2

588 10 0
                                    

"Have you review your notes?" while I am having my day dream, Septimus talked to me. Asking if I have review my notes which is actually a no.

"I forgot," nahihiya kong sabi sa kanya. Hindi ko siya matignan pabalik. I might blush!!!

He's so cute, okay let me rephrase, he's handsome that's why I have a crush on him. Sinong hindi? Matalino, mabait, masipag, magalang at halos lahat na ata ng katangiang hinahanap-hanap ng babae sa lalaki ay nasa kanya na. Bonus na lang yung kagwapuhan niya.

Marami ring nagkakagusto sa kanyaーhindi lang ako. Pero kahit ganon, laking pasasalamat ko pa rin at tropa siya ng mga walang hiya kong kapatid kaya naging close kami at nakakausap ko siya at nakakasama, hindi tulad ng ibang may gusto sa kanya, hanggang tingin lang sila.

"Aish, pasaway ka talaga." may narinig akong binulong niya kaya nilingon ko siya.

"What did you said?" I asked him. Hindi ko kasi masyadong nadinig dahil masyadong mahina.

"Nothing." sabi niya sa akin habang umiiling-iling pa.

Our teacher came in and distribute the quiz cards. She gave us one hour to answer the exam. Kahit isang oras pa ang binigay niya para masagutan namin 'to, hindi ko pa rin kayang sagutan 'to kasi hindi naman ako nag-review.

Kahit nga ata yung stock knowledge ko, hindi makakayanang sagutan 'to. Bakit ko nga ba kasi nakalimutang may quiz kami ngayon? Aish.

Nanatili akong naka-titig sa quiz card ko. Hindi ko alam kung paano ko ba 'to sasagutan. I didn't even write anything on it. Maski pangalan ko, hindi ko pa na-isusulat.

Kapag sinulat ko ang pangalan ko dito, tiyak na 'yun lang ang magiging sulat rito. Sinubukan kong tignan ang papel ni Septimus sa tabi ko, at dahil study sick siya, halos malapit na siyang matapos.

Napansin ko ring wala pang pangalan ang papel niya. Bago pa ako mahuli ng teacher namin ay ibinalik ko na ang tingin ko sa papel ko.

Bakit ba kasi ang gwapo ni Septimus? Puro siya na lang tuloy ang nasa isip ko. Nakakalimutan ko na yung pag-aaral ko.

Naka-ilang buntong hininga na ako habang naka-titig sa papel kong walang kasulat-sulat, sinubukan kong tanawin si Kalawang pero nasa may gitna siya. Malayo sa'kin. Malayo sa'min.

"Okay, pass your paper forward," napa-mura na lang ako sa isip ko nang mag-salita ang teacher namin.

Nice Patience, babagsak ka lang naman sa subject na 'to.

"Oh," nagulat ako nang iabot ni Septimus ang papel niya sa'kin kaya maman kumunot ang noo ko. Pass forward diba? Hindi naman ako ang nasa harap niya, nasa tabi niya 'ko.

"Pass it forward Septimus, hindi sideward." sarkastik kong sabi dito.

Well, hindi porket crush ko siya ay hindi na ako magiging mean sa kanya. Mahirap na, baka maka-halata yung dragon, palayuin pa ako bigla sa kaibigan niya.

Abnormal pa naman si Enero dagdagan pa ni Spike na sulsulero. Perfect match ang mga gago.

"Sa susunod mag-review ka," sambit niya muli at sinulatan ng pangalan ko ang papel niya tsaka niya muling ibinigay sa'kin. Sapilitan niya ring kinuha ang papel ko at sinulatan niya ng pangalan niya. What the hell?

"Why are you doing this?" taka kong tanong sa kanya.

Hindi ako nag-iinarte, it was just, I am puzzled. Why all of a sudden? Bakit naman niya ibibigay ang sagot niya sa'kin?

"Tinu-tulungan ka na nga ayaw mo pa?" sambit niyang muli pero sa pagka-kataon na 'to, tinignan niya ako sa mga mata ko.

Pakiramdam ko, biglang tumigil ang paligid ko. Parang may slow motion na naganap. Pucha, ang korni ko ha!

The Perks of Loving a Faust (Perks Series #1)Where stories live. Discover now