🔰🔰0⃣2⃣🔰🔰

175 17 4
                                    

Jen pov
Nakarating na kami dito sa Art Seoul School at sa pagpasok pa lang maraming nakatingin at bulungan ang makikita.

"Subukan lang talaga nilang pag isipan tayo ng masama suntok ang aabutin nila". wika ni Anne na pinaglalaruan ang kanyang kamao.

"Okey lang yan Anne pag binalakan tayo ng laitin ng mga iyan malalaman nila ang kanilang kalalagyan" sabi naman ni Thea.

Napailing na lang ako sa dalawa at pinagpatuloy na lang namin ang pagpunta sa loob ng school hanggang sa may tatlong lalaki ang nakaagaw ng pansin namin. Mga lalaking sa tingin mo pa lang ay Playboy na.

"Ang lalandi naman ng mga babaeng yan sigurado naman itatapon iyan ng mga lalaking nililingkis nila".

Sumang ayon ang dalawa sa akin pero biglang tumingin sa amin yung tatlong lalaki at bigla itong ngumisi.

"Girls alam ko ang mga ngising iyan, panigurado na may binabalak ang tatlong iyan". paliwanag ni Anne.

Hindi na lang namin ito pinansin at dumiretso kami sa Principal office para kunin ang aming schedule. Sinabi rin pala ng magulang namin na anak kami ng pinaka mayamang tao sa bansa namin na sila iyun pero kailangan isekreto ng principal ang tungkol sa amin. Nagpasalamat din kami pagkatapos ibigay ang kailangan namin. Hahanapin na namin ang classroom nang biglang may nakita kami na hindi maganda sa daan.

"Hello girls mukhang nawawala kayo ah" wika nang lalaki na malaki ang tenga

"Excuse me hindi kami nawawala at kung oo man hindi naman gubat ito para hindi makalabas" inismidan ko yung lalaki na kanina pa pangisi ngisi pero actually cute siya huh.

"Tara na nga girls wala naman tayong mapapala dito". Sumunod and dalawa at tinapakan ang paa ng mga lalaking "playboy". Umaray sila sa sakit at kami masaya sa ginawa namin. Pero may pahabol na sabi pa si Anne.

"Bago kayo mangbola ng ibang babae tingnan niyo muna ang mukha niyo sa salamin dahil sa lipstick ng mga babae niyong linta" napatawa na lang kami sa sinabi ni Anne.

Pagkatapos naming makaaway ang mga lalaking iyun at kailangan na lang namin hanapin ang classroom, Nakaprivate kami ng room kaya sigurado hindi namin makakasama yung tatlong lalaki na naingkwentro namin kanina. Nakita namin ang aming hinahap at binuksan ang pinto, makikita sa loob ang 19 lalaki at 6 na babae. Pero teka sila ba yung"omg kasama natin yung tatlo sa isang classroom" wika ni Thea.

Bigla kaming tinawag ng guro na nagtuturo sa harapan nila. Pinapasok kami at sinabi sa kanila na kami ang bagong estudyante ng room nila. Nagpakilala kami at umupo sa sinabi ng guro. Mga nakangisi ang pagmumukha ng mga lalaking iyun.

Magkakatabi kaming tatlo at nakikinig sa guro hanggang may bumato ng papel sa ulo ko. Dinampot ko ito at binasa.

To Alyssa.

Hindi ko alam na mayaman ka kaya pala pero mas mayaman pa rin ako sayo. Kami ang heartbreakers at humanda na kayong tatlo sa amin.

From:Jungkook the handsome rich.

'Ano daw mas mayaman sa akin kung alam mo lang'. Hindi ko na lang pinansin ito at nakinig ako sa guro.

Anne pov
Kanina pa kindat ng kindat yung lalaking square ang ngiti hindi ako naiinlove sa kindat niya naiinis ako. Akala mo naman kung sinong gwapo.
(Gwapo naman talaga😆😆). Hindi ko na lang pinansin ito hanggang sa biglang may tinawag si Ma'am.

"Taehyung sinong kinikindatan mo diyan".

'Taehyung pala pangalan mo'. Tumayo ito at itinuro ako.

"Si Anne ma'am" wika niya.

Nagtawana ang mga classmate namin at ako hindi natatawa dahil palusot niya lang yun.

"Bakit mo siya kinikindatan aber??" Tanong ng guro namin.

"Ka- si kasi maam crush ko siya". wika ni Taehyung habang nakatingin sa akin. Pinaupo na siya at muling tumingin sa akin kaya pinakitaan ko sa ng aking kamao. Bumalik ito sa kanyang ginagawa at ako nakinig ulit.

Thea pov
Narinig ko na tinawag yung Taehyung dahil sa kindat at nalaman ko na si Anne pala yun. Matapos ang 12345 na paliwanag nito pinaupo na siya ni Maam Lim. Nakaramdam naman ako ng hindi maganda na parang bang may nagmamasid. Lumingon ako at nakita yung taong malaki ang tenga (sorry✌😂) kumindat din ito sa akin pero binigyan ko ito ng matalim na tingin. Kumuha ito ng papel at may isinusulat bigla nitong itinaas at nakita ko ang nakasulat.

Hi Thea im Chanyeol promise you wont regret if i become your boyfriend.

Kumuha din ako ng papel at isinulat ang sasabihin ko.

But you will regret if you become my boyfriend.

Kinuyumos niya ang papel at tinapon sa basurahan na kalapit niya ( yep trash😉) Ako naman binato ko lang sa kanya ang papel at buti na lang hindi nakita ni Ma'am.

To be continue....
🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚

Sorry sa long wait but hope you like it.

Please vote and comment.

Sorry sa typos guys.

Girls Meets BoysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora