thirty-nine.

19 2 2
                                    



Nagmamadali akong pumasok sa sinabing ospital ni Yssydea at kaagad nag-inquire sa front desk. "Miss, nasaan naka-in si Mr. Wycliffe Kim?" tanong ko agad at nagtaas siya ng kilay. Oh, c'mon miss! Wala akong time na magtaasan pa ng kilay, okay! Sabi ko sa isipan ko.

"Uhm, kaano-ano ba kayo ng pasyente?"

What? Is this really necessary? Sa TV ko lang nakikita 'to pero feeling ko naman ay hindi naman talaga kailangan ito eh!

"What? Miss, sabihin mo nalang ang room ni Clif!"

"Pero ma'am hindi po p'wede iyon---"

"Girlfriend niya ako! Ano, okay na ba? P'wede mo na bang sabihin, ha?" pasigaw kong sabi sabay hampas ng counter na nasa harapan naming pareho. Napaliyad siya. Natigilan.

"Ano ba, miss? Anong room number niya?!" sigaw ko ulit. 

"Room 234," hindi na ako nagpasalamat sa bruhang iyon at nagmamadali nalang akong tumakbo papunta sa room 234.

Pagkakita ko n'un mabilis kong binuksan ang pintuan habang humihingal pa ako dahil sa galit ko doon sa babae.

"... I love you..." Wycliffe's voice mastered the whole room. Halos mayanig ang sistema ko nang tinignan ko ang kama niya. May babae siyang kasama. At dahil nakatalikod 'yung babae sa akin, natatabunan niya si Wycliffe kaya hindi ko makikita ang ekspresyon ni Wycliffe. Pero iyong babae. Kahit nakatalikod pa ito. Kilalang-kilala ko na ito.

"I love you too, Wycliffe..." bulong niya pero tama lang para marinig ko. Hindi ko na nakayanan. Hindi ko na isinirado pang muli ang pintuan ng room na iyon at agad nalang umalis. Ako pala ang hadlang sa love story ng dalawa. Tumakbo nalang ako palayo. Palayo sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

7/11. | on-holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon