Chapter 4

57 7 0
                                    

HANZEL'S POV

Hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip kung paano ako magso-sorry sakanya.

It's not my hobby to say sorry to someone. Kasi pakiramdam ko tinitibag ko ang nakaharang sa puso ko. Pero ewan ko, pagdating sakanya nanlalambot ako.

Natatakot akong matulad kay dad kaya as much as possible, I'll avoid her no matter what. Ayokong mamuo ang nararamdaman ko.

Iiwasan ko siya pagkatapos nito. I would say sorry to her first.

Para kapag iniwasan ko siya gusto kong wala siyang hinanakit saakin.

Masama ang pakiramdam mo kung alam mong may kasalanan ka sa isang tao. Nakokonsensya.

For this time, I want to clear my name to her.

I ditch on my other subjects. Hindi ako mahilig mag cutting classes pero hindi na naman ito mauulit. Just this once.

I got her schedules in our Dean. Hindi naman ako nahirapang makuha ito. Besides, malaki ang shares namin dito. Close kami ng Dean. Bukod sa lalaki siya, mabait din ito.

I'm here near at her classroom. Naka hoodie ako ngayon. Baka kasi pagmakita niya ako, tatakbo siya.

Kaya ang kalalabasan nito, parang kikidnapin ko siya.

Napailing na lang ako ng makitang nauna siyang lumabas. Tinulak niya pa ang kaklase niya at nakisiksik para lang maunang lumabas. Mabuti hindi siya pinatulan.

She's walking in my direction. Saan kaya pupunta ang isang 'to?

Hindi niya ako makikita kasi nakayuko siya at may hinahalungkat sa bag niya.

Paano kung madapa siya?

And like I care?! I just avoid that thought.

Lumapit ako sakanya, ang tagal niyang maglakad eh. Hinablot ko ang braso niya at hinila siya.

"Halaa! Kuya! Kidnap for ransom po ba 'to?! Kung ganoon nga, sorry na lang kuya pero hindi ako mayaman! Kung gusto niyo po hanapan ko kayo ng mas mayaman!" Sabi niya.

Mabuti na lang at walang tao ngayon kasi nga oras ng klase ngayon. Ang ingay niya.

"May kilala po ako kuyang kidnaper! Napakagwapo, matangkad, maputi, napakahot at napakayaman na lalaki! Siya na lang po kidnapin niyo, huwag na lang ako! Kuya, ha?! Alam ko pong maganda, cute, maganda at maganda ako. Hindi ko po ba nasabi ang maganda? Kung hindi pa, maganda ako. Yun lang ang meron ako. Hindi naman ako rich kid eh. Siya na lang po!" Daldal niya.

Gusto kong matawa sa pinagsasabi niya pero hindi ko magawa dahil sa sinabi niya.

Napakagwapo, matangkad, maputi, napakahot at napakayaman na lalaki? Sigurado akong mas lamang ako sa lalaking 'yun.

"Si Hanzel Klein Langton po! Siya na lang! Alam ko kung na saan siya, ituturo ko po!" Sabi niya.

Natuwa naman ang sistema ko.

Gwapo, matangkad, maputi, napakahot at napakayaman ko pala.

Parang tumalon ang puso ko. Talagang kaya niya akong ibigay sa kidnaper ha. Unavailable.

Ewan ko kung maiiwasan ko pa ba siya. But I'll try.

Patuloy ko parin siyang hinihila palabas ng AU (Amridge University). Sa likod kami dadaan para walang makakita.

"Willing po akong ibigay siya sa inyo! Pero mas maganda kung kaming dalawa ng kikidnapin niyo para destiny! Gustong-gusto ko kasi siya simula nung five years old ako! Kuya siya na lang at isama niyo po ako!" She happily said.

Even if you die, It's only you. (Completed)Where stories live. Discover now