Chapter 39 Her New Friends

15.7K 266 6
                                    

Mesaiyah's Point of View

"Can we go back to what we had before?"dinig ko na sabi nung babae kay stranger subalit nakatingin lang siya sakin.

"I'm sorry Anhiro." dagdag niya na sabi. Lumapit si stranger sakin at hindi ko maipinta ang itsura nung babae.

"Who are you?" she asked pero si stranger nalang ang sumagot.

"Mesaiyah this is kosuri. Kosuri meet Mesaiyah." Napalunok ako ng laway. Siya ba si Kosuri na tinatanong ko sa kanya kanina? Hanep! Artistahin ang mukha niya. Wala man lang sa kalahati ang kutis ko sa kanya.

"Konnichiwa Mesaiyah. Ano mo si Anhiro?" sasagot na sana si stranger pero inunahan ko siya.

"She's my------"

"I'm his friend."

"Ahh. Good to know. Can we go out?" yaya niya pero alam ko namang hindi ako ang tinatanong niya kundi si stranger.

"Pupunta pa kami sa guidance office n-ni seyah. Let's go out later." cold niyang sabi at hinigit ang braso ko samantalang may biglang humarang sa dadaanan namin.

"Teka? Ikaw ba si Mesaiyah Kumiko?" sabi nung lalaki na humarang sa amin, mas matangkad sakin ng konti at emo ang buhok samantalang may pierce ang kaliwa niyang tenga kagaya nalang nung kay stranger. Sino naman 'to?

"Ako nga 'yun. May kailangan ka ba sakin?" tanong ko at naramdaman ko naman ang pagbitaw ng kamay ni stranger sa braso ko.

"Ako 'yung naghahanap ng kapartner sa banda."

"Oo nga. Nabanggit kana sakin ni ma'am Valencia. Ikaw yung anak niya right?"

"Ahh. Oo, pwede ka ba ngayon? Papakinggan ko lang sana ang boses mo."

"Ahmm..ehh..kasi sasamahan ko pa si str-------"

"Sumama kana sa kanya." napatingin ako sa kanya sa bigla niyang pagsingit sa pag-uusap namin.

"S-sure ka? Sasamahan pa kita sa guidance diba?"

"Ako nalang ang ang sasama sa kanya." sabat ni kosuri.

"Errr?" nakatingin lang siya sakin.

"O-okay." sagot ko at sumama na dun sa lalaki. Tiningnan ko sila habang naglalakad kami and still ramdam ko ang pagiging cold niya kay Kosuri.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang ipinapakilala ng kasama ko ang sarili niya sakin.

"I'm Seth Valencia. Nice to meet you."

"Ako naman si Mesaiyah Kumiko." sagot ko at nagshake hands kami.

Umiikot lang ang mundo ko sa aking bestfriend at siya lang ang kinikilala kong kaibigan and now I realize na masarap pala sa pakiramdam na marami kang kakilala. Hindi naman sa masaya ako dahil iniwan niya ako kundi ipinakita niya sakin ang buhay kung ano talaga ang nakapaloob dito na hindi mo kailangan ikulong ang sarili mo sa mga pinagdaanan niyo sa nakaraan dahil may iba pa palang kaibigan ang dadating sa buhay mo.

"San ka nag-aaral?" tanong ko.

"Sa William University. Third year college na ako. Ikaw?"

"Fourth year na ako. "

"Wow. Congrats in advance ha? Gagraduate kana pala."

"Oo nga eh." medyo may pagkalungkot na sabi ko.

"Bakit ka malungkot? Diba kapag gagraduate kailangan masaya."

"Oo nga. Wala 'to lagi naman akong malungkot kaya masanay kana sa mukha kong araw-araw mong makikita na malungkot."

"Naku! Hindi pwede sakin yan, ngumiti ka nga! Parang hindi ka masayang nakilala mo ako." Aw! Ang cute naman niya kapag nagtatampo. OHMY! 'Yung kulay brown niyang ay nagsspark katulad ng mata ni stranger. Teka? Bakit kanina ko pa siya kinocompare kay stranger. Ngumiti nalang ako ng pagkalaki-laki sa kanya para hindi magtampo.

"Ohh? Ayan, see? My Big Smile." Sabi ko habang ngumingiti ng malaki kay Seth.

"Nakalimutan mong ibigay ang student handbook ko." biglang may humigit ng handbook sa kamay ko sabay alis at si stranger lang pala. Nakalimutan ko palang ibigay sa kanya yun kanina. Teka ang sungit niya talaga. Aish! Hindi naman siya ganun sakin ah. Bakit nagsusungit na 'yun? Haaay! Ewan sa kanya. Ang labo niya talaga pag minsan.

Pumunta na kami sa lugar kung saan niya pwedeng pakinggan ang boses ko. Ganito pala kapag naga-audition, nakakakaba. I clear my throat. Kumanta na ako na ako nang kinakanta ko kanina.

Another shot of whiskey, can't stop looking at the door

Wishing you'd come sweeping in the way you did before

And I wonder if I ever cross your mind?

For me it happens all the time

It's a quarter after one, I'm a little drunk and I need you now

Said I wouldn't call but I've lost all control and I need you now

And I don't know how I can do without

I just need you know

At nakapasa ako na parang test lang.

"Sa sabado. Pwede ka ng magsimula bilang partner ko sa pagkanta?" he said.

"Err?"

"Temporary lang naman 'yon. Susunduin kita sa bahay mo."

"Susunduin? Wag na. Ako nalang ang pupunta sa runaway house."

"Alam mo 'yun?" tanong niya. Hindi ko nga alam 'yun eh.

"Ahmm..ehh..magpapasama nalang ako sa kaibigan ko."

"Sunduin na nga kita sa inyo."

"Wag na." kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam na sa kanya.

"Magsstart na ang next class namin. Bye."

"Bye! Your Big Smile ha? Don't forget to wear it always."

"Oo na." at umalis na ako sa orchidarium kung saan dun niya napiling pakantahin ako.

Saktong dating ko sa room ay saktong dating din ng teacher ko, tiningnan ko naman ang upuan ni stranger pero wala siya. Naligaw papuntang guidance? Parehas pa naman nilang hindi alam 'yun o kaya tuluyan na silang lumabas at nagdate?

Ang bait at ang ganda ni Kosuri kaya siguro siya ang naging first love ni stranger pero bakit gustong niyang kalimutan si kosuri? Diba first love never die? Eh bakit parang baligtad sa kanya "Forget your First Love". Minsan talaga malabo si stranger,tatanungin ko nalang ulit siya kung bakit gusto niya kalimutan ang first love niya.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon