Chapter 26

1K 46 6
                                    


"Tiffany! Nasaan ang mga damit para mamaya?" Halos umirap ako sa ere nang narinig ko ang tanong sa'kin ni Lea.

She's the mother of the outfits for this day, yet she knows nothing. Gusto ko siyang sigawan, pero baka sabihin nanamang ng mga alipores niya na bitter ako at inaaway ko siya dahil hindi design ko ang napili para sa ngayon.

"I don't know. Sa accessories ako naka-toka, Lea," simple kong sagot sakaniya bago ko inayos muli ang mga accessory sa harapan ko.

Pinaghiwalay ko ang mga para sa lalaki at para sa mga babae, pagtapos noon ay sinet ko sila by group para mamaya ay mabilis kong maibibigay sakanila.

"You doing okay?" Nilingon ko si Andrew na busy sa pagsuot ng damit niya. Ngumiwi ako nang nakita kong hindi ko nagustuhan ang kulay ng sleeves niya.

"I am until I saw your outfit. What the hell, Ands? That color isn't for you!" Saway ko sakaniya at hinatak siya pabalik sa dressing room.

"What do you want me to do? Ito ang pinasuot sa'kin ni Lea?" Tanong niya sa'kin na hindi ko na sinagot.

Color brown for a concert?! What is she thinking? Ang patay ng kulay! Naiinis ako!

"Sino pa ang nakasuot ng ganiyang kulay?" Tanong ko sakaniya habang naghahanap ng ibang kulay na damit sa closet na nasa loob ng dressing room.

"My team, of course!" Naiirita ring sagot sa'kin ni Andrew. "Bakit ba kasi hindi ikaw ang pinili nila?"

Hindi ko na siya muli sinagot dahil nakahanap ako ng matinong kulay para sa suot niya. Pareho lamang ng style ang sleeves pero iba ang kulay. Kinuha ko 'yun at ang mga katulad pa noon para maiabot sakaniya.

"Ilang kayo?" Tanong ko sakaniya.

"Five," sagot niya sa'kin. Iniharap ko si Andrew sa'kin at kinuha ang sleeves na pinahawak ko kanina sakaniya. Itinapat ko 'yun sa katawan niya.

"This will do. Pakisuot, bilis!" Utos ko sakaniya. Chineck ko ang oras at malapit na matapos ang final rehearsals nilang lahat.

I feel so tired at gusto ko ng sapakin ang boses ni Lea na sumisigaw sa labas dahil sa dami ng utos niya sa lahat. I don't know why she's so bossy, noong team ko naman ang napili last year ay hindi kami naging ganyan kaingay. I'm not the head stylist pero hindi naman ganyan kaingay si Ate Becca noon. How I wish she's still here para tahimik na lang ulit sa sulok ang babae na 'yan!

Tinignan ko si Andrew nang natapos niyang suotin ang binigay kong sleeves. Inayos ko ang pagkakabutones nito, pero iniwan ko ang tatlo na nakabukas. Itinuck-in ko ang kalahating parte ng sleeves niya sa pants na suot niya habang ang kalahati ay nakalabas.

Andrew is a dancer, hindi sila kasing sikat nila Harold but he's great, too. Siya nga ang nagdadala sa grupo niya, but unfortunately hindi niya masiyadong dinidibdib ang talent niya sa sayaw. Kung siguro'y pinagtuonan niya ng pansin iyon baka kasali siya sa grupo ni Harold, pero hindi. He hates spotlight.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya para maitupi ang sleeves at ang kabila naman ay pinunit ko para maipakita ang biceps niya.

"What the hell, Tiffany?" Ngumisi lang ako dahil sa reaksyon ni Andrew. He's my friend and I want him to own the spotlight while he's on stage.

"Basain mo ang buhok mo kapag turn niyo na at guluhin mo, Ands. And the remaining longsleeves ay ibigay mo sa grupo mo. Nandoon sina Mia, maiintindihan nila ang gagawin kapag nakita nila ang suot mo."

"You ruined the sleeves, Tiffany!" Sabi niya sa'kin.

"Don't you trust me?!" Angil ko sakaniya pero umirap siya.

One Word, Two SyllablesWhere stories live. Discover now