CHAPTER 21 ( OLD FRIEND )

332 10 4
                                    



CHAPTER 21

APRIL POV

I'm travelling now, going to Egypt! Charot lang. Nag ba byahe ako ngayon pabalik ng TDhotel na pinag mamay-ari ni Mr. Masangsang. Habang nag ba byahe ako ay biglang nag ring ang phone ko at hindi ko na sana sasagutin yun dahil sa akala ko ay si sir Peter na naman na nangungulit sa akin.

Napatingin ako sa screen ng phone ko at nakita ko ang pangalan ni sir Jong ng boss ko sa Korea kaya dali-dali kong tinigil ang kotse ko sa emergency bay ng kalsada at sinagot ang skype call nyang yun.

Nakita ko kaagad ang mukha ni sir Jong sa cp ko, hehehe, ang gwapo nya, isa syang Oppa, pero berde ang dugo, hmmp sayang lang at di ko sya mapapahalina sa angkin kong kagandahan.

"hello April how are you" ngiti nya sa akin.

"I'm okay sir" I smiled too.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto ng aking sasakyan at binaba ko naman ang glass window to see kung sino ba ang Ponchio Pilatong kumakatok na yun. Nang nabuksan ko na ang glass window ay sumilip ang isa sa mga escorts ko, nagtatanong kung ba't ako biglang tumigil, sagot ko naman trip ko lang, pero charot lang. Sinabi ko sa kanya na may emergency call ako at hindi ako pwede sumagot ng tawag habang nag mamaneho baka mag dulot yun ng aksidente at ikamatay ko pa yun, o di kaya ay mahuli ako ng traffic enforcer at kutungan pa nila ako.

Nang naliwanagan na ang escort ko ay syang balik nya sa sasakyan nila, sabi ko as kanya mag sesenyas nalang ako pag tapos na ang aming usapan ng boss ko sa Korea, kapag nag dirty finger ako sa kanila, matik na yun, end of call na namin ni sir Jong.



Binalik ko ang atensyon ko kay sir Jong. Sabi nya sa akin na mimiss na nya daw ako, kelan daw ako babalik ng Korea. Di ko pa nga ma gets ang inglis nya, kailangan ko pa talagang i-analyze the words thoroughly na lumalabas sa kanyang bibig. 

Kinamusta nya ako if ano daw ang feeling maging sikat at maganda, syempre turan ko okay na okay, at madami ngang nagkakandarapang lalake sa akin, at mdami na din akong mga lalake na pinatigas ang kalamnan, pero charot lang. Kinamusta nya ang trabaho ko dito sa Pinas, kung they treat me better, o ginagawa nila akong prinsesa.  And ni-remind nya din ako na six months lang ang stay ko sa Pinas, baka daw kase ay makalimot ako at after ng contract ko dito sa Pinas ay babalik na ako sa kanila para tapusin ang naiwan kong kontrata. Sabi ko sa kanya di ako nakakalimot, at turan ko pa ay na mi-miss ko din sya. ehihihi,kinilig nga sya sa sinabi ko, hmmp, madaling mapaniwala!

Kinuwento nya din sa akin na puno na daw ng request ang fan page nila na pauwiin na daw ako sa Korea dahil na mi-miss na ng mga fans kong Korean ang kagandahan ko, sabi ko pa nga kay sir Jong sila nalang pumunta sa Pinas, para maka bakasyon sila at dagdag kita sa turismo.

Kinamusta din sa akin ni sir Jong si sir Peter, anya ay na mi-miss na nya daw ang kanyang matagal na empleyado, wala na daw ganang pumasok sa office nya si sir Jong dahil wala na daw ang nagpapalakas sa kanya na si sir Peter. Ang landi nya talagang beki, daig nya pa ako sa kalandian kong taglay.

Dagdag nya pa ay mis na din daw ako ni Mr. Park na may ari ng The Rigid Clothing line, sabi nya ay mas lalong bumenta ang skinny jeans ni sir Park dahil daw sa pinalilibutan daw ng standee ko ang bawat botique nya sa mall. At ang travel magazine ko naman daw na ginawa sa kompanya ni sir Jong ay ubosan daw halos ang kopya. Dati daw ay nakakaubos sila ng five hundred copies per day, ngayon daw ay trip-le ang tinaas, ang dami daw kase ng demand, maging sa planet Mars daw ay may bumibili sa kanila, pero charot lang. nag request pa nga si sir Jong sa akin na if pwede ay mag pose daw ako ng nakaka horny kong picture para ilagay nila sa isang edition nila ng magazine, sagot ko naman kay sir Jong ay saka na pag sinumpong ako ng kagagahan ko. kung gusto nya ehh hubo't hubad ako habang naka bukaka sa harap ng kamera, pero chars lang! baka itakwil ako ng pamilya ko kapag ginawa ko yun.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Место, где живут истории. Откройте их для себя