White Lies and Lub-dub

1.3K 51 11
                                    

Bea

"How the heck did this happened?"




Ito ang paulit ulit kong tanong sa sarili ko habang nakahiga sa kama, takot gumalaw, at nakatitig lang sa kisame.




I just offered to drive Jia home kasi ayaw ko namang mag commute siya ng gabing gabi na. Tsaka pinilit din ako ni Jho, baka daw makatulong sa moving on process ko.


Reverse psychology kumbaga, imbes na iwasan ko siya, eh mas palagi akong sasama sa kanya para magsawa ako or may di ako magustuhan sa ugali or habit niya.


Pero hindi yata effective yun! So far wala pa akong nakikitang hindi ka gusto gusto sa kanya...



"Bei... Gising ka pa?" Biglang may nagsalita sa tabi ko.


Oo nga pala, forgot to tell you, I'm lying beside her, yung taong I'm trying to move on from eh katabi ko matutulog ngayon...




"Yes Ji, bakit?" Di na sana ako sasagot, pero nakakakonsensya naman.



"Di ka makatulog...? Pasensya kana ha, pinilit kapa talaga ni Mamu na dito na magpalipas ng gabi..." bulong niya.



Tapos na feel ko ang pag harap niya sa akin.



I felt like I was frozen on my position, kaya nanatili nalang akong nakatutok sa kisame.





"Okay lang Ji, dapat nga ako magpasalamat eh, baka naabutan pa ako ng malakas na ulan at baha kung umuwi ako kanina." A few minutes kasi after kami dumating, biglang bumuhos ang ulan.






Di siya sumagot for a while. Then I felt her move closer to me.



Yes, closer. Kaya naman itong puso kong nag mo-move on na sana eh bigla nanamang tumibok ng pagka lakas lakas, akala mo pinag jogging ako ng 10 rounds!



"Bei..." mahina niyang tawag.






"Hmmm...?"




Haaay puso, pwede kumalma?


"Pagod kana ba...? Gusto mo na bang matulog?" She asked.




"Hindi pa naman Jia..." di parin ako tumitingin sa kanya, baka may magawa o masabi akong pagsisihan ko pagkatapos.




"Okay ka lang ba na magkatabi tayo? Pwede naman akong tumabi kela ate Jamie para comfortable ka naman sa pagtulog..."



"It's fine Jia, ilang beses na tayong tabi matulog, nasasanay na ako..."




Actually sobra pa sa Okay!





Kung hindi lang ako trying to move on eh, baka ngiting ngiti na ako. Pero pinipigilan ko kasi ang sarili kung kiligin eh, mahirap na, masaktan nanaman ulit.








"Hmmmmm," tipid niyang sagot.





Napalingon tuloy ako sa kanya saglit. And there I saw her staring at me, which made me catch a breath and bawiin ang tingin ko.


Tapos nagsalita ulit siya.


"Bakit parang..." sabi niya.




Naghintay lang ako until she could finish.





"Kasi..." she hesitated.






"Kasi, this past few weeks, bakit parang, may nagbago....?"










"Nagbago...?" Kunwari di ko naintindihan, pero I think I know what she meant.




Siguro yung I spend less time with her, and as much as possible, I stay casual with her, hindi tulad ng dati na sweet and all. Lately kahit hug lang sa kanya eh, hindi ko na pinagbibigyan ang sarili ko.






Hanggang tingin nalang mula sa malayo, at least that way, we're both safe...




Pero kanina, while she was holding my hand sa car, it felt great again. That's how she makes me feel, that when I'm with her, everything is just right.






Pero di na pwede diba? Kasi nga alam kong masasaktan lang ako....






"Nagbago." Ulit niya. "Parang may iba kasi sayo eh..." she explained.



"Hmmm? Wala namang nagbago sa akin ah..." I denied, still not able to look at her.




Hindi talaga ako magaling mag sinungaling eh.





Hindi muna siya nagsalita ulit for a long while.





Tapos, I felt her move more closer, and then....






She put her arm around my waist, at siniksik yung mukha niya sa leeg ko...





Shit!







Then she whispered "I missed you Bei, so much..."





Lub-dub

Was the only sound I could hear...

Lub-dub

I felt myself stiffen....



Lub-dub

I couldn't move....



Lub-dub

I couldn't think...


Lub-dub

I was hardly breathing...

Lub-dub




Ang puso ko! Nagwawala nanaman!


_______________________________________

A/N: Hi! Bitin ba? Haha, sensya. Di gumagana isip ko eh... so eto nalang muna!

Thank you parin san pagbabasa!

Hi pala kay @zygic14 thanks sa lahat ng votes!

Votes and comments ulit guys!

Taking ChancesWhere stories live. Discover now