Simula

7 1 0
                                    

Simula

"Miss Lari! Hinahanap po kayo ng Señior!" Tawag ni Manang Masing galing sa labas ng aking silid.

Mabilis kong inayos ang aking suot na pulang bestida bago lumabas.

Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa pasilyo kung saan naroon ang opisina ng aking lolo. Dalawang malaking pinto ang nasa aking harap. Nang makapasok ay lumantad sa akin ang likod ng inuupan niya.

"Magandang Umaga Lolo!" Aking magalang na pagbati.

Humarap ang aking lolo ng nakangiti. Talagang di mo maintindihan ang kanyang saya sa tuwing ako'y nakikita. Kahit halos araw-araw ko siyang kasama ay ganito parin. Wala na ang aking mga magulang kung kaya't sa aking lolo ko ako pinakamalapit.

"Magandang Umaga, Apo!" Masayang pagbati niya.

Ako ang tanging babaeng apo galing sa kanyang angkan.

"Ano po't napatawag niyo ako?" Aking tanong dahil bigla na lang akong pinatawag nang ganito kaaga.

"Nakalimutan mo na ba? Malapit na ang aking kaarawan!" Kunwari'y malungkot na aniya.

Alam kong kaarawan niya ngunit bakit ako napatawag ang aking tanong.

"Alam ko hong sa susunod na linggo na ang inyong kaarawan Señior! Ngunit bakit niyo po ako pinatawag?" Magalang na tanong ko.

Kung hindi naman gaano ka importante ang kanyang sasabihin ay madalas pinapasabi niya na lang ito o di kaya ay pinapadala gamit ang telepono.

"May nais sana akong sabihin sa iyo.Maaari bang umupo ka?" Sinunod ko naman ito.

Naupo ako sa isang silya sa harap ng mesa ng aking lolo.

"Ano po iyon?" Tanong ko nung maupo.

"Alam mo namang tumatanda na ako. Nais ko sana na sa kaarawan ko ay iaanunsyo ko na sa aking mga bisita na sayo ko ipapamana ang ating Hotel. At hindi lang iyon pati ang mansyon at ari arian" seryosong sagot nang nakakatanda.

Nagulat ako't at hindi makapagsalita. Bakit ako?

"Bakit ako lolo? Hindi po ba pwedeng si Tita Wicca o di kaya ay si Tito Yfel?" Tanong ko.

Bakit ako? Kung nandyan naman ang kanyang anak na si Tita Wicca o di kaya ang mas nakatatandang apo niya na si Grafan?

"Lari, ikaw lang ang nais kong pagbigyan ng lahat ng ito. Lahat ng ito ay ipinundar ng ama mo para sa iyo bago siya mawala. At ikaw lamang ang pinagkakatiwalaan ko. Wala ng iba" seryoso niyang sagot habang nakatingin sa aking mga mata. Nagsusumano na sana ay tanggapin ko ito.

"Pero.. Alam kong sapat na ang napag aralan ko para dito. Pero hindi pa ako handa" Pagmamakaawa ko.

Iniisip ko pa lang ang mga kalaban ng aming hotel ay nilalagnat na ako. Why me?

"You have to understand me. I'm sorry but I cannot change my decision anymore. You have to think about it." My lolo said.

Paglabas ko nang opisina ay tinahak kong muli ang hallway papunta sa aking kwarto. Gusto kong magkaroon ng oras para isipin ang magiging decision ko.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay humiga ako sa aking king size bed. Iniisip ko na kung sana ay nabubuhay pa ang aking ama't ina ay siguro hindi ako maiipit ng ganito.

Simula pagkabata ay sinanay na ako na laging may nandyan upang gumabay saakin.

"Anak! Good luck! Just look at me if you don't know what to do, okay?" Sabi ni mommy habang ako ay papunta sa itaas ng entablado.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stockholm SyndromeWhere stories live. Discover now