Nalilito at Nahihirapan

12 0 0
                                    

Nalilito at Nahihirapan
by: Daphne Rayne
(Revised by: ReignMari21)

Nalilito kung ano ba ang pipiliin
Nalilito kung ano ba ang dapat sundin
Nalilito kung ano ang uunahin
Nalilito kung ang isipan ba o ang damdamin

Ang isipang nagsasabing, tama na
Ang isipang nagsasabing, hindi 'yan tama
Ang isipang nagsasabing, mapapahanak ka lamang
Ang isipang nagsasabing, itigil mo na

O ang damdamin na gusto pang lumaban
Damdamin na gusto pang subukan
Damdamin na minamahal ka pero nahihirapan
Pero ang damdaming ito ay hindi ka kayang sukuan

Nahihirapan mang pumili kung alin ang dapat sundin,
Nahihirapan mang pumili sa kung ano ang dapat gawin
Nahihirapan man akong mamili sa desisyong ikakasama o ikabubuti
Nahihirapan man pero ikaw ang pinili.

Mali man ang pinili ko, pero kailangan kong pagmukhaing tama
Mali man pero wala na akong magagawa
Oo alam kong mali ako
Pero siguro nga, tama na

Nalilito, naguguluhan
'Yan ang pinagdaraanan ko
Nalilito kung tama ba na ang damdamin ang pinili
Naguguluhan kung isipan ba ang dapat pairalin

Masyado akong nalilito
Bakit mo ako ginaganito?
Bakit kailangan pang mamili?
Masyado bang mali?

Grabe naman!
Masyado na akong nalilito at nahihirapan
Masyadi nang nagugulo ang isipan ko
Grabe namang buhay 'to!

Nalilito at nahihirapan man ako sa mga desisyon ko,
Pero sana intindihin mo
Nalilito at nahihirapan na ako
Patawarin mo ako

Patawag dung iniwan kang nag-iisa
Patawad at iniwan kang lumuluha
Sana mapatawad mo ako
Nalilito at nahihirapan lang ako.

Random PoetryWhere stories live. Discover now