IKALAWANG KABANATA:Sugat ng Kahapon

2K 65 2
                                    

C A R M E L A

NGUNIT napawi ang aking ngiti sa labi nang maaninag 'kong papalapit si Miguel.

"Carmela," tawag n'ya sa 'kin.
"Kung sorry lang rin ang sasabihin mo, makakaalis ka na. Rinding-rindi na 'ko sa mga sorry mo," matigas 'kong sabi.
"P-pero--"
"I said umalis ka na!" sigaw ko dahilan para magsilingunan ang mga kalapit naming estudyante.

Napayuko na lamang s'ya.

"Sige na Miguel, wala sa mood ngayon si Carmela eh," narinig kong sabi ni Jemma.

Diretso lang aking tingin sa labas ng cafeteria.
Hindi pa rin natinag si Miguel.

"K-Kuya please.. Hayaan mo na muna si Carmela," wika ni Tanya.
Tumalikod na ito at naglakad papalayo.

Hindi na rin kumibo si Tanya at Jemma. Tahimik na lamang silang kumakain.

Miguel was once my man. S'ya ang naging una 'kong boyfriend, pero 'di ito alam Nina Mama and Papa.
Ayaw kasi nilang mag-boyfriend ako.
Tanging sina Ate Josephine,Ate Marina,Jemma at Tanya lang ang nakaka-alam nito.
S'ya ay kuya ni Tanya. Kaya nga kami nagkakilala ay dahil Kay Tanya.
He said he loves me. But all of a sudden naging cold s'ya.
Ta's nalaman ko nalang na pumunta ng States si Miguel.
Feeling ko wala akong kwentang girlfriend nang panahong iyon.
'Di man lang n'ya sinabi ang tungkol sa pag-alis n'ya. Nalaman ko nalang Kay Tanya ang lahat.
Pati nga si Tanya at nagulat dahil 'di ko alam ang tungkol do'n.
'Di man lang n'ya inisip kung ano'ng mararamdaman ko.
But then ngayon babalik s'ya ta's sasabihing 'SORRY'?!
Is he nuts or what?
After all of what he did? After all of the pain he caused me? Sorry lang? Hell no!
'Di n'ya alam kung ga'no kahirap tanggapin na wala s'ya sa tabi ko tuwing nalulungkot ako.
Tuwing kaylangan ko s'ya.
'Di n'ya alam kung ga'no kasakit ang iwanan ng walang dahilan!
It's been two damn years but the pain is still there. Ang sakit pa rin.

"Elay, h-hindi naman sa nanghihimasok ako sa issue n'yo ni kuya pero.... 'Di mo ba talaga s'ya mapapatawad?" pagbasag ni Tanya sa katahimikan.

"The damage has been done Tan. Walang magagawa ang sorry n'ya," pabalang 'kong sagot.
"Pero kas---"
"Ang sakit sakit eh! I loved him with all my heart pero ba't nagawa n'ya 'kong iwan sa ere? He made me feel like I'm worthless!" I cried.

Niyakap naman nila akong dalawa.

"Shhh.. Tahan na, 'yung make up mo nasisira na," wika ni Jemma.
"Sira ka Jem! Nag-iiyak na nga 'tong si Elay ang make up pa talagang inaalala mo," busangot ni Tanya.
"I'm just tryin' to make her smile ya know," maarte naman tugon ni Jemma.

I Love You since 1892 until Forever (ILYS1892 Fanfic)Where stories live. Discover now