Chapter Four

63 6 5
                                    

Author's Note :

Hindi ko na lalagyan ng mga title every chapter kasi ang hirap pala mag isip. Hahaha. Yun lang!

** Ü **

I felt weird when I stepped out into that Hotel. This is not good. I know someone is watching and following me. Hmp. Mukhang hindi lang ako ang may gustong pumatay sa matandang yun. I need to do something.

I am inside the car now and I know one of this cars will follow me. Bahala na. I need to get out in here.

I stepped in the gas at agad mabilis na nagpatakbo. Makalipas ang sampong minuto ay napansin ko na ang isang pulang Camaro na sumusunod sa kotse ko. Sa di kalayuan ay may dalawang mutor na nag aabangan sakin, nagpalinga linga ako ng makitang may iskinita. Swerto ko. Mukhang di napansin ng mga ugok. Gag*!

Kinabig ko ang manibela at nag u-turn sa kaliwa. Kinapa ko ang baril sa bag at naging alisto. Mukhang mapapa laban ako. Nice!

Nakita ko ang pag arangkada ng mutor na naka sunod sa likuran ko at kitang kita ko sa rare view mirror ang pag tutok nito ng baril sa sasakyan ko.

Kinabig ko ang manibela sa kabilang direkson ng tinutukan nya ng baril ngunit tinamaan pa rin ang bandang likuran ng sasakyan ko. Fvck! You'll pay for this!

Ngayon naman ay dalawa na sila na nag papaulan ng bala sa sasakyan ko pero ang likod na bahagi lang ang inaasinta nila at hindi ang salamin. Sinasdya ba nila o talagang di lang sila makatama?? Poor gun men!

'Shit' napa mura na lang ako ng biglang mabasag ang salamin ng kotse ko at nag si talsikan ang mangilan ngilang bubog sakin. Ramdam ko ang pag landas ng dugo sa kanang balikat ko. Di na to maganda. I need to get rid of them.

Bahagya akong sumilip sa likod at agad na pinaputukan ang mga nasa likod ko at tinamaan naman agad ang driver ng nasa unang motor. One down. One to go or should I say four to go?? Mukhang ang laki naman ata ng galit sakin ng mga to?? Hays.

Ng makarating ako sa highway ay agad kong binilisan ang pag papatakbo. Dalawa na lang pag pipilian ko dito. Ang tumakas o harapin sila.

Agad ako nag u-turn upang salubungin sila at laking gulat ko na may humarang sa mga naka motor na isang itim na SUV at isang naka Ducati na hindi ko maaninag kung sino pero alam kong lalaki ito.

Sinenyasan ako ng lalaking naka maskara na kabababa lang sa shotgun seat na umalis na. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumunod sa tinuran nyang iyon. Naduduwag ba ako? Hindi ito pwede! Nakakahiya ako.

Iniling ko ang ulo ko at humakbang muli papalapit sa ngayon ay nagkaka sagupaan ng dalawang grupo. Nanlaki ang mata ko ng tutukan ako ng baril ng lalaking lulan kanina ng Ducati at kita ko ang mata nyang naka titig sakin. Alam kong seryoso siya. Ramdam ko iyon.

Inginuso nya ang baril sa sasakyan ko na ang pinapa hiwatig ay sumakay ako at umalis na. Alam kong hindi sya tauhan ni Violet. Sakanya lang naman ako nag sabi ng sitwasyon ko ngayon pero wala na akong choice.

Agad akong sumakay ng sasakyan at muling sumulyap sa mga lalaking sumusunod sakin at sa mga lalaking humarang sakanila at nakita kong iilang lalaki na lang mula sa mga sumusunod saakin kanina ang naka tayo pa. Almost half of them are laying on the ground. Then I start the car at umalis na sa lugar na iyon.

I am now infront of a violet gate with hello kitty figure. Napa buntong hininga na lang ako di dahil sa sugat ko kundi sa gate na ito.

Pinindot ko ng maka ilang beses ang doorbell at wala pang ilang minuto ay nag bukas na ito. Bumungad sakin sa Violet na mukhang galit ngunit may pag aalala sa mukha nito.

"Oh God! VELARDE!! Di ka ba talaga mag iingat!" halos mabingi ako sa sigaw nya.

"Papasukin mo muna kaya ako bago ka mag sisigaw dyan! Nakaka bulabog ka ng kapitbahay." walang pasabi ako nag tuloy tuloy papasok sa bahay nila.

"Do you really wanna die? Just let me know! I will surely kill you mercilessly!" napangiti na lang ako ng mapait sakanya. "And now you're smiling?? Damn it JASMINE KRISTINE VELARDE!" she's really mad.
"Sorry." pabulong kong paghingi ng tawad sakanya.

Umupo siya tabi ko at hinawakan ang braso ko na ngayon ko lang naramdaman na may sugat pala. "Ano ba nangyari?" pag uusisa nya. "Hindi ko alam. Hindi ko sila kilala. Pero.. "napatigil ako sa pag kukwento sakanya ng maalala ko nanaman ang grupong nag ligtas at tumulong sakin.

"Pero ano?" may pagtatakang tanong niya saakin at yun din ang nararamdaman ko ngayon. "May tumulong sakin pero hndi sila pamilyar. Hindi ko sila kilala. Kanina ko lang sila nakita.. at yung lalaking naka motor na kasama nila, parang kilala ko sya sa paraan pa lang ng pag titig nya pero hindi ko matandaan."

"Nakuha mo ba kahit plaka ng sasakyan nila o ng mga humahabol sayo? May palatandaan man lang ba??" iling lang ang isinagot ko sakanya. "Pasalamat ka at may tumulong sayo. Huli ko na nabasa ang text mo. Tatawagan ko na nasa ang mga Dragons kaso hindi na kita ma contact pa." mahabang pag papaliwanag niya.

"Hayaan mo na. Ok na ako. Salamat Pink."
"Walang ano man. Dito kana magpalipas ng gabi. Alam nating mag aalala lang si Nanay Helen pag nakita ka nya na may benda sa braso."
"Oo. Sige. Tatawagan ko lang muna sya. Salamat ulit Violet. Get rest. Susunod ako.

Lumabas ako ng bahay at naupo sa swing na nasa balkonahe nila. Tumingala ako at nag pakawala ng malalim na buntong hininga. "Ma, pa kamusta kayo jan? Namimiss ko na kayo. Wag kayo mag alala. Ok lang ako." di ko napigilan ang mapaluha. "Bibigyan ko ng hustisya ang pagka wala nyo ma. Mag babayad sila ng malaki!" Isinusumpa ko! I will kill them all. Kulang pa pambayad ang buhay nila sa ginawa nila sa pamilya ko.

Naalimpungatan ako ng may biglang tumapik sa balikat ko. "Akala ko ba susunod kana? Pumasok kana Jazzy. Malamig na." nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan. "Na itex ko na rin si Nanay sinabi ko na lang na lowbat ang cellphone mo kaya hindi ka nakapag paalam. Pumayag naman siya.

"Thankyou Violet." niyakap ko sya at marahan nyang hinaplos ang buhok ko. "Hindi mo kailangan mag pasalamat sakin Kid. Ginusto ko lahat ng ginagawa ko para sayo. Para saan pa't naging kapatid ang turing natin sa isa't isa?". Kumalas ako sa pag kakayakap sakanya at nginitian sya kasabay ng pag halik nya sa noo ko. "Halika na sa loob." nag diretso na kami sa kwarto at nagpalit na ako ng damit at tumabi na sakanya sa kama.

"Please mag iingat ka Kid! Hindi namin kaya na may mangyari pa sayong masama. Please." di ko siya nilingon ngunit ramdam sa boses nya ang sinseridad ng sinabi niya.

"Oo. Pangako Pink." paninigurado ko sakanya. "Goodnight!" sabay naming sabi sa isa't isa at dun na nagtapos ang pag uusap namin at naka ramdam na ako ng pag bigat ng talukap ng aking mata.






IamBunnyWP! 🐰

KID : Another Gangster StoryWhere stories live. Discover now