ANOTHER MRS. ZIEGLER (Mistress' Mistake Series 5)

99 11 0
                                    

"BILYONARYO NA NAGKAROON NG AMNESIA, NANG BUMALIK ANG KANYANG MEMORYA, MERON NA SIYANG TATLONG ASAWA..."

***

Namatay si Mia Ziegler kung kaya pinagpanggap ni Kabhy si Lailey na maging si Mia ito hangga't hindi pa siya nakaka-move on. Ang hindi inasahan ni Kabhy ay bigla siyang naaksidente na naging dahilan nang pagkawala ng kanyang memorya at tuluyang pag-angkin ni Lailey sa pagiging Mrs. Ziegler.

Naging ghost singer naman Lailey si Eyrna Arquino. Pero bigla-bigla ay naglahong parang bula si Lailey sa showbiz kasabay nang pagkatuklas ng mga tao na hiram lamang pala nito ang maganda nitong boses. Naging dahilan iyon upang maging trending si Eyrna sa social media.

Sa kasamaang palad, naging sanhi rin iyon ng panganganib ng kanyang buhay at mga mahal ni Eyrna sa buhay. Nagkaroon siya ng mga bashers.

Gawa ng takot, nagdesisyon si Eyrna na magtago. Nagtungo siya sa isang probinsya. Doon ay nakilala niya si Darion, ang estrangherong binata na mayroong amnesia.

In just a short period of time, Eyrna and Darion fell in love with each other. At kinailangan nilang magpakasal sa ayaw at gusto nila dahil nahuli sila ng mga matatanda sa maselang sitwasyon.

Sa una ay naging masaya naman silang mag-asawa. Until Darion was tracked down by his real family, and his name turned out to be Kabhy Ziegler, a billionaire who owns a mining company in the country.

Tanggap naman ni Eyrna ang tunay na pagkatao ng kanyang asawa. Ang hindi niya lang halos matanggap ay ang malamang may asawa na pala si Darion. Ang masaklap pa ay ang kinamumuhian niyang si Lailey pala ang legal wife nito.

How can Eyrna overcome the fact that she was not the real and first Mrs. Ziegler? Ipaglalaban ba niya ang pagmamahal niya kay Kabhy o magpaparaya?

And what if Kabhy's memory returns. Sino kaya ang pipilian niya na maging tunay na kanyang Mrs. Ziegler?

******************
BASAHIN ANG BUONG NOBELA SA DREAME o sa YUGTO app. Thank u so much po.

 Thank u so much po

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.
MY HIDDEN GEMSМесто, где живут истории. Откройте их для себя