M.YG - My BestMan

32 5 2
                                    


♪♪♪♪♪ 

"Yoongi, pag kinasal na ko dapat ikaw ang bestman ko huh?" sabi ni Ray sa kaibigan. Biglang napaubo si Yoongi sa narinig. Napahawak siya sa kanyang dibdib at makailang ulit itong tinapik.

"What's wrong Yoongi? Are you sick?" nag-aalalang tanong ni Ray sa kaibigan.

"Nasamid lang ako. May nakaalala siguro sa akin." sabi nito at ginulo nito ang buhok ng dalaga.

"Yaaah stop messing my gorgeous hair!" reklamo nito pero hindi siya nito tinigilan. Ayaw niya kasing mahalata nang kaibigan ma nasaktan siya sa sinabi niyang maging BESTMAN nito. Dahil hindi iyon ang gusto niyang marining. Gusto nitong siya ang maging Groom ng dalaga. Pero paano mangyayari yun kung Torpe siya?

"Tara na Princess, hatid na kita sainyo." sabi nito na nakangiti pero sinimangutan siya nang dalaga.

"Hindi naman Princess ang pangalan ko." sabi nito at nag-pout pa. Natawa naman si Yoongi sa reaksyon ng kaibigan. Inakbayan niya ito.

"Eh gusto ko eh. Ikaw kaya ang Prinsesa ng buhay ko." sabi nito kaya namula ang Pisngi ni Ray.

"Aissh... Ewan ko sayo. Minsan pa nga ang Corny mo." komento nito.

"Hehe... Tara na nga Prinsesa ko." sabi ni Yoongi na labas ang gilagid.

"Yoongi kumkinang na naman gilagid mo." pang-asar na sabi ni Ray dito saka tumawa ng malakas.

"Aiisshh this Girl really... Yah!"

◇◆◇◆◇◆◇◆◇

"Yoongi kailangan mo ba talagang umalis?" tanong ni Ray habang nakayakap sa kaibigan. Nasa Airport silang dalawa ngayon.

"Oo eh... Kailangan kong tuparin ang pangako ko sa Daddy ko." sabi ni Yoongi at humiwalay sya dito para hawakan sa pisngi ang dalaga.

"Wag ka na malungkot. Babalik pa rin naman ako. Saka nag-promise ako sayo diba? Na ako ang magiging Bestman mo sa kasal?" sabi nito pero may kirot siyang nararamdaman ng sabihin niya iyon.

"Promise yan ah. Pupunta ka sa kasal ko." sabi ni Ray pero nangingilid na ang luha nito.

"Oo Promise yun. Sige na aalis na ko. Sabihin mo sakin pag pinaiyak ka nang groom mo wah? Ako magpapaiyak sakanya." natawa naman si Ray sa sinabi ng kaibigan.

"Haha Oo sasabihin ko yun sayo. Mag-iingat ka." paalam nito sa binata.

"Neh~" saka ito humakbang paalis. Habang humahakbang siya palayo sa babaeng mahal niya ay hindi na niya napigilan pa ang kanina pang luhang gustong kumawala sa mata niya.

◆◇◆◇◆◇◆◇◆

5 years later...

Hindi rin naglaon ay dumating na ang araw ng kasal nang pinakamamahal na babae ni Yoongi na si Ray.

Pero imbis na maging masaya siya para sa kaibigan ay malungkot at nanghihinayang pa ito.

Nag-stay ito sa South Korea para kalimutan ang nararamdaman nito sa dalaga pero mali siya dahil mas lalo lang itong lumaki.

Ngayon nakatayo na siya sa simbahan iyon ay mas lalong bumigat ang nararamdaman niya. Pero napalitan iyon ng pagtataka ang mukha niya dahil nandoon na ang Bride sa Altar at wala itong Groom na kasama. At hindi lang iyon lahat ng tao doon ay sakanya nakatingin. Imbis na intindihin iyon ay humakbang siya palapit sa nakatalikod na Bride.

"Ray..." mahina pero narinig pa rin iyon ng dalaga kaya naman humarap ito sakanya. Maluha-luha naman humarap ito sakanya pero ngumiti pa rin ito.

"Yoongi... Dumating ka..." malumanay nitong sabi at niyakap niya ang binata. Niyakap din sya nito pabalik.

"Teka nasaan ang Groom mo?" pero nginitian lang siya ng dalaga at hinaplos nito ang pisngi niya.

"Ikaw yun..." nabigla siya sa narinig pero may halo itong saya sa kaloob-looban niya.

"Teka diba sabi mo Bestman mo lang ako?" Takang tanong nito.

"Oo nga. Ikaw nga ang Bestman ko. Bestman ng Buhay ko. Min Yoongi will you marry me and make me happiest woman in the world?" sabi ni Ray na punong-puno ng pagmamahal ang nararamdaman.
Napangiti naman ang binata sa narinig. Ang kaninang mabigat na nararamdaman ni Yoongi ay nawala at napalitan ng Purong kagalakan.

"Yes I Will Marry You Ray Goldstein." sagot nito sa dalaga. Nagpalakpakan naman ang mga taong nandoon.

"Ray Goldstein..." humarap si Yoongi kay Ray at inabot niya ang kamay nito habang dahan-dahan niyang isinusuot ang singsing sa daliri nito.

"I give you this ring, wear it with love and joy. I choose you to be my wife; to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer for poorer, in sickness and health to love and to cherish as long as we both shall live." Napangiti si Ray, gusto na nitong umiyak pero pinipigilan niya dahil sa sayang nararamdaman.

"Min Yoongi..." it's her turn to reach his hand and put the ring on his finger.
"I give you this ring, wear it with love and joy. I choose you to be my husband; to have and to hold, from this day forward. For better, for worse, for richer , for poorer, in sickness and in health, to have and to cherish, as long as we both shall live. And here to, I pledge you my Faithfulness to show to you the same kind of love as Christ showed the church when he died for us. And to love you as a part of myself because in his sight we shall be one." and after the Priest announced it, he kissed his bride.

Nagpalakpakan naman ulit ang mga taong nandoon.

Binulungan siya ni Yoongi ng "I Love You.,"
Hinalikan naman siya ni Ray ulit sa labi at " I Love you too."

♡THE END♡

Para sa Favorite author ko dito slash Ate na Kaibigan na rin ♡
Ray Unnie alam ko naRead mo na toh dati pero papabasa ko ulit sayo Unnie hihi XD 

Saranghae Ray Unnie ♡

FlairStoica
saeng thank you dito sa book cover na ginawa mo para dito sa oneshot ko :) 

Matagal ko na talaga ginawa itong Oneshot na toh mga around year 2016 xD 

Ngayon ko lang naPublish dahil sa Dedication button xD wala kasi sa phone non eh 

tapos nakakalimutan ko din.
Saka ano natakot lang ako na iplagiarize lang ng iba itong gawa ko. Oo alam ko hindi ito ganon kaganda katulad ng ibang short stories dyan pero niPublish ko pa rin kasi para talaga toh kay Princess Unnie.

Thanks for reading everyone~~~

Min Yoongi: My BestManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon