Chapter 8:Trouble

240 8 0
                                    

8:trouble

1 week later...

-SOFIA'S POV-

Nandito ako ngayon sa SB gumagawa ng mga assignment sa loptop ko habang umiinom ng vanilla cream.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagusap kami ng parents ko, nasa LA ngayon sila mom and dad para ayusin yung ibang bussiness namin.

Nang matapos kong gawin ang assignment ko at maubos na ang iniinom ko napag pasyahan kong umuwi na hindi nako nag pasundo kay kuya macoy, gusto ko munang maglakad lakad para maka pagisip.

Habang nag lalakad ako may nadaanan akong park naisipan ko munang umupo saglit sa bench para magpahinga.

Masarap din ang simoy ng hangin dito nakakatuwa din tignan ang mga naglalarong mga bata, habang nililibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa paligid may naramdaman akong apat na lalaki na lumapit sakin parang mga nakainom pa itong mga lalaking ito dahil amoy na amoy ang alak sa kanila at ang lagkit rin ng tingin nila sakin.

Pagabi na, kaya paubos na ng paubos ang mga tao dito sa park napa tayo ako at aatras bigla namang hinablot ng lalaki ang aking braso ng sobrang higpit at sobrang sakit.

"Miss mag laro muna tayo kawawa ka naman wala kang kasama dito." Nakangising sabi ng lalaki sa akin at hinihimas himas pa ang ulo ko habang nag tatawanan naman ang mga kasama nya.

"Let me go!" Mariin kong sabi habang pumipiglas nasasaktan nako sa mga hawak niya.

"Wag ka ng umarte miss, kaya naman kitang paligayahin eh kaya pumayag ka na" Pilit na sabi nito sakin.

Naiiyak na ko sa mga sinasabi nya sobrang batos ng mga sinasabi nya pakiramdam ko ay nauubusan nako ng hininga sa nararamdaman ko sobrang natatakot nako pakiramdam ko ay kahit anong oras ay hihikain nako dito, hindi ko alam ang gagawin ko takot na takot nako.. jusko po tulungan nyo ko....

"Ano ba!! bitawan nyoko!!" Sigaw ko sa kanila habang umiiyak napapikit nalang ako sa takot.

"Sig---" Hindi na natapos ng lalaking ito ang sasabihin nya ng naramdaman kong natanggal ang pagkakahawak nya sakin at tumumba, napadilat naman ako at di ako maka paniwala sa nakikita ko ngayon.

Tristan is here...

Nakayakap lang ako sa aking sarili habang nakatingin ako sa kanila habang nagbubugbugan, pinatumba ni tristan ang 3 lalaking nang haharas sakin kanina isa na lang ang natitira yung nakakapit sakin kanina, bigla namang tinadyakan ni tristan sa maselang bahagi ng lalaki pagkatapos bigla niya itong sinuntok sa muka ng malakas kaya tumumba ito, sa ilang minuto na patumba nya ang apat na mga naglalakihang lalaki ng sya lang mag isa.

"T-tristan? A-aah.. ummmh... t-thank you for s-saving me" Pagpapasalamat ko sa kanyan, but sheezz bat ako nauutal? Nakakahiya naman kase eh ilang bwuan kame di nag pansinan tapos ililigtas nyako pagtapos ng ginawa ko sa kanya? Hayssss!

"Go home sofia" Malamig nyang sabi saakin, pati ang tingin nya malamig rin.

Hindi ko alam kung bakit nanghihina ako parang sumisikip yung dibdib ko, nahihirapan nakong huminga.

Naramdaman ko ang pag alalay sakin ni tristan, kaya napa sandal ang ulo ko sa balikat nya habang nakahawak ako sa dibdib ko.

I-i can't b-breath...

"Sh*t sofia take this" Natatarantang sabi nya sakin habang itinatapat nya sa akin ang inhaler ko hinanap nya siguro sa bag ko kung meron akong inhaler.

Naginhawaan naman ang paghinga ko, pero nanghihina parin ako ngayon lang kase nangyari sakin ng mga ganong bagay kaya sa sobrang takot ko ay hinika ako, sumasakit ang ulo ko.

Di ko na kaya ang sakit ng ulo ko, lumalabo na ang paningin ko boses nalang ni tristan ang naririnig ko.

"Hey sofia are you okay!?" Natataranta nyang sabi habang buhat ako papuntang kotse nya.

Hindi ko na sya na sagot at nag dilim na ang paningin ko.

-

The fixed marriage Where stories live. Discover now