13.1--NO TIME FOR GOODBYE!!!

25 1 0
                                    

CHAPTER 13

Kinabukasan, pinuntahan ni Jigs si Mecheley sa kanilang bahay. Pero sabi ng Tita Angie nya na maaga daw itong umalis. May gagawin daw ito sa school.

Nagtaka sya, dahil ang alam nya walang pasok ng araw na yun, dahil may fogging na magaganap sa kanilang campus.

Tinawagan nya si Alyssa para itanong kung nasa kanila si Mecheley, pero wala daw ito dun. Sumunod nyang tinawagan si Velvet, pero wala rin din doon.

Pumasok sya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit. Alam nyang upset ngayon ang bestfriend nya sa ginawa nya.

“Saan ka pupunta?” Tanong ng Dad nya.

“Hahanapin ko si Mecheley, Dad.”

“Bakit nawawala ba sya?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

“No, Dad. May misunderstanding lang kami.” Pagsisinungaling nya.

“Teka.” Pinigilan nya ito sa braso.

“Mamaya ay darating na ang sundo mo.”

Kumunot ang noo nya. “S-Sundo? Sino po?”

“Ano ka ba namang bata ka. Nakalimutan mo na ba? Ngayon ka susunduin ng mga tauhan ng Siren.”

“Siren.” Doon lang nagliwanag ang isip nya. Napagusapan nga pala nila sa meeting na ang mga member ng Me,Boy, ang grupong kabibilangan nya, ay titira sa iisang mansyon, ang Me, Boy Mansion.

Doon sila titira habang inihahanda pa sila sa kanilang career. Hindi nya alam kung hanggang kailan sila doon mananatili. Nakalimutan na nga nya ang bagay na yun. Iba kasi ang laman ng utak nya noong nag-daang araw. Buti na lang at naka-empake na sya.

“Sandali lang ako, Dad. Hindi ko pa pala nasasabi kay Mecheley ang bagay na ito.”

“Ha? Akala ko ba yun ang dahilan kung bakit nagtampo yung kaibigan mo.”

Iyinuko nya ang kanyang ulo. Hindi nya alam kung ano ang isasagot sa Dad nya. Hindi nya pwedeng sabihin ang ginawa nyang kagaguhan kagabi.

“No, Dad iba yun. Sige, aalis na ako.”

“Bumalik ka agad.”

Papalabas na sya ng gate ng may humimpil na sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Puting Van yun na may nakasulat na Me,Boy sa tagiliran nito. Bumukas ang sasakyan at doon lumabas ang isang babae.

“Ms. Bianca.” Ang magiging manager pala nila ang babaeng yun.

“So, Jigs, are you ready?” Malambing na tanong nito.

“Ms. Bianca—“

“Ready na po sya.” Narinig nyang sabad ng kanyang Dad. Sinulyapan nya ito ng matalim, saka hinila papasok.

“Pasok muna kayo, Ms. Bianca.” Sabi nya sa dalaga.

Ng makapasok sila sa loob ng bahay ay pina-upo muna nila ang mga bisita. Binilinan nya ang kanilang kawaksi na dalhan nya ng maiinom ang mga ito. Nagpa-alam muna sya pansamantala para kunin ang mga gamit nya sa loob ng kanyang kwarto.

“Ipabuhat mo na lang sa mga kasama ko. Syanga pala si Mang Isko, ang magiging driver ninyong mga Me, Boys.”

“Kumusta po. Umupo na lang kayo at kami na lang ni Dad ang kukuha sa mga gamit ko.” Hinila nya ang kanyang Dad.

Ng makapasok sila sa loob ng kanyang kwarto ay agad nyang isinara ang pinto. Hinarap nya ang kanyang Dad.

“Bakit mo sinabing ready na ako?” Galit na tanong nya sa kanyang Dad.

“E, anong gagawin mo, paghihintayin mo sila. At saka isa pa naka-empake ka naman na.”

“Paano si Mecheley.” Nakapamiwang na sabi nya dito.

“Bakit, panghabang-buhay ka na ba sa Me, Boy Mansion, ha? Jigs. At saka kapag pinaghintay mo sila Ms. Bianca, baka hindi na nila ituloy ang kontrata mo. Sabihin pa nila na mabagal kang kumilos. Hindi bagay yun sa Show Business. At kapag nagkataong ganuon nga ang mangyari, magagalit sa iyo si Mecheley.”

Hindi sya nakasagot.

“Ako na lang ang mag-sasabi kay Mecheley. Sige na, bumaba na tayo.” Sumunod na lang sya sa sinabi ng kanyang Dad. Kapag hindi nya natupad ang kanyang pangarap, siguradong  magagalit sa kanya ang bestfriend nya. Baka sisihin nito ang sarili sa hindi magandang nangyari sa careen nya. Hindi pa nga sya nakakapag-umpisa, wala na agad.

Bumaba na sila dala ang mga gamit nya. Agad namang kinuha ni Mang Isko ang mga yun at dinala sa sasakyan.

“Syanga pala, next week, may gagawing presscon para sa mga media. Gaganapin yun sa Sport Hotel.” Wika ni Ms. Bianca.

“P-Presscon po?” Kumabog ang kanyang dibdib. Presscon agad?

“Don’t be nervous, Presscon lang yun. Dadalo lahat ang mga Press People mula sa iba’t ibang malalaking TV Network ng bansa.”

“Ganun po ba?”

“Okay! Shall we go.” Tumango lang sya dahil sa sobrang kabang nararamdaman nya. Sinulyapan nya ang kanyang Dad. Tumango lang rin ito.

“Mag-iingat ka lagi, Jigs. Palagi kang mag-dasal.” Paalala ng dad nya sa kanya.

“Ikaw din, Dad. Take care.” Tinapik nya ang balikat nito. Lumabas na sila ng bahay at agad na sumakay sa sasakyan. Isang oras ang nakakalipas ng makarating sila sa kalsada papasok sa Mansion. Kalahating kilometro lang yata ang tinakbo nila papasok sa kalsadang yun ng may matanaw syang malaking bahay.

“Me, Boys Mansion.” Bulalas nya.

====

a/n: saying goodbye is not the easy thing to do....

huhu...

Sweet Love: My BestfriendWhere stories live. Discover now