-21-

8 0 0
                                    

Xen's Point of View

"Kuya!" napalingon naman ako dahil narinig ko boses ni Enzo. Tumatakbo siya para habulin ako. Nauna akong umalis ng bahay sa kanya kasi naman ang bagal kumilos kaya iniwan ko. Pero bakit halos sabay lang kami nakarating?
"Bakit ang bilis mo nakarating?" tanong ko.
"Fan kasi ata ng fast and furious yung tricycle driver."
"Oh eh bakit sa building ka namin dumiretso? Sa pagkakatanda ko sa kabila ang building niyo. Kelan ka pa na accelerate?"
Sinimangutan naman niya ako. "Ha ha. Katawa ka."
Kokotongan ko sana siya kaso tinaas niya yung kamay niya para harangan yung kotong ko kaya nakita ko yung hawak niyang bulaklak.
"Yari ka kay mommy. Pinitas mo mga bulaklak niya sa garden."
"Hindi kay mommy to." katwiran naman niya.
"Edi mas lalong lagot ka. Kaninong kapitbahay mo pinitas yan?"
"Hindi ko din pinitas to sa kapitbahay. Kinuha ko to sa labas ng subdivision... Oh!" bigla naman niyang inabot sa akin yung bulaklak kaya napaatras ako.
"Aanhin ko yan?"
"Hampas mo sa sarili mo." sarcastic na sabi niya sa akin kaya tinalikuran ko na siya.
"Joke lang kuya. Huy! Kuya wait!"
Huminto naman na ako. "Kokotongan na talaga kita."
"Ang seryoso mo naman kasi. Di naman bagay sayo. Ipapaabot ko lang naman sana to." tinaas pa niya yung bulaklak ba dala niya. "Ano... Pakibigay kay..."
Sinabi niya ng sobrang hina yung pangalan kaya di ko narinig. "Ha? Kanino?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. Siya naman namumula na yung tenga.
"Kanino ko ibibigay?"
"Kay ano... Kay Yelle." nahihiya niyang sabi. Napa awang naman yung bibig ko sa sinabi niya. Tinitigan ko siyang mabuti at mukha naman siyang seryoso. Maya maya pa natawa na ako. Napamura pa ako sa sobrang tawa.
"Wait... Di ako makamove on. Laughtrip!" natatawa ko paring sabi kaya inapakan na niya yung paa ko. Napatigil naman ako dahil sa ginawa niya.
"Tinamaan ka ba sa kanya? Sinasabi ko sayo di mo kaya yung isang yun. Maamo mukha pero tigasin yun. Pero sige dahil kapatid kita, ibibigay ko to." kinuha ko na yung bulaklak pero di ko talaga mapigilang matawa sorry.
"Wag mo sabihing ako nagpabigay."
"Secret admirer ang approach ng loko." nailing na lang ako. "Sige di ko sasabihing ikaw nagpabigay basta ikaw maghugas ng pinggan mamayang hapunan. Deal?" tinaas baba ko pa kilay ko. Pumayag nama siya kahit na alam kong ayaw niya. Wala siyang choice. Tinototoo ko mga banta ko. 
Pumunta na siya sa building nila at ako naman umakyat na sa room namin. Sumilip muna ako sa room namin bago pumasok. Wala pa masyadong tao pero nandon na mga kabanda ko. Magugulat ka talaga may Zari kasi di siya nalelate at ang aga niya kaso sabi niya ginagawa lang niya yun kasi under probation parin kami. Pag tapos na probation period namin, balik dati na daw siya. Husay.
"Yo! Good morning guys!" masayang bati ko sa mga kaklase ko. Nag greet naman sila pabalik. Pumunta ako sa last bench kasi doon nakaupo sina Yelle at Zari pero kay Yelle ako tumabi.
"Ilang milo ba nahithit mo at ang aga aga hyper ka." inis na tanong ni Yelle pero ako natawa lang.
"Iniinom ang milo, di hinihithit."
"Mukha ka kasing humihithit."
"Grabe siya..."
"Kelangan mo ba?"
Inabot ko na sa kanya yung pinapabigay ni Enzo na bulaklak. Sobrang gulat naman ni Yelle.
"What the fvck...." mahinang sabi ni Zari pero narinig ko naman. Pati si Levi napa shet na din tapos lumapit sa amin.
"Mga reaction niyo naman! Grabe kayo. Wag ka mag alala di naman talaga sakin galing yan. May nagpapabigay lang na kakilala ko. Nagpapaka secret admirer. Oh kunin mo na. Nakakangawit na eh." sabi ko ng natatawa. Pero si Yelle nakapoker face parin at di tinatanggap yung bulaklak.
"Di nga sakin galing yan. Jusko naman. Kung gusto kitang bigyan ng bulaklak, first week palang ng school year nabigyan na kita." tinaas baba ko pa kilay ko. Inirapan lang niya ako pero tinanggap naman na niya yung bulaklak.
"Di talaga sayo galing to ah?"
"Oo nga. Kulit."
"Good. Ayoko pamanding masama sa harem mo. Nakakakilabot."
"Grabe ka sa akin!"
"Papalit palit ka kasi ng dinedate. Napaka play boy mo." sabi ni Zari. Yung pagkakasabi pa ay parang pinagsamang inis at irita. Hala anong kasalanan ko?
"Hindi ako play boy no."
"Kaya pala nung isang linggo may ka chat kang Sam. Tapos kahapon Macey naman na. Btw nga pala, hindi tayo nakapagpractice ng matino kahapon kakahingi mo ng break kasi may ichachat ka." nginitian pa ako ng sarcastic ni Zari.
Napakamot naman ako sa batok ko. "Sorry. Pero di ako playboy promise. Masyado niyo naman na akong najudge."
"Yeah right."
"Para namang ang sama kong tao dahil may dinedate ako. Masama bang maghanap ng sparks?" natatawa kong sabi.
"Lahat ng sobra masama." sabi naman ni Levi kaya napatingin ako  sa kanya. Nacurious tuloy ako bigla.
"May dinate ka na ba?" tanong ko sa kanya kaya medyo nagulat siya pero sumagot din naman.
"Wala pa."
"Aba wala pa. May balak ka?"
"Oo naman. Tingin mo sa'kin?"
Natawa naman ako. "Kala ko puro aral ka lang e. Enjoy din minsan. Date-date lang ganon."
"Nah. Sisiguraduhin ko muna yung nararamdaman ko bago ko sya idate. Gusto ko kasi seryoso e."
"Nge? Edi dapat date muna para makasigurado kang may feelings ka nga at vice versa. Pano pag sigurado kang may feelings ka nga tapos siya wala pa. Edi friendzone ka."
"Eh pano pag dinate ko tapos wala akong feelings sa kanya tapos siya meron sakin. Tapos tinigil ko na yung date edi parang pinaasa ko lang siya. Mas ok naman na mafriendzone ako kesa naman sa mangpaasa ako ng babae." katwiran ni Levi.
Sasagot pa lang sana ako ng unahan ako ni Zari.
"Wag mo na nga icorrupt yung isip ni Levi. Ang tino tino niya nang babad influence ka pa." sabi niya tapos umirap sa akin. Sakto namang dumating na si Miss Dizon, adviser namin, para sa homeroon kaya napaupo si Levi sa tabi ko. Ok lang to kasi mag aattendace lang naman siya tapos kung may announcement, sasabihin niya.
After nag attendance ni ma'am, binaba niya yung record niya. "I have an announcement. Next week na ang cultural festival ng school. Mas pinaaga ngayon kesa last year. At tulad last year, kailangang mag isip ng bawat section ng booth na may kinalaman sa culture natin. Pwede nating gamitin yung time ko mamaya para mag isip ng theme ng booth."
Nagsipag angal naman yung iba. Ang bilis daw tapos late pa nag announce. Bakit ganon ang nga tao ngayon? Lagi na lang late mag announce kaya gahol na naman sa oras. Sawa na ako sa mga ganyang kulang sa oras.
"By the way Levi, punta ka sa office ng SSG. May meeting daw don lahat ng class presidents para mas naexplain yung festival. Excuse ka na kay Mr. Welsh." agad namang kinuha ni Levi gamit niya tapos umalis na ng room. Umalis na din si Miss pagkaalis ni Levi. Saktong pumasok naman na si Sir kaya bumalik na ako sa upuan ko. Sayang wala si Levi, di ko maririnig sagutan nila ni Yelle. Hahaha!

Ready Set PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon