Chapter 29-Asar

3.7K 159 2
                                    

Sabrina

    Nasa likod kami ng building ngayon ni Dwayne.Ako,nagbabasa,sya,natutulog.Bahala sya dyan,pag-gumuho yung ulo nya wala akong na kasalanan dun.

Pinagpatuloy ko lang yung pagbabasa ko...

"Panget mo"biglang sabi ni Dwayne.

"Anong tawag mo sa sarili mo?"

"Gwapo"

"Mandiri ka nga dyan sa sinasabi mo"sabi ko sa kanya

"Tsk"

"Ikaw naman nauna eh"sabi ko pa ng hindi man lang sya binabalingan ng tingin,alam mo yung feeling na nagkakagoosebumps ka kasi alam mo na nakatingin sya sayo?

Di nyo alam?bahala kayo.

Dwayne

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagbabasa sya.At dahil nga sa katamaran ko at sadyang ang sakit sa likod ng puno,humiga na lang ako sa lap nya,bahala sya kung mabigat man ang ulo ko.

"Aba,gusto mo bang hampasin ko ng libro yang makapal mong mukha?"banta nya sakin.

"Parang nakikihiga lang eh"

"Ano bang akala mo sakin?unan?tss"

"Pahiga kasi muna"sabi ko.

"Bahala ka"sabi nya at nagbasa na ulit.

Tinignan ko lang yung cover ng book nya,ano ba tong binabasa nya?

'The Love Potion'?

"Anong binabasa mo?"tanong ko.

"Libro"alam ko.

"Anong klaseng libro?"

"Nababasa mo ba yung title?yun yun"-_-

"Eh.Anong category?"

"Di ba nga The Love Potion yung pamagat?ano sa tingin mo?"

"Romance?"

"Malamang.Hays"

"Sungit naman.Meron ka ba ngayon?"di na nga nakapiit at binagsak sa napakagwapo kong mukha yung libro nya.

"Aray naman!sakit nun ha!pag ang ilong ko,pumanget ha!"

"Wala namang mababago"aba?

"Gwapo ko kaya"

"Share mo lang"-,-

"Samahan mo ako"

"San?"

"Canteen"

"Wag mo akong idamay kung nagugutom ka,busog pa ako"

"Eh.Busog daw,pero maski kakakain lang,pagnakakita ng pagkain,eat all you can ang nasa isip"binatukan na naman ako.

"Naiinggit ka siguro sa ulo ko noh?"lagi mong tinatarget eh"sabi ko pa.

"Kapal ng mukha mo,nahiya yung libro"

"May manipis bang mukha?"pangiinis ko.

"Pagtinusok ko yan ng ballpen at dumugo,ibig sabihin,manipis yan,pagdi dumugo,ibig sabihin makapal"naglabas sya ng ballpen,kaya agad akong tumayo.

"Seryoso ka?!"

"Joke lang.Di ako ganun,pero kung gusto mo,gagawin ko.Gusto mo ba?"

"Syempre hindi,sino bang gwapo ang gugusto nun?"

"Subukan mo lang sabihin yang nakakadiring line na yan,itutuloy ko talaga yang pagtusok sa mukha mo"banta nya,kaya tumahimik na lang ako.

"Samahan mo na lang ako"tumango sya at tumayo.Tumayo na din ako at sumunod sa kanya.

Ms.Amazona meets Mr.Playboy[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon