Chapter 14

2.2K 138 16
                                    

Zacky's POV

"Nananadya ka ba talaga, Montecillo?"  mahina pero may diin na sabi ko kay Dwayne.

Ayaw kong gumawa ng eksena rito aa eroplano but my patience was wearing out with Dwayne.  Hindi ko maintindihan kung bakit sumama nga talaga ito sa lakad namin ni Mau at isinama pa talaga si Kriz.  Kilala ko ang likaw ng bituka nito, kahit kailan hindi ito magseseryoso sa isang babae.  Wala sa bokabularyo nito ang salita love at seryosong relasyon, kaya nakakainis ang isipin na gumagawa ito ng paraan para mabuhay na naman ang pagmamahal ni Mau para rito.

I am actually thankful of what he did to Mau a year ago, hurting her, Mau eventually moved on.  Pero tama na dapat 'yon, hindi na ako papayag na saktan pa nito ulit si Mau.    Okay na si Mau ngayon eh, tapos ito na naman ang mokong 'to.  Trying to get close to Mau. 

"Bakit nasasagasaan ka ba?"  mahinang sabi ni Dwayne, sakto lang para ako lang ang makarinig sa sinabi niya.  Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya habang puno naman ng kapilyohan ang makikita sa mukha niya. "Tumabi ka kasi para hindi ka mahagip."   dugtong pa niya habang nakangisi.

"Fcuk off, Dwayne! If you are trying to do something fishy with Mau, I won't let you do that.  Kahit kaibigan kita, babangasin ko 'yang pagmumukha mo." seryosong-seryoso na sabi ko sa kanya.

Pero tang*na lang, imbes na tumahimik ito ay tumawa pa ito ng nakakaloko.  Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo ko sa sobrang inis na nararamdaman ng mga oras na iyon.  Naubos na talaga ang pasensya ko parang sa gago kong kaibigan.  Wala sali-salita na inabot ko ang kwelyo ng damit nito.

"Zach!" nahihindik na boses ni Mau ang narinig ko at naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay kong nakahawak sa damit ni Dwayne.  "Dwayne, please palit na tayo ng upuan.  Huwag mo naman sirain ang bakasyon na 'to."  pagsusumano niya kay Dwayne habang niyuyogyog ang balikat ng huli.

Napatigil sa pagtawa si Dwayne pero nanatili pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

"Chill, Zach, nagbibiro lang naman ako.  Come on, loosen up, masyadong mainit ang dugo mo sa akin ngayon.  Don't worry I understand, pasasalamatan mo rin ako sa ginagawa ko ngayon." sabi lang niya habang tinatanggal ang kamay ko sa damit niya saka tumayo mula sa upuan niya.

Agad namang lumipat si Mau sa binakanteng upuan ni Dwayne at hinawakan ang kamay ko at pinisil-pisil iyon.   Naupo naman si Dwayne sa window seat na may mga ngiti pa rin sa labi.

Bwesit lang, sarap bangasin ang mukha.   Inis na inis na ako tapos pangiti-ngiti pa ang gago.  Hindi yata naniniwalang babangasin ko mukha nito eh.  Pasalamat lang ito pinigilan ako ni Mau at nasa loob kami ng eroplano kung hindi kanina ko pa ito nasuntok.

"Hoy, huwag ka na mainis Zachario.  Kilala mo naman iyang si Dwayne, puro kalokohan lang ang alam niyan.  Huwag mo nalang pansinin." sabi ni Mau na inihilig ang ulo sa balikat ko habang hawak pa rin niya ang isang kamay ko.

"Ouch naman, Kikz, grabe ka naman sa akin.  Parang hindi mo naman ako dating minahal niyan eh.  Na-hurt ako ah." singit ni Dwayne pa parang nagtatampo ang boses.

"Tse! Tumahimik ka kung hindi ako mismo babasag diyan sa mukha mo." singhal naman ni Mau rito.

"Oo na tatahimik na." taas ang dalawang kamay na sabi ni Dwayne.

Napabaling ako kay Kriz na tahimik lang at nakita ko itong nakatingin sa amin habang may ngiti sa labi.  Tang*na na mga kaibigan 'to, parang may mga sapi ah.

"Ano naman nginingiti-ngiti mo riyan?"  singhal ko sa kanya.  Naba-bad trip pa rin ako at naiinis ako sa ngiti niya.

Tumawa siya nang mahina saka siya sumagot sa akin. "Calm down, hindi ako ang kaaway rito.  Para kayong mga bata ni Dwayne eh.  Umayos nga kayo, nakakahiya kayo sa ibang pasahero." pagkatapos magsalita ay umayos na siya sa pagkakaupo at pinikit ang mga mata.

INTERTWINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now