WAKAS

12 1 11
                                    

WAKAS

Naramdaman ko kung paano’ng umihip ng malakas ang hangin. Napatingin ako sa may bintana na sinasayaw ang kurtinang humahalik sa sahig.

Halos manginig ako sa takot ng makita ko si Faye na umiiyak ng dugo.

Mariin akong pumikit tsaka dahan-dahang iminulat ang mata.

Pinasadahan ko ang buong silid na ito pero walang tao. Walang Faye akong nakita.

Tumulo ang luha ko tsaka sumandal sa pader.

Mag-iisang taon nang wala si Faye. Hindi niya lang ako basta-basta iniwan, dahil kailanman ay hindi ko na siya makikita pa.

Isang balita ang nagpawasak ng mundo ko.

Pagkatapos niyang magpaalam sa akin nung araw na ‘yun, ang akala ko ayos lang sa akin na iwan niya ko. Akala ko kaya ko, na ayos lang pero mali. Hindi ko kaya! Mahal na mahal ko talaga siya.

Sinubukan kong suyuin siya ulit, nagpunta ako sa condo niya pero laking gulat ko ng makita rin doon si Philip. Nagalit ako! Galit ako sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon umaasa parin akong babalik siya sa akin.

Napansin niya ako pero mabilis akong umalis tsaka sumakay sa kotse. Napahampas ako sa manibela at ipinatong ang noo doon.

Tama na, Sj. Tigilan mo na ‘yan. Talo ka na.

Pinuntahan niya ko nung araw na ‘yun pero iniwasan ko siya kahit masakit sa akin. Madalas siyang nagpupunta sa bahay para magpaliwang pero ni minsan hindi ko siya pinakinggan. Ayaw ko nang maniwala pa sa kanya. Baka isa na namang kasinungalingan ‘yon.

Hanggang sa hindi na niya ko pinupuntahan. Bigong-bigo ako nung mga panahon na ‘yon. Siguro natagpuan na niya ang kaligayahan niya….Baka…baka kinasal na siya kay Philip. Nakakatawa dahil ni minsan hindi siya nawala sa isipan ko. Madalas iniisip ko na nasa mga bisig ko siya at mahimbing na natutulog doon pero kapag natauhan ay maiiyak nalang ako dahil wala siya sa tabi ko.

Pagkatapos nang anim na buwan na di pagpaparamdam, nabalitaan ko nalang na wala na siya.

Namatay na si Faye. Patay na si Faye.

Hind ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Ni hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkamatay niya, na kung may sakit ba siya? O kung naaksidente ba siya? Masyadong mabilis ang lahat na tipong hindi ko matanggap na wala na siya.

Napadalas ang pagiging tulala ko. Nag-inom ako. Gusto kong kalimutan ang lahat kahit panandalian lang. Gusto kong maging masaya kahit saglit lang.

Ang akala ko makakalimutan ko pero sa bawat boteng nauubos ko ay siyang paglitaw ng mukha niya sa isipan ko. Bawat sulok ng bar, kahit saan ako tumingin, mukha niya ang nakikita ko.

Hindi ako nagpunta sa burol o kahit sa libing niya.

Ang makitang nakahiga at mahimbing itong natutulog, na alam ko sa sarili ko kahit na gisingin ko siya, hindi na ito magigising at babangon pa, parang ikakagunaw nang mundo ko.

Hindi niya ako kailangan doon. Walang tatanggap sa akin doon.

Kung galit ako sa kanya halos isumpa naman ako ng magulang nito.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko.

Nitong nakalipas na buwan napapadalas ang pagpaparamdam niya sa akin. Hindi lang sa Bar o dito sa Studio, kahit saang lugar madalas ay umiiyak ito ng dugo o di naman kaya malungkot niya lang akong tinititigan. Kahit sa panaginip ko, nagpapakita rin siya. Lagi itong humihingi  ng tawad sa akin at lagi niyang sinasabing “Bisitahin mo ako sa bahay”

SJ & Faye (a short story)Where stories live. Discover now