Ang Kwento Nating Dalawa

5 1 0
                                    

Paano ko nga ba sisimulan?

Paano ko sisimulan ang katangahan?

Ganito na lang...

Ang kwento nating dalawa


Ang kwento nating dalawa

siksik sa letra, pinupuno bawat pahina 

nakasilid sa kahon ng walang pangamba

pagbati, pag-ngiti

pagkaway, paghintay 

mga bawat pag alalay.

bumuo tayo ng ating mundo,

tayo ang bida sa sarili nating istorya



teka sandali, parang may mali...

Akala ko lang pala.


Akala ko nakagawa na ko ng sarili kong istorya

yung ako naman yung bida,

tanging ikaw at ako

walang sya ,walang kahit sino.


Nakakatanga. nakakainis. 

Ano nga ba ang lugar ko sayo?

o kung mas tama nga ba na itanong kung may lugar nga ba ako sayo? 

Ikaw ang naging sentro ng aking mundo

pero ako? isa lang sa mga kontinente nito.

Hanggang ganto na lang ba tayo?

naalala ko pa ang iyong mga pangako

"magsasama tayo hanggang dulo,

maakarating man tayo sa pluto

kamay mo ang hahawakan ko"

Hanggang saan? hanggng kailan? hanggang bukas? wala ng bukas..


Kanina pa ko dito nakatayo, nakatingin sa malayo

Ayoko na 

Ayoko na,  Nakakasawa pala

Yung akala kong ikaw at ako,

Yung akala kong ako ang bida dito

Meron palang sya na tinatanaw mo mula sa malayo



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Kwento Nating DalawaWhere stories live. Discover now