Chapter 58 - Unveiling Mask with the Vengeance

267 19 21
                                    

Yzus Xania's POV

How could I forget this old man?

How could I ever forget him who blamed me from losing his one and only daughter?

How could I forget the person who resented me from being a weak daughter of my mother?

I can't forget the person who loathed me since my mother died.

Lolo Francisco is my mother's father. I was so close to him back then but all changes when mom died. Sinisisi nya ako dahil wala daw akong nagawa. Hahaha.

Ako nga dapat ang may karapatang sisihin siya, sila. Parehas silang dalawa ng magaling kong ama. Pinagkaisahan nila ako at ibinigay sa akin lahat ng sisi where in fact I was just 10 years old back then who tries calling them for help but they were both so busy with their F*ck*ng personal life!

Now my life is in chaos, what the hell are they doing here?

"What brings you here Mr. Montenegro and Mr. Fortalejo?"

I formally asked as I sit infront of them.

"We're here to tell you something, Xania."

Unang nagsalita ang aking ama. tss.

I just look at them giving them the look to spill.

"You have to know something and you have the right to know everything."

Seryosong puna naman ng aking butihing lolo.

Sumandal ako at seryoso silang tiningnan.

"I'm all ears."

"Nabalitaan namin ang nangyari sa Ainax at ang pagsalakay sa mansion."

-Mr. Fortalejo

"Get straight to the point."

Rinig ko ang buntong hininga ni Mr. Montenegro. Ayokong tawagin silang Dad at lolo. tss.

"We know Medina Xi Contis. I met her when she was 15 and you are 8 years old that time. Nakita ko syang umiiyak habang naglalakad sa kalsada at muntik na syang masagasaan ng driver ko. Dahil sa pag-aalala ay dinala ko siya sa hospital. She keeps on crying and saying 'She killed my father'."

WTF?

"Iyon ang simula kung bakit nakilala ko sya. Pinatay ang ama nya at nakita nya ang pangyayaring iyon. May ina pa sya at sinasabing may kapatid sya."

"I trained her. I taught her how to fight, how to be wise, how to be merciless. I helped her to become a person that no one can beat. For her to revenge for her father's life."

Sa mga naririnig ko nagngi-ngitngit ang kaloob-looban ko.

Nag-alaga sya ng tao para sumira ng buhay ko? Para patayin ang granny ko at para ipahamak ang mga anak ko?

That's Bullsh*t!

"Dinala ko sya sa mansion nun. Wala ka noon dahil nasa Europe ka and still recovering. Kasama mo doon ang Granny mo at mama mo. While your dad, sa di malamang dahilan ay hindi ka sinamahan. At doon ko nalamang may kabit sya at may anak sa ibang babae. Medina Xi told me that he is the father of her younger sister, thus, they are the reason why he left you hanging."

May pagngi-ngitngit na saad ni Mr. Montenegro habang may masamang tingin kay Mr. Fortalejo.

Pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko sa sinabi nya.

"What do you mean by recovering? Why am I recovering?"

"Iyon ang hindi namin alam. Basta ka nalang dinala sa Europe ng walang paliwanag. Ang Granny mo at ang mama mo lang ang nakakaalam."

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant