Ang Pribadong Pahina

366 3 2
                                    




       

" Eenie Meenie minie mo, anong parte ang matatanggal sayo? " Sambit ng isang lalaking naka itim habang galak na galak sa kanyang pag papahirap sa isang babaeng walang kalaban laban.

" Huwag po, parang awa mo na "  Habang hinang hina na tugon ng babaeng duguan na tila'y naka gapos ang mga kamay sa mga mahihigpit at malalaking kadenang naka sabit sa ibabaw ng kisame.

" Paa, tuhod, balikat........ ulo? " Awit ng lalaki habang kinuha ang pinaka matalim nitong kutsilyo at dahan dahan tinapat sa puson ng babae. 

" Ako ba'y may awa? Ano nga ba ang awa? Kinakain ba iyon? Pshhh. Sige parang gusto ko nga ng longganisa eh. "  At patuloy niyang inikot ikot ang kutsilyo ng hindi dumadaplis sa makinis na balat ng babae. Unti unti niya itong binaon sa puson ng naturing babae at hiniwa pataas at pagilid upang lumabas ang kanyang mahahabang bituka. Aking narinig ang pahina na pahina na pag sigaw ng babae habang nakatingin ito sa akin, ngunit parang wala ng buhay ang taong ito. Isang pangarap nanaman ang nawala, babaeng ginahasa, pinahirapan at pinatay para lang sa tinatawag nilang ' satisfaction ' ng ibang tao.

" Huy Yam! Kakain na kanina ka pa andyan. Nanonood ka nanaman ng mga kadiring videos eh, ano bang napapala mo dyan?  "  Sambit sakin ni ate Meng na biglang bumalagta sa pinto ng kwarto ko. Natutulala na lang ako sa aking nakita kanina at tila para bang nauubusan ng sasabihin.

" Yam?! Hello? Ano sabaw ka nanaman? Wala ka nanaman sa ulirat? Bakit ba huy? " Tapik sakin ng malakas ni ate at hindi pa siya nakuntento doon, niyugyog niya pa ako ng niyugyog.

" Ate ano ba yan? Oo ok lang ako. Medyo na awa lang ako sa napanood ko kanina, ang brutal kasi ng pag paslang sa kanya eh hindi keribells ng puso ko. " Sabi ko sabay buntong hininga ng malalim. Sa lahat ba naman kasi ng Redweb videos na napanood ko ay doon ako pinaka nalungkot kasi kung iisipin pintay nila yun babae na wala naming ginagawa sa kanila dahil lang sa pera?

Kung ano ano kasi pinag bububuksan mo kaya nag kakaganyan ka, di nako mag tataka kung mamaya isa ka na din sa mga pinapanood mo na pinapatay. " Nanlaki na lang yun mata ko habang hinampas si ate ng malakas sa braso.

" Tigilan mo nga! Baka mamaya pag namatay ako ng ganoon umiyak ka na lang bigla diyan. " Naka ngisi kong sinabi habang sinara na ng tuluyan ang aking laptop.

" Bahala ka nga diyan ayaw mo pang kumain, mauuna na ako. " Sigaw ni ate Meng habang lumabas ng ng aking kwarto.

" huwag! Bata ka pa ate... " Pabiro kong sinabi habang sumunod na papuntang kusina. Ako nga pala si Yam, Yam Felicidad at yun napanood ko kanina? Isa lang yun sa mga bagay na nakahiligan ko nang kagawian, yun ay ang manoon ng mga Redweb videos. Sa mga hindi pa nakaka alam ano nga ba ang redweb? Kung may mga disturbing videos kang nakikita sa Internet and movies, consider this worst. Ito kasi yun pinaka nakakatakot at malalim na part ng internet! Ang facebook, Google, Youtube and twitter ay 20% pa lang sa buong sakop ng net at 80% naman ay parte ng Redweb. Dito rin nangyayari ang mga Hacking, Bentahan ng mga illegal na Droga or for short Black market pero ang pinaka nakakagimbal sa lahat ay ang live dissection. Doon ka makakakita ng mga taong pinapatay, pinahihirapan ng live at kung gusto mo na ikaw ang mag kontrol sa pinanonood mo na pag patay ay babayaran mo sila sa pamamagitan ng token, ang token na iyon ay may katumbas na pera sa labas kaya naman kung gusto mong tusukin ang mata ng pinapatay ay mag babayad ka muna at yun nga ang nangyari sa pinanood ko kanina ang kaso nga lang ay hindi siya live para bang 13 years ago na yung video eh ang creepy lang talaga. Marami nakong napanood na mga videos na ganoon pero eto kasi yun pinaka kagimbal gimbal na nakita ko, at dagdag ko lang din na bago ka pumasok dun ay kailangan walang bakas ng identity mo ang ma aalam, kailangan mong itago lahat ng verification system ng pc mo or kung hindi once na natrack ka nila ay baka ikaw na ang isunod sa live dissection. O sya ako'y kikilos na dahil sa marami pa akong gagawin at hindi naman pwede na yun na lan ang isipin ko sa magdamagan. Kinabukasan ay tumungo nako papunta sa aking paaralan, nakita ko nanaman si Kean na may tinanggihan nanaman na babae. Alam niyo yun, Oo gwapo siya, masipag mag aral parang boyfriend material pero napaka cold hearted at parang ang laki laki ng probleman pinapasan. Hindi niya na nga makuhang man ligaw dahil sa sobrang dedicated niya sa studies kaya in that case, siya na lang ang nililigawan ng mga babae. Crush ko si Kean pero hindi nako umaasa dahil hindi ko naman mapantayan ang level niya tho nag uusap naman kami minsan pero as a classmate yung kapag may groupworks pero hindi na lalagpas dun at wala naman din talaga sa pocus ko ang love.

Pribadong PahinaWhere stories live. Discover now