#4

44 1 0
                                    

Don't

" Where have you been, Raqz?! " galit na utas ni Thallia sakin. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay. Masyadong OA naman itong pinsan ko.

Nakabalik na kami ng mansyon. Sinundan ako ni Thallia patungo sa kwarto ko. Pagkarating ko ng kwarto ay hinubad ko ang aking rubber shoes sabay upo sa kama.

" Heyy?! Saan ka ba nagpupunta? Akala namin nawala ka na! My god! You make us worried." aniya sabay upo sa tabi ko.

" I'm fine okay?. Naglibot libot lang ako sa loob ng villa farm. You and Shaun are busy taking pictures..so, hindi ko na lang kayo dinisturbo. " paliwanag ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nakita ko si Keller pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Baka aasarin na naman ako nito.

" Okay!. By the way, nakita mo ba siya? " tanong niya sakin. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya pero nagpanggap na lamang ako na walang alam.

" Sino? " tanong ko habang kinukuha ang mga gamit ko sa backpack.

" Si Keller Dela Fuentez. Sabi ng mga farmers nandoon siya. Ano? Nakita mo ba siya? " excited niyang tanong sakin. Umiling ako ng hindi siya tinitignan.

" Sayang naman. I just want to ask him kung nandito ba ang kapatid niya." Malungkot niyang sabi. I want to tell her that Keller's older brother ay nasa manila pa. Pero tumahimik na lang ako.

" Don't worry, Thal. Magkikita din kayo pero hindi pa ngayon. " sabi ko. Ngumiti siya ng malapad sakin. " You just have to wait, kung kaya mong maghintay. "

" Kaya ko naman eh. Basta para sa kanya. Maghihintay ako kahit kelan. " aniya. She's very in love with Keller's older brother. I don't know kung mahal ba niya talaga o puppy love lang.

" Punta muna ako ng kwarto raqz! Magbibihis lang ako. " aniya. Tumango na lang ako. Agad naman siyang lumabas ng kwarto.

I need to take a  half bath. Ang lagkit ko na.

Pumasok ako sa loob ng CR. Hinubad ko ang aking pantaas at pangbaba. I'm naked now. Umupo ako sa bath thobe na puno ng mga bubbles. Dahan dahan akong humiga. At dinamdam ang lamig ng tubig na bumabalot sa buong katawan ko.

Habang iniisip ko ang nangyari kanina sa Villa Farm ay pinaglalaruan ko ang mga bubbles sa kamay ko.

Hindi ako makapaniwala na tumutulong talaga si Keller sa Villa Farm. Bawat pagbuhat niya ng malalaking basket ay pumirmi ang muscles ng braso niya. Ang 6 pack abs niyang nagkikintab dahil sa pawis ay mas naging klaro ang pirmi nito. Siguro nag wowork out siya palagi. At inaalagaan niya talaga ang katawan niya.

I smiled because of what I'm thinking right now. I thought taga bukid boys are not my type. But Im damn wrong. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako ng shorts at blue shirt. Sinuklay ko ang aking buhok at lumabas na ng kwarto.

My parents are not here. I don't know kung nasaan sila. Si Lola naman ay nasa kwarto niya. My cousins are busy with their stuffs. Pumunta ako ng kusina. Binuksan ko ang fridge at kumuha ng sandwich. Gagawa ako ng tuna sandwich. I know how to cook pero kunti lang naman.

Pagkatapos kong gumawa ng tuna sandwich ay gumawa na naman ako ng lemon juice. Pagkatapos ay nilapag ko ito sa dining table.

I'm hungry.

Umupo ako at nagsimulang kumain. Nakagawa ako ng limang tuna sandwich at sigurado akong mauubos to. Hindi naman sa malakas akong kumain. I'm just hungry. That's all. And this is my favorite too.

Nakatatlong kain na ako ng tuna sandwich. At sobrang sarap talaga. Gusto ko tuloy gumawa ulit. Nakadalawang kagat na ako ng biglang dumating si Gunthier na basa ang buhok at nasa balikat pa niya ang gym bag niya. Kinuha niya ang isang tuna sandwich at kinain. Tinaasan ko siya ng kilay. That's mine! Asshole!

" Hmmm. Wow! You made this thing? It's delicious. " aniya habang kinakain ang tuna sandwich na ginawa ko. Bago ko pa siya masapak ay tumalikod na siya at naglakad.

" Thanks for this. " habol niya.

Argghh. Ang lalaking yon talaga. I stared my plate na may isang natirang tuna sandwich. Kinuha ko ito at kinain. Pagkatapos kong maubos iyon ay ininom ko ang ginawa kong lemon juice. At Niligpit ko ito.

Naglakad ako palabas ng mansyon. It's 4:02 pm in the afternoon. At sobrang sikat pa ng araw dito sa Kampo De Villa. Its summer though. Naglakad ako patungo sa garden na may statue doon na naglalabas ng tubig . Maraming mga bulaklak na ibat iba ang kulay katulad sa Villa Farm. Umupo ako sa bakanteng upuan at pinagmasdan ito.

Ang ganda. Sobra. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko nung una na ayokong pumunta dito. It made me realized that province like Kampo De Villa is a place where you can enjoy, relax and feel free at the same time. Wala mang bars dito pero sobrang nag enjoy ako.

Gusto ko sanang mag hiking bukas sa Mount. Avila. Pero sino naman ang makakasama ko? My cousins? I don't think so. Well, I guess. All alone ako bukas.

Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na nagsasayaw dahil sa ihip ng hangin. May ilang ibon nagliliparan. I want my life like this. No problems. No worries. No life issues. No Conflicts. No heartaches. Gusto ko ang matiwasay, tahimik at masayang buhay kasama ang mga pamilya ko at mga kaibigan. At siya.

Ipinikit ko ang dalawa kong mga mata. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko ito. But my mind and heart says that I should close my eyes.

Rinig ko ang ingay ng agos ng tubig. Ang huni ng ibon at iba pang insekto. Dinaramdam ko ang bawat pagdampi ng hangin sa balat ko. Ang lamig.

Nakarinig ako ng mga yapak palapit sa kinaroonan ko. Nagmulat ako at tinignan ko kung sino. Nagulat na lamang ako na nandito siya.

Why is he here?

Nakatingin siya sakin. Bumaba ang tingin ko sa isa niyang kamay  na may dalang isang basket na puno ng ibat ibang bulaklak. Galing ito sa Villa Farm.

Ibibigay niya ba ito sakin?

" A-anong gi-ginagawa m-mo dito? " utal kong tanong sabay tayo. Kumunot ang kanyang noo. Damn. Bakit ba ako nauutal pag nandito siya sa harapan ko?

Naalala ko bigla ang 6 pack abs niyang pawis na pawis . Uminit ang pisngi ko. I should stop thinking about that.

" Nanay Beth wants to give this flowers to you. Nakalimutan niyang ibigay sa iyo to kanina. " aniya sa matigas na tono. Dahan-dahan ko itong kinuha sa kamay niya.

" T-thank you! "

Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Akala ko pa naman siya ang nagbigay. Hindi pala. Tinignan ko siya at nakatingin parin siya sakin. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Mas lalong kumunot ang noo niya. Napatingin naman ako sa suot ko. I wear a shirt and a shorts. Nothing else.

" What? " taka kong tanong.

" Nothing. " aniya at tumalikod na siya sa akin. At naglakad.

Bigla kong naalala na wala akong kasama bukas pagpunta sa Mount. Avila. Iimbitahan ko kaya . No harm on trying.

" Are you free tomorrow? " tanong ko bago pa siya makalayo. Kinabahan agad ako sa isasagot niya.

Humarap siya sakin. " Yes.Why? " Bumilis ang tibok ng puso ko. This is it.

" Pwede mo ba akong samahan bukas sa Mount. Avila? " agad kong tanong." You can say no ku--"

" Okay. " tangi niyang sagot. Tumalikod siya sakin . " I'll pick you up by 7 am . Don't wear shorts. " Naglakad na siya paalis.

Don't wear shorts.

Don't wear shorts.

Don't wear shorts.

Ito pala ang tinignan niya kanina. Uminit ulit ang pisngi ko. He doesn't like me to wear shorts huh?.

Behind Her MaskWhere stories live. Discover now