You, Me, and a Cup of Coffee

218 3 0
                                    


Mika Reyes and Kiefer Ravena


***


From: {unknown number}

3:15 PM. Starbucks Tagaytay. You, me, and a cup of coffee. Be there.

Paulit-ulit kong binabasa ang text na nareceive ko kahapon mula sa kanya. Unknown number pero alam kong number yan. Dinelete pero kabisado? Ha, sinong niloko mo Mika. May matamlay na ngiti sa mukha ko at nagsimula ng magdrive. Wow, akalain mong isang text niya lang, napa-drive niya ako mula Manila hanggang Tagaytay. At ang lakas ng loob niyang imbitahin ako for a cup of coffee at sa Tagaytay pa. Kapal ng mukha no? Tss, pinagbigyan ko naman.

Coincidentally, may outdoor photoshoot ako at sa Tagaytay nga ang location kaya may iba rin akong sadya doon bukod sa pagkikita naming dalawa. Ang ganda lang ng timing nitong ex ko eh.

Buti naman at this time tumama na siya sa timing.

I wondered nung una kung bakit sa Tagaytay pa eh nagkalat naman ang mga branch ng Starbucks sa buong Metro at Mega Manila. Then I realized, para siguro hindi ma-spotted ang 'Miefer' together. Tagaytay used to be our happy place, bukod sa Nuvali. Konti lang kasi ang tao dun at serene ang place.

Nakakatawa lang isipin dahil ngayon eh past tense na kapag kaming dalawa ang topic. Were, was, used to, had.

Gaano na ba katagal ulit? One year, two months, three weeks, ten days, and fifteen hours na pala kaming break. Cool diba? Ang tagal na pero alam na alam ko pa rin. Nakakatawa nga kasi parang kahapon lang kami nawala. Ako lang ba o talagang hindi lang ako maka-move on?

Traffic. Ang bagal ng usad. Nung traffic o pagmove on mo? Tumungo ako saglit, napahinga ng malalim at saka bumulong, "Today is the day, Mika."

Tumingin ako sa paligid. Di pa pala ako nakakalayo. May chance pang umatras o i-ditch yung katagpo ko. Baliw, may photoshoot nga pala ako. I grinned mischievously. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to, tapos aatras lang ako? I guess it's time. Kaya no choice ako kundi harapin siya. Kahit andaming nagsabi na pwede namang mag-no, o wag na akong makipagkita, tumuloy pa rin ako.

Maybe this is what we both need.

Maybe this will help me, too.

Maybe this will help us.

Maybe closure between us is the only missing piece.

Nawala ako sa pagmomonologue ko ng businahan ako ng mga sasakyang nasa likod. Right, I need to move forward and keep going. Hindi naman parating red light ang nakailaw sa traffic light kaya kailangan mo pa ring gumalaw para makarating ka sa pupuntahan mo. Hahaha, pati sa traffic nakuha ko pang humugot.

Dahil medyo boring sa sasakyan, binuksan ko yung iPod. Trip ako ni destiny, Heroes pa ang unang tugtog kahit nakashuffle na. Galing naman, paramdam ng paramdam, parang multo lang ah. Napailing na lang ako dahil parang sa kung saan ako tumingin, may something na magpapaalala sa kanya.

Am I ready for this? Yes, Mika. You've waited for a very long time and there's no turning back now.

-

"Shit, shit! Napindot ko yung send. Ugh. Paano na yan?" I frowned. Kasi naman eh! Nagkukunwaring type lang ako at walang kaplano-planong isend yun pero wala, huli na. Nakarating na sa kanya at wala ka ng magagawa dun, Kiefer Isaac. Wala namang undo button eh.

Nagawa mo na, nangyari na. Ang magagawa mo na lang eh panindigan yung kakalabasan nung ginawa mo.

I sighed. Pumasok ng kwarto namin si Thirdy at kasama niya si Pauly na mukhang kakauwi lang galing Ateneo, "Anong nangyari sayo at nakasimangot ka, Manong?"

A Pocketful of LoveWhere stories live. Discover now