Chapter 8

8.5K 325 10
                                    

Chapter 8

Her POV

"Happy birthday Tita" Bati ko sa ina nina Carl at Clarke.

"Thank you iha"

"Gift ko po pala" Ibinigay ko kay Tita ang regalo ko.

"Alice, hindi ka na sana nag-abala. I'm happy na nagiging ate ka ng mga anak ko at okay na okay na sa akin yung sinabi mo na i-gift nila sa akin" Tumawa kaming dalawa.

"Tita, to tell you barbie doll po dapat gift nila sayo" Nanlaki ang mga mata niya.

"What?! Aish! Those kids!"

"Ayaw daw nila ng aso kasi hindi d-"

"Ate Alice!" Sabay kaming lumingon sa sumigaw. Yumakap silang dalawa sa akin.

"Namiss ka po namin!" Mas yumakap silang dalawa sa akin. Natawa na lang si Tita sa ginawa nila.

"They really like you. I'll leave you muna"

"Sige po Tita. Happy birthday ulit"

"Thank Alice. Enjoy the party, okay?" Tumango ako saka siya umalis.

"Na-iintindihan namin na namiss ninyo si Alicemylabs pero wag na kayong yumakap!"

"Oo nga! Hindi makahinga si Flat dahil sa inyong dalawa" Susubukan sanang ihiwalay nila Blake at Red sa akin ang dalawa ng tignan ko sila ng masama. Humiwalay silang dalawa sa akin.

"The both of you, may kasalanan pa kayo sa akin" Inosente nila akong tinanong na para wala silang ginawa.

"Wala kaming kasalanan, Ate Alice" Sagot ni Carl habang si Clarke naman ay nakayuko lang.

"Meron. Na kick yung tatlong babaeng dahil sa ginawa ninyo"

"Ha? Talaga po?" Umiwas siya ng tingin.

"Clarke? May sasabihin ka ba?" Tumingin ito sa akin na may luha ang mga mata.

"Ate sorry" Iyak nitong sabi. Bumuntong hininga ako at niyakap siya. Isa sa mga ayokong makita ay ang pag-iyak ni Clarke.

"Carl? May sasabihin ka din ba?" Umiling ito.

"Dapat lang naman yun sa kanila yun Ate. I won't sorry dahil sa pag kick namin sa kanila"

"May sorry kana Carl. Magagalit si Ate Alice sayo" Humiwalay si Clarke sa akin at hinila yung kambal niya. Ngumuso si Carl sa akin.

"Sorry na Ate. Wag ka ng magalit" Yumakap ito at humiwalay sa akin "Hindi ka naman galit ate diba?"

Umiling ako "No. Sorry lang naman yung hinihintay ko sa inyong dalawa"

"Alicemylabs? Kapag magsorry ako yakapin mo din ako, okay?" Hinarangan siya nina Clarke at Carl.

"Blake, baka gusto mong palabasin dito?"

"Walang hahawak kay Ate Alice ngayon gabi, ipapalabas namin kayo"

Natawa ako sa kanilang dalawa. Clarke and Carl.

***

"Kuya?"

"Oh? Bakit?"

"Uuwi na ako. Masama pakiramdam ko" Kanina pa masama ang pakiramdam.

"Ha? Paalam tayo kay Tita. Iuuwi kita" Umiling ako.

"Tapos na akong magpa-alam. Tsaka wag mo na akong ihatid, hassle lang yun. Uuwi lang ako mag-isa"

"Are you sure you'll be fine?" Tumango ako.

"Yes. Malaki na ako" Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Ayaw pa nila akong payagang umalis ng mag-isa pero hindi ako pumayag. Ayokong masira ang gabi nila dahil sa paghatid sa akin.

"Aish!" Walang hiyang bracelet yan! Pumasok ako sa isang kwarto kung saan pumasok yung bracelet ko "Hindi na kita susuotin ulit"

"Why are you here?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nagsalita.

"P-pumasok kasi to dito kaya kinuha ko lang" Pinakita ko ang bracelet ko. Tumango ito "Nagsasalita ka pala?"

Hindi ito nagsalita.

"Hoy Theo! Kinakausap kita!"

"Shut up! Let's go!" I rolled my eyes. Minsan lang nagsalita, sumigaw pa "Damn!"

"Bakit? Anong problema?" Hindi ito sumagot kaya lumapit ako sa kanya. Pilit niyang binubuksan ang pinto pero hindi ito mabuksan "Oh no! Wag mong sabihing?!"

Umupo ito sa sahig "Sira ang pinto. Damn it!" Kinuha ko ang cellphone ko.

"Ahh! Shit! Ngayon ka pa talaga nagloko?" Inis na sabi ko "Theo? Cellphone mo?" Umiling ito "Nasaan nga?"

"Naiwan ko sa table" Napahawak ako sa noo ko.

"Paano na yan?" Umupo ako sa tabi niya "Ang ginaw pa dito"

"Wear this" Pinatong niya ang jacket niya sa akin.

"Wag na. Baka ginawin ka din"

"You're sick kaya suotin mo na"

"Nagsasalita ka pala?"

"Hindi"

"Theo? Sigaw na lang kaya tayo? Baka may makarinig at makalabas na tayo"

"Go and shout" Ngumuso ako. Ang tipid magsalita "Masama ba pakiramdam mo?"

"Oo. Kanina pa. Gusto ko ng matulog" Nagulat ako ng hinawakan niya ang ulo ko at inilagay sa balikat niya.

"Sleep. I'll wake you"

"Okay lang ba?" Tumango ito "You should always talk Theo. I'll like your voice. Ang ganda pakinggan"

"Then don't sleep. Mag-usap tayo" Ngumiti ako sa kanya "Bakit ka lumipat sa school namin?"

"Pinatapon ako. Alam mo bang araw araw nakikipagbakbakan ako sa may mga matataas na ulong doon?" Naramdaman kong tumawa siya.

"You're a trouble maker, Alice"

"No, i'm not. Sila ang nauna kaya lumaban ako. Ayokong inaapi ako. Okay lang sa akin na masugatan o mabalian basta makaganti ako"

"Then why didn't you fight back to those girls?" Tumingin ito sa akin.

"Nag-away kami ni Kuya non. Ang sabi niya that i should stop protecting myself kaya hindi ko magawa" I yawned.

"You should sleep now"

"Akala ko ba gusto mong mag-usap tayo?"

"Maybe next time. Sleep now, Alys"

Room Of Perverts (COMPLETED)Where stories live. Discover now