Kabanata 2

9.4K 231 68
                                    


Carmela

"WOW," usal ko habang sinisipat ang malaking torch na kasalukuyang nagbibigay liwanag sa harapan ng main building ng PNU. Excited kasi ako masyado, dahil 5:30 pa lang ng madaling araw ay nasa school na ako; when all along ay alas-7 pa talaga ang klase ko.

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at nag-picture kaagad doon. Excited kong in-upload kaagad ang picture na 'yon sa Facebook at Instagram.

First day of school as a PNUan! Omg! #PNU #Teacher #Torchbearer

Sobrang ganda ng kuha ko sa torch dahil medyo madilim pa at talaga namang evident 'yung kulay ng torch sa picture. Today, I am an official torchbearer just like lola Carmela. Hindi na ako makapaghintay na maging lisensyadong guro kahit na ba apat na mahahabang taon pa ang bubunuin ko para maging licensed professional teacher.

Nang makuntento sa pagpicture ay inilagay ko na ulit ang phone ko sa bag, kinuha ang registration form ko at pumasok ng school.

This is it, pancit!





Juanito

"GRABE, this is your first day of school pero feeling ko nasa panahon ako ng mga Kastila sa feels ng school mo."

I maneuvered the car towards the gate. Agad kong iniabot ang registration form ko sa guard na nakaabang at nang tumango ito ay nagpatuloy na akong magmaneho patungo sa parking lot ng school. May nagsasalita ba o hangin lang 'yon?

"Hello, Juanito Alfonso VII to earth?" untag sa akin ni Natasha na nakaupo sa passenger's seat ng kotse ko. Hindi pa siya nakuntento at ikinapit niya pa ang mga kamay niya sa braso ko matapos kong i-park ang kotse.

May nagsasalita pala. I thought it was just wind.

"This is my second year studying here, so don't act as if I'm a freshman. And this school was built in 1901, and that's during the American occupation in the Philippines. The Spaniards has nothing to do with this school."

Call me grumpy or what, but I hate having Natasha with me today. Medyo naiirita ako dahil kasama ko pa siya hanggang dito sa school ko. This is also her first day of school and unfortunately, her school is just a ride away from my school. Malas pa dahil hindi traffic, nasamahan pa tuloy niya ako ngayon.

Natasha has been a 'friend' when I was still a kid. I met her here, in the Philippines, when my family and I stayed in San Alfonso. Umuwi kami nila mama at papa sa Pilipinas dahil na rin sa kapatid ko. She was a spoiled-brat and our parents wanted to take her away from her 'friends' in Italy even just for a while. Kaya naman minabuti nila papa na umuwi ng Pilipinas. They want to reiterate the Philippine culture to ate Ashley. Geez, I rarely call her ate. In Italy, there was never a moment I called her ate, it's just Ashley. Plain Ashley. Sadly, that plain Ashley made friends with Natasha, at hanggang sa makabalik kami ng Italy at hindi nawala ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Bagay silang magkaibigan, parehas na mga pasaway. Natasha's a typical it-girl. Siya 'yung tipo ng babae na may thousands of followers sa Twitter at Instagram, at sasabog ang friend list sa dami ng nagsesend ng friend requests at follow requests sa kanya. I once told her na sana, kahit sa Facebook man lang ay mamili siya ng mga magiging friends niya. Still, okay naman daw dahil makakakuha ka rin naman ng likes and shares mula don sa mga friends na iyon.

Ayoko ng taong dumidepende lang sa likes, comments, shares, o retweets. Ayoko sa taong mukha nang social media. Let's admit it, we are living in the early 2080s but we are humans. Technology doesn't define who we are.

"Ang sungit mo talaga," rinig kong wika ni Natasha na may halo pang pag-ismid.

"That, I am," I coldy replied. "I have a class at 7. You better go."

I Love You Since 1892: Book 2 - Un Día En El Cielo (Completed Fanfic)Where stories live. Discover now