CHAPTER 3 BOY IN LUV

16 3 0
                                    

JHOPE'S POV

WE'RE JUST ON TIME, para sa guesting namin sa Running Man. Kahit ang maknae namin na si Jungkook ay nagising kanina sa tamang oras kaya nakaalis kami sa dorm ng walang aberya. Dito sa set na kami ng Running Man aayusan ng make up artist na kasama din naming. Pagkadating palang naming ay abala na ang lahat, iginala ko ang paningin sa mga staff na walang ginawa kundi ang maglakad ng maglakad para ayusin at i-check ang set. Hindi ko pa nakikita ang members ng Running man, excited akong makita at makalaro ulit sila. Ang una't huling guesting namin dito ay episode 300, kung saan "Fire" ang sikat na kanta namin. At talagang natawa kami sa dance version nila Haha hyung, Gary hyung, at Jongkook hyung sa kanta naming Fire. At siyempre ang pinakamasayang part ng pagiging guest ay ang makalaban sila sa paglilipat ng 300 boxes ng ramen. It was fun because if we win we will be able to donate the amount of ramen that we collected. We were able to show our competitive sides at the same time our weaknesses because of Jongkook hyung. The experience was fun and unforgettable, buti na lang ay naisingit talaga ng manager namin ang Running Man sa Hectic schedule namin noon.

"Yaedurah!" sigaw ni Jin hyung na nakapagbalik sa akin sa kasalukuyan.

"We need to have a warm up first we don't know what missions are waiting for us. Let's be strong! Fighting!" Natatawa pang sabi niya bago sinimulan ang warm up niya. Siguro ay naalala niya din kung paano kami naitumba ni Jongkook hyung noon, kaya kailangan naming maging malakas ngayon.

"Hyung, let's test how strong you are now." Sabi ni Rapmon at biglang tumalon sa likod ni Jin hyung, na sa kabiglaan ay napaluhod na lang habang natatawa. Kung tapos na akong ma-make up-an ay makikisali din ako sa kakulitan nila. Nakisali na din sila Jimin, V, at Jungkook kami nalang ni Suga hyung ang hindi pa tapos maayusan. "Gusto ko na ding makipagkulitan sa kanila." T_T

Natigil ang kulitan ng lahat ng isa isang dumating ang cast ng Running Man. Unang dumating si Song Ji hyo noona na masayang bumati sa amin at naki-selca bago nagpaayos sa make up artist niya. Halos magkasabay naman si Jongkook hyung at Sechan hyung, na sinundan ng pagdating ni Somin noona, tulad ni Jihyo noona ay maayos din silang nakipagkamay sa amin. Nang dumating na ang lahat ay nag announce na ang isa sa mga directors na magsisimula na ang shoot.


V/ TAE HYUNG'S POV

NANG MAG ANNOUNCED ang director na magsisimula na ang taping ay nagready na kami, pero napansin namin ang isang tao na problemado at di mapakaling tila may hinihintay na mahalagang tao. Medyo pamilyar siya pero di ko matandaan kung saan ko siya nakita.

Nagsimula na ang cast sa introduction nila pagbati sa isa't isa at sa audience. Siyempre hindi mawawala ang pagbibiro sa isa't isa na parang pangbubully na.

"Annyeonghasaeyo!" linya ni Yoo Jae Suk Hyung na nasa gitna dahil siya ang MC, na hindi na nakakapagtaka dahil sikat siya sa larangang iyon di lang dito sa Korea kundi sa ibang bansa din. Bumati din ang ibang members at nagbow sa harap ng camera.

"Wow, look at Ji Hyo and Somin, they are really beautiful today. Is it because of our guests today?" Sabi ni Haha hyung na pinapasadahan ng tingin and dalawang babaeng members nila. Ngumiti naman ang dalawa at tila nagpapakamahinhin sa harap ng camera na minsan lang nilang gawin. Dahil doon ay natawa ako at ang mga kasama ko na naghihintay ng cue sa pagpasok namin sa eksena.

"I also think so hyung, they are also wearing full make-up today." Sabi naman ni Sechan hyung habang umaarteng nagtataka sa dalawa.

"Hey! Kumanhae! Let's just all welcome the most famous and very talented boy group these days! BTS! " pag-introduced sa amin ni Jae Suk hyung na hudyat ng pagpasok namin.

BTS IN LOVEWhere stories live. Discover now