2

544 6 3
                                    

"Goodbye bes! See you bukas. I love you."
"I love you too! Ingat."
Yeah, uwian na at eto ako, naghihintay sa gate ng school namin. Anyway, nag-aaral kami dito sa Juju University. Muntanga ng name ng school namin no? Haha.

"Hi Miss, mag isa ka lang?"
Sino naman tong asungot na to?
"Dalawa ako.. sa mata ng duling."
"Haha. Ang galing mo pala magjoke?" Inirapan ko nalang. Epal eh.

"Babe!! Sorry nalate ako. And who are you?" Ayun! Buti naman at dumating na tong si Troy.
"Ikaw pala Troy! Nakikipagkaibigan lang ako kay Miss" Aba kakilala pala to ni Troy!
"Wala akong pake. Wag kang lalapit sa girlfriend ko."
At ayun, nahila ako agad agad. Grabe sakit sa braso nun ah.

Nandito na kami sa sakayan. Yes, sakayan. Di naman kami mga mayayaman. Public School lang din ang pinapasukan namin.

"Manong diyan lang sa may Aglipay." Sabi namin sa tricycle driver.

Magkabaranggay lang kami ni Troy, mauuna nga lang yung bahay namin pero nakasanayan na namin na inihahatid ako ni Troy samin at naglalakad nalang pauwi sakanila. Di naman malayo, isang kanto lang.

"Nandito na tayo babe. Tulala ka ata?" Sabi ni Troy habang nagbabayad kay manong driver.
"Ah wala. Pagod lang siguro. Pasok ka muna babe."
"Naks. Nakakakilig talaga pag ikaw nagsabi ng babe. Haha" At umakto pa siyang kinikilig. Haha. Mungago.

"Oh Sam, andiyan na pala kayo. Pasok muna kayo, patapos na yung niluluto kong pancit canton."
"Thanks po Tita."
Nagbihis muna ako sa kwarto ko. T-shirt at shorts lang. Tutal di ko naman hilig lumabas ng bahay unless papasok sa school o may family bonding.

Pagkalabas ko, naghahain na sila para sa meryenda namin.

"Babe, tara na dito. Nilagyan ko na plato mo." Lumapit naman ako.
"Bakit apat ata ang plato?"
Wala naman si Tatay at nasa ibang bansa, ofw. Only child lang din naman ako.
"Ah anak, nandiyan kasi si Jenie. Yung pinsan mo, anak ng Tito Ronald mo."
"Ah ganun ba Nay? Asan na siya?"
"OMG SAM!!!" Nabigla ako sa yumakap sakin. Kakagulat naman tong si Jenie!
"I miss you insan! Bumili lang ako ng softdrinks para sa meryenda natin. Haha. Namiss talaga kita!"
"Ah eh, namiss din kita. Grabe, kakabigla naman. Bakit nandito ka? Wala ka ba pasok?" Namiss ko din naman to. Siya pinakaclose ko sa mga pinsan ko. Maganda, matalino, makulit.
"Nagtransfer ako sa school niyo. Papadalhan daw ako ni Papa ng pera panggastos dito." Napanganga ako sa gulat.
"TALAGA?! SO DITO KANA TITIRA? YES!! DI NA AKO LONER PAG WALA SI NANAY."

"Oy tama na yan, magsikaen na kayo. Ikaw Troy, kain lang ng kain. Wag mahiya ah." Pagsingit ni Nanay samin ni Jenie. At umalis narin siya dahil mamamalengke daw para sa hapunan namin.

"So, ikaw pala yung boyfriend ni Sam? I'm Jenie. Pinsan niya."
Pagpapakilala ni Jenie kay Troy sabay lahad ng kamay.
Tumingin muna sakin si Troy bago sumagot kay Jenie.
"Yes, and future husband niya."
Inabot niya naman at saglit silang nagshakehands.

"Omg. Ang swerte sayo ni Sam. Hihi. Sweet niyo siguro no?"
"Ano ba insan, kakahiya ka! Haha"
Prangka talaga tong si Jenie.

Natapos kami sa pagmemeryenda at umuwi nadin si Troy. Si Jenie, naghuhugas ng pinggan at eto ako. Nagbabasa lang ng libro sa Math. May test bukas eh.

Nakatulog pala ako at di namalayan ang oras. Nagising ako umaga na, 6:30am. Nagmamadali akong bumaba nang narinig kong may nagtatawanan. Teka, boses ni Troy at Jenie yun ah?

Malaya Ka NaWhere stories live. Discover now