Way back 32

14 1 2
                                    

Iya's POV

"Iya!" nakarinig ako ng malakas na katok sa pinto ko. Si Tita Cara. Antok na antok pa ako!! Tumingin ako sa orasan na nasa side table ko. Holy cow! 7:00 am pa lang. Haaay. Bakit naman ang aga manggising ni Tita??

"Iya. Bumangon ka na riyan."

At bumangon na nga ako kahit antok na antok pa ako. Ugh! "Sandali lang po, tita. Andyan na po."

Binuksan ko 'yung pinto at tumambad sakin ang mukha ni Tita. "Ta, ang aga pa po. Sira po ba 'yung orasan sa baba?"

"Ay jusmiyong bata ito." tinulak niya ako papasok ulit sa kwarto ko. "ano ba iyang itsura mo. May tulo ka pa ng laway, oh!"

Tumingin ako agad sa salamin. Eh ganun naman talaga pag bagong gising, diba? "Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong niya. Nalito naman ako.

"Huh? Wala naman po kong lakad ngayon, 'ta. Gusto ko pa pong matulog." babalik na sana ako sa pagkakahiga ng hilahin ako ni Tita papuntang banyo.

"Maligo ka na. Dali dali."

"Ano po bang meron, Tita?"

"You need to take a break. Magbakasyon ka muna habang wala pang result ang exam mo. Kaya magbihis ka na."

Tatlong araw na kasi nakalipas ang board exam. Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nang magkita kami ni Eric.

One week bago i-release ang result. Kaya sa ngayon, waiting pa rin ako. Maganda naman itong idea ni Tita. Pero inaantok pa talaga ako.

"Bukas na lang, 'ta. Please. Antok pa po talaga ako." Tawad ko sa kanya.

"Aaliyah Marie! Bilisan mo na at baka magbago pa ang isip ko."

Ano pa nga ba? Wala na akong nagawa. Kumilos na ako. I wear simple denim short shorts and off shoulder blouse. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko. Pagbaba ko sa sala, may backpack doon. Pagcheck ko, mga damit ko pala. Ilang araw ba kami doon ni Tita at parang ang dami nito?

"Tita? Asan ka na po?"

Lumabas si Tita galing sa kusina. "Oh, bakit hindi pa po kayo bihis?" nagtatakang tanong ko.

"Huh? Ah. Hindi naman ako ang kasama mo. Pero may kasama ka."

Agad naman akong nagtaka. Sino pa ba ang sasama sa akin kung hindi siya?

"P-po? Eh sino po?" Kabado kong tanong.

Mayamaya pa ay pumasok na iyong "kasama ko".

"What the?! Tita. No way!!!"

What Eric is doing here? Vacation? With him?? No way. I'd rather be at home.

"Hija. Please? Ito na 'yong chance para magkaayos kayo. Hindi sa pinagtutulakan ko siya sayo. Pero parang ganoon na nga. Hihi." Medyo kinikilig pa niyang sabi.

"Pero ibibigay ko itong time na ito para ayusin niyo ang dapat ayusin at mas makapag-usap kayo. Four days lang naman." bulong ni Tita sakin sa isang gilid.

As if naman may choice ako. Sa huli, pumayag na rin ako. Syempre, tita ko nagsabi, eh. Ayoko namang malungkot si Tita dahil lang dito.

Nilagay na namin sa loob ng sasakyan yung mga dadalhin namin. I hugged and kissed Tita.

"Sige. Mag-enjoy kayo, ah. Eric, ikaw na bahala sa pamangkin ko. Ingatan mo iyan."

"Yes po, Tita. Makakaasa po kayo. Salamat po."

Tumango si Tita sa kanya. Nagpaalam na rin ako at pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto.

Wow, gentleman.

Way back into LoveWhere stories live. Discover now