit of the doubt ang dalaga.

Kinuha niya sa lamesa ang jar ng cookies. Saka masayang umakyat ng second floor. Baka gising na ito ngayon. Lumipas na din kasi ang dalawang oras.

Hindi na siya nag paalam sa tatlo dahil mukhang busy na ang mga ito sa kulitan.

Pagkadating niya sa tapat ng kwarto nito. Agad siyang kumatok.

"Y-Yuri?"

Ilang minuto pa pero mukhang walang mag bubukas. Baka tulog pa. O kaya naman she really choose to ignore you.

Nalungkot siya sa naisip niya. She was about to head down. Pero biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nito.

Nanlaki ang mga mata niya ng makitang naka tapis lang ito ng tuwalya.

Nagpupunas pa ito ng buhok habang nakatingin sa kanya. Nakataas ang kilay.

Napaiwas siya ng tingin. Nope. Hindi niya sinundan ng tingin ang butil ng tubig na pumatak mula sa buhok nito patungo sa gitna ng dibdib. And no she didn't just thought she was sexy. Lalo na ang nakaumbok nitong dibdib. And did Yuri's nipple just poke out? Napailing siya. For christ sake. She had those too!

"U-Uh.. Uhmm...." itinapat niya sa mukha ang jar ng cookies. " P-Para sayo. P-Peace offering."

Hindi ito sumagot. Ayaw niyang tumingin sa mukha nito dahil alam niyang susungitan siya nito. Yun kasi ang madalas nitong gawin sa kanya noon. Kapag may ibinigay siya dito.

"Salamat." Naramdaman niya ang pag hawak nito sa kamay niyang hawak ang jar.

Muntik pa tuloy malaglag ang hawak niya dahil sa kuryente galing sa kamay nito. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla. Bigla na lang itong tumawa. Those sexy laughs.

Saglit siyang natigilan pagkakita sa mukha nitong nakatawa. Ngayon niya lang kasi nakita iyon dito. Masisisi niyo ba siya?

"What?" tinaasan siya nito ng kilay.

"U-Uh--"Bago pa siya makapagsalita. Agad siyang nag panic ng marinig niya ang papalapit na yabag nina Ethan.

"Nami?! Asan ka na? Uy pahingi pa ng cookies!"

She knew that voice. It's Ethan.

Napalingon siya sa babaeng nasa harap niya. Kababaeng tao. Walang pakealam kung makita ito ng ibang tao, lalo na ng lalake na halos hubo't hubad. Kilala niya si Ethan. Manyakis pa naman yun.

Wala sa sariling. Itinulak niya si Yuri sa loob ng sarili nitong kwarto. Hinila niya na din ang knob para isara iyon.

"What the heck----"

Agad niyang tinakpan ang bibig nito. Saka niya inilapit ang mukha para itapat sa sariling bibig ang hintuturo.

"Sshh.."

Tumaas ang kilay nito. Pero nakinig naman sa kanya.

"Nami?" rinig niyang tawag ni Ethan sa kanya. "Asan na yun? Dude nakita mo ba yung kapatid mo?"

"Ewan ko baka nasa kwarto niya."

Rinig niyang sagot naman ng kuya Tyron niya dito.

"Ah. Pwede pumasok sa kwarto niya?"

"Sira ka?! Gusto mo sapak? Bawal ka sa kwarto ng baby sis ko. Manyak."

Mukhang sinapak nga ng kuya niya si Ethan dahil narinig nilang umaray ito. Pagkatapos narinig nila yung yabag ng mga paa ng mga ito papalayo.

Nakahinga siya ng maluwag.

Then all of a sudden. She became hyper aware of the situation they are in.

My secret love - Completed DreameOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz