Chapter 26

1.8K 44 0
                                    

THIRD POV 

"ilang beses ko bang sabihin sayo na bawal kang manigarilyo? ang tigas talaga  ng kukuti ming bata ka! halos puputok na ang ugat sa leeg ni esther dahil sa galit kay christine, naabutan na naman niya itong na ninigarilyo sa veranda.

" Anong gusto mong gawin ko dito sa bahay? hihilata boung araw, boung mag damag? ni hindi na nga ako makalabas sa bahay na ito!" Tumaas na ang boses ni christine sa ina, sa wakas nag karoon siya ng lakas ng loob na sagutin ang ina. Mali man ang sumagot sa nakakatanda sa kanya at lalo  na sa mga magulang,pero sumusubra na ang ina niya.

PAK! isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni christine. Pero parang wala lang sa kanya, sanay naman siya sa sampal ng ina, nag karoon na nga siguro ng kibol ang Pisngi niya sa kakasampal ng ina,pero nilalagyan lang niya ng yelo para hindi mahalata ni vincent ang pamumula ng pisngi niya.

" yan ang napapala ng mga batang hindi marunong gumalang sa ina". esther

"GUMALANG?   bakit ka galang galang ka ba?" Saad ni christine
"ka galang galang ka lang sa harapan ng pamilya wu at sa harapan ng maraming tao." dag dag pa niya kaya dumapo na nman ang isang sampal sa kabilang pisngi niya.

"H'wag mong sagarin ang pasensya ko CHRISTINE, pag ako na puno talagang isusunod kita sa hukay ng in..."

"ng ano? ng tita jackie ko?" taas kilay na sagot niya."sanay  na akong marinig  yan sa'yo,ba't hindi mo matuloy?" pag hahamon ng anak sa kanya.

Malakas na tumawa si christine. "Hoy! h'wag mo ako hamunin,bata!"  hindi ako natatakot gawin sa'yo yan.Nag babagang mga titig niya kay christine.Agad namang nahintakutan si christine pero hindi nya lang pina halata sa ina, kung papatayin man siya ng sarili niyang ina, atleast may ibedensya sya bago man lang siya mawala sa mundong ito.imbes na matakot, tumayong matuwid si christine at ngjnitian ang ina, na para bang nasa shooting sila ng pelikula at pareho silang kontrabida at nag tatalo sa paplanuhin nila.

"gawin mo ngayon, kung matapang ka!"matapang na sagot sa ina at sinalubong ang tinging nag babagang mga mata ng kanyang ina.

"Pera lang naman ang habol mo kay daddy diba? kaya pinqkasalan mo siya? diba,diba.Pag tatama niya.

"alam mo ang plano ko noon pa, christine, hindi ba? na pinatay ko ang ina nyo at  pinakasalan ang daddy ninyo, dahil gusto kung mag higanti sa pamilya ninyo, kung hindi dahil sa ama nyo, hindi sana kami nag hirap noon ng asawa ko,buhay pa sana ang asawa't anak ko. nang gagalaiting saad ni esther.

"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ni christine.

"hindi kita totoong anak, ikaw ang nawawalang kakambal ni sheena.Hahaha, tanga kasi ang daddy ninyo, nasa harapan na nya ang hinahanap nya hindi pa niya nakita." Kawawa ka naman,hindi alam ng totoong pamilya mo na ikaw ang nawawalang anak nila.ng malaman kung patay na ang anak ko,isa lang ang nasa isip ko nun,inutusan ko si claudia na ipag palit kayo at ng anak ko,gusto kung maranasan nina tristan at jackie kung ano ang pakiramdam ng nawalan,ako rin ang may kagagawan kung bakit nawala si sheena,gusto kung maging miserable ang buhay ninyo.taas noong sabi niya.

"bakit mo sinsabi sa akin ngayon niyan?christine

"para bago ka man lang mawala sa mundong ito,may malaman ka man lang sa history ng pamilya natin. Sagot ni esther At tumawa ng malakas.gusto ng umiyak ni christine pero nag pakatatag siya, Ngayong alam na niya ang lahat,kaya pala hindi siya magawang mahalin ng ina dahil hindi pala siya totoong anak nito.

"kaya kung gusto mo pang ma buhay at makita ang pamilya mo,sumunod ka na lang sa gusto ko,or else isa sa kanila ang sasabog ang ulo." paalala sa kanya ni esther bago lumabas.Naiwan siyang tulala, hindi niya alam ang gagawin,kailangan niyang makausap si christian, hindi siya maka kilos dito sa loob ng bahay at makausao si vincent dahil may cctv at may voice recording pa ito kaya malalaman ng ina niya lahat ng kilos at galaw niya dito,buti na lang kanina napatay niya ang monitor ng sa sala ang sa tapat mg kwarto,pati voice recording pinatay niya din. dahil nag tenext niya si christian kanina na puntahan siya dahil may aaminin siya sa kapatid. (Kunwari may voice recording ang cctv, baka mag taka kayo ako lang ang naka diskubre nito,kung totoo man edi yun na yun).

Gusto gusto na niyang umuwi at aminin sa pamilya na hindi siya totoong buntis at pakana lqng lahat ng peke niyang ina. Kaya pala halos araw araw na siyang saktan ng ina,kunting pagkakamali sampal agad. Pero okay lang naman keysa sa mga kapatid ang saktan ng ina niya,pasalamat na lang siya at si sheena na ang nawala sa kanilang kambal,hindi deserve ni sheena ang masaktan,para sa kanya mabait si sheena,kahit na anong galit pa niya dito ito pa rin ang nag pakumbaba,  pinag bibigyan siya palagi ng kapatid. Siya lang naman tong,nahawa na sa kamalditahan ng ina nya kuno. Pero pag naayos na ang lahat babawi siya sa mga kapatid.

christian,mag kita tayo sa  condo n Nichole, tatakas ako dito may pag uusapan lang tayong importante at may ibibigay ako sa'yo. Text niya sa kapatid.

pinag dugtong dugtong niya ang kumot, at tinali ito sa paanan ng kama niya,bahala na kung maabutan siya ng ina,ang mahalaga ay makausaP niya si christian, at mayakap lang man ang mga ito kahit sandali lang.

alas 5 na ng hapon ng makarating siya sa  condo unit ni nichole, naka pantalon kapares na long sleeve stripe, at naka jacket tapos nag sombrero din siya para walang may makakilala sa kanya.

kasama ni christian ang ama at kapatid,iniwan muna niya si tina sa mga magulang nito. Si sheena naman nag pumilit na sumama ayaw pa sana ng kapatid, ama at lalo na ni vincent pero  sa huli ay sinama na lng din nila ang mga ito.   Okay naman din ang pakiramdam niya,hindi na siya palaging mahiluhin. At tapos na din ang pag bebedrest niya.Palinga linga silang apat,ng dumating sa condo unit ni nichole, wala naman silang nakikita tao,bukod sa taong naka jacket at nakasumbrero nag lalakad lakad sa harapan ng unit ninichole.

"Patay!baka naka corner sila ng mag ina.!"Bulong ni sheena sa sarili ito na ba ang katapusan nila,nangangatog ang tuhod niya,pero inalalayan lang siya ni vincent.

patakbong pinuntahan ni christian si christine.

"Hwa..... Sigaw ni tristan."Duda lang siya kay christine,sila lang namang tatlo ang nakakaalam na hindi niya totoong anak si christine,pero ngayon alam na ng mga anak niya.

A/N: malapit na talaga...

My Ultimate Crush Is My HusbandWhere stories live. Discover now