Kabanata 39

826 37 8
                                    


Nagising ako pagkatapos akong silawan ng sinag ng araw sa aking tinutulugang kama. Gusto ko sanang takpan ang aking mata pero nang hilahin ko ang aking kamay ay hindi ko magawa. Para bang sobrang higpit na pumigil sa akin para gawin 'yun. Nang lumingon ako sa aking uluhan ay nakita kong nakagapos pala ako sa headboard na may dalawang carved na poste sa giliran. Nung tumingin ako sa bandang ibaba ko ay kaagad kong napansin na naka-damit pantulog ako. Well, kung tutuusin para akong nasa panahong 1900s. Naka-putting night gown. Ah, binihisan nila pala ako pagkatapos akong saksakin ng bruhang 'yun. Gusto ko sanang tignan ang sugat kong hapdi na hapdi pa rin, fresh from surgery ata, pero hindi ko magawa dahil sa sinumang gunggong na gumapos sa akin sa kama. Kainis!


Lumingon-lingon ako sa aking paligid. Kaagad ko ring napansing mala-antigo ang silid magkasingtulad kina Zenon nung una ako nagising sa mansion. May intricate moldings, may chandelier at ang disensyo ng kama ay parang nasa late 1800s to 1900s ata. May sariling kisame ang kama at nakapalibot ng apat na posteng may manipis na tela na animo'y mosquito net, kung saan ang dalawa kong kamay ay nakagapos ngayon.


Pilit kong pumiglas, trying to release myself from its tight grip. Pero hindi ko magawa kahit nilabas ko na ang mala-Taguro (Ghost Fighter character, kalaban nina Eugene and the gang) kong kapangyarihan isandaang pursyento. Natigilan ako nung may bumukas sa pintuan sa 'di kalayuan. Diretso akong nakatingin dun. Nang makita ko ang lalaking ngayo'y nakatayo sa harapan nito at hawak-hawak ang door knob ay kinaiinis ko.


"Baste, bakit mo ako ginapos dito?" tanong ko sa kanya. Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nasa loob ng kanyang bulsa ang kanyang mga kamay. Hindi siya sumagot hanggang sa umupo siya sa tabi ko at bahagyang ngumiti. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ano ba kasi ang gusto mo't ginapos mo pa ako dito? Nasaan ba tayo?" He giggled. Nagulat ako kung bakit. Kumunot ang noo ko habang hinihintay ang magiging sagot niya. "Alam mong hindi ka na nakakatawa, Baste. Alam mong alam kong ikaw ang nag-utos sa bruhang 'yun na barilin ako sa tiyan─" Napatigil ako bigla. Teka, ang baby ko. Ang baby namin ni Goyo?


Mas naging intense ang pagpumiglas ko sa harapan niya. "Sabihin mo sa akin, Baste, ano'ng nangyari sa akin pagkatapos akong barilin ng bruhang 'yun? Ano'ng nangyari sa anak ko? Sagutin mo ako, hayop ka!" Napasigaw na ako sa galit. Hindi ko akalain magagawa ko na sa kanya 'to gayong sa kanyang piling ako lumaki. Eh, siya ang naging foster father ko, 'di ba? Hindi ko ring akalaing aabot na kami sa sukdulan, magsisigawan kami at magpapatayan. Ang salitang 'hayop ka' ay hindi sumagip sa utak ko kailanman and above all, not to him. Oh my freaking gulay. Pero dahil sa panggagago niya sa akin, kailangan ko na 'tong gawin kahit alam kong masakit. All I knew was he was my only father figure I had pagkatapos akong iwan ng tinuturing kong pamilya.


"Aaminin ko, Mika. Inutusan ko si Trisha para gawin ang plan B kung sakaling hindi maging successful ang plan A," aniya.


"So, ang paglapit mo sa amin, 'yun ang plan A niyo?" tanong ko.


Tumango siya with a slight hint of a smile with malice. "Oo. Alam ko namang hindi basta-basta makipagsundo si Zenon at ang Goyong 'yun lalo na tungkol sa 'yo. They're both into you and I don't really understand. If kumpara kay Trisha, I'd understand. But to you?" He chuckled. "No."


"Wow, so ngayon, lumalabas na puro acting lang pala 'yung mga sinasabi mo sa akin na you care for me, you're fathering me, ang ganda mo, ang sexy mo, Mika? 'Yun ba ang ibig mong sabihin, Baste?"

30 Days With Mr Weirdo ☑️Where stories live. Discover now