Crashing Marcelo 1

2 1 0
                                    

"Ate Ren! Ate Ren!"

Agad akong napatingin sa batang kakapasok lang sa may pinto. Hinihingal pa ito at medyo pawisan.

"Oh ano nanaman ba ang trip mo at ganyan ang itsura mo ha Derek?"

Buti na lang talaga at cute itong batang ito at medyo maputi eh, kung hindi mukha ng dugyot to sa itsura niya ngayon.

"Ate Ren kasi po kompleto na daw po ang Supreme Party List. Paano po tayo niyan eh dalawang araw na lang at simula na ng pagbisita ng mga kanya kanyang party list sa bawat classroom upang makapag pakilala ang kanya kanyang mga kandidata."

"Chill ka lang Derek okay? Hayaan mo yang Supreme Party List na yan. Dalawa na lang din naman ang kulang na kandidata sa Sovereign Party List, meron akong naiisip na tamang tama para sa posisyong iyon. Sa katunayan nga napadalhan ko na sila ng message sa facebook for sure papayag ang mga yun."

Binigyan ko ng isang ngiti si Derek para naman kumalma na ito. Ito talagang treasurer namin kabado ang hilig hilig kasi sa kape. Tsaka palibhasa 1st year college pa lang.

"Hays... Mabuti naman kung ganon ate Ren. Mahirap pa naman kalaban ang mga kandidato ng kabilang grupo."

"Eh mahirap din naman tayo kalaban ah. Sayo pa nga lang ang dami nang nakakakilala eh. For sure mahihirapan sila sa treasurer na spot."

"EH! ate Ren talaga binobola mo nanaman ako. Di na kelangan napapayag mo na nga ako eh, kahit ayoko sana ng stress."

"Shh! At kelan pa ako nambola aber? Basta chill ka lang diyan okay? Sige na may kelangan pa akong kausapin para sa design ng ating posters. Chupi ka na at humayo."

Wala ng nagawa si Derek kundi ang umalis na akay akay ang kanyang bag, kung bag nga bang matatawag eh parang walang laman kundi intermediate pad at isang ballpen eh.

Matapos ang isang oras na pakikipag chikahan kay Donnie na aking tropa from the I.T. Department, nakabuo na kami ng concept para sa aming bonggang poster. Sisiguraduhin kong matatalbogan namin ang poster ng Supreme Party List na yan hmp.

Inayos ko na ang aking mga gamit pati na rin ang aking tablet na ginamit ko pang FB. Agad akong lumabas sa Sovereign Party List Head Quarters para maka uwi na at makapag pahinga.

Sa inaasahang pag kakataon, malapit na ako sa school gate ng makasalubong ko ang taong pinaka di ko inaasahang makaka engkwentro...

Walang iba kung di ang leader ng Supreme Party List, Si Marcelo.

Ibabaling ko na sana ang aking paningin sa gate ng salubungin niya ang mga mata ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang tanguan na lang siya pero nagulat ako ng bigla niya akong bigyan ng nakakasilaw na ngiti at binati.

"Hi Ms. San Jose"

Yun lang ang sinabi niya pero iba ang tinginan eh. Parang di ko trip, alam mo yung maangas na tingin ng mga lalaki tapos yung ngitian na alam niyang nakaka lamang? itong ito yun eh.

Nako nako wag niya akong nginingitian ng ganyan baka kurutin ko siya sa singit diyan. Aba! aba!

"Hi den Mr.Turibio"

Siyempre di ako mag papahuli binigyan ko din siya ng maangas na smile pero siyempre ulit, yung pretty na smile.

"Ang cute mo talaga. Siya mauuna na muna ako at patapos na yung parking hours ko baka mapa extend pa eh sayang bayad hehe."

Sige siyang smile eh no? Kala ata niya maakit niya ako. Pwes nevah!

"Sige ingat sa pag momotor mo ah! Mauuna na din ako, andito na yung uber ko."

Nginitian ko na lang siya ulit sabay walk out ng pang maganda.

Agad akong sumakay sa sasakyan ni Manong na nabook ko. Hmm... Marcelo Marcelo Marcelo, kahit alam kong malakas ang kapit mo sa mga babae dito sa school sisiguraduhin kong di mo kami matatalo.

"I'll crash you Marcelo!"

Ang nabulong ko na lang sa hangin at mahinang natawa sa sarili. Para akong bruha na may masamang binabalak hahaha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crashing MarceloWhere stories live. Discover now