Prolugue

17K 362 9
                                    


Prologue

"'Wag kang maingay anak, shh..." pilit pinapakalma ng isang babaeng nagtatago sa ilalim ng isang gusali ang isang buwan sanggol, na ngayo'y nagsimulang umiyak. "Makikita niya tayo." tila nakakaintindi ang sanggol at agad itong tumahimik.

Nagpalinga-linga ito na wari ay may kinatatakutan na isang nilalang na hindi makikita ng pangkaraniwang mga mata. Abut-abot ang hininga at nagsimula nang manginig ang tuhod dahil sa haba ng itinakbo para matakasan lang ang nilalang na gusto nitong kumuha sa sanggol na kalong nito. Mabilis nitong pinahiran ang luhang nagsiunahan sa paglandas sa hapis nitong mukha gamit ang kaliwang kamay. Malakas ang tahip ng dibdib nito at hindi alam kung hanggang kailan sila magtatago kasama ang inosenteng anak.

Mayamaya'y napasinghap ito nang makita ang pagdugo ng buwan sa madilim na kalangitan. "Hindi! Kailangan kong makarating sa isang simbahan bago niya makukuha ang anak ko!"

Ngunit mula sa kawalan ay lumitaw ang isang nilalang na matagal na nitong sinumpa. Nakangisi ito at nagbabadya ng panganib ang mga mapupulang mata. Nakatayo ito sa isang rehas at isang iglap lang ay kaya nitong pumatay ng isang taong tulad niya.

"Ibigay mo sa'kin ang sanggol." sumabay sa kulog ang boses nitong nakakatakot.

Niyakap nito ng mahigpit ang bata at marahan napaatras. Hinding-hindi nito ibibigay ang anak sa isang demonyong nag-anyong tao! Mamamatay muna ito bago nito makuha ang sanggol.

"H-hindi ko siya ibibigay sa'yo!" nangangatal ang boses ng kawawang babae at marahan napaatras nang napaatras. Naghahanap ng tiyempo upang makatakbo at makawala sa nilalang na ito, na anumang sandali ay magiging isang napakapangit na demonyo.

"Ibigay mo na sa'kin ang aking anak," kalmadong saad ng lalaki.

"Hindi!" Bigla itong puhimit para tumakbo. Hilam sa luha ang mga mata at panay ang dasal na sana ay iligtas sila ng Diyos mula sa panganib na humahabol sa mga ito ngayon.

Isang malakas ng tawa ang pinakawalan ng lalaki at dahang dahan itong humakbang pasunod sa mag-ina. "Hindi mo ako kailanman matatakasan. Anak ko ang sanggol na hawak mo at sa ayaw at sa gusto mo, kukunin ko siya sa'yo!"

Napaigik ang babae nang isang iglap lang ay nasa harapan na nito ang lalaki at pinilipit ang leeg nito.

"D-diyos ko..." nahihirapan man ito dahil may yakap pa itong sanggol at ngayo'y nagsimula ng umiyak, pinilit nitong humugot ng lakas para isaksak sa dibdib nito ang hawak na patalim. "Tu-tulungan niyo ako!" Sa pabigkas ng babae sa mga katagang iyon ay buong pwersang itinarak nito ang patalim sa lalaki, na hindi nakikita ng huli dahil sa kakaibang pwersang nakabalot no'n.

"Argh!" Hiyaw nito at nabitawan ang babae. Para itong pinaliguan ng asido sa hitsura at galit na galit na napaluhod sa sementadong kalsada habang hawak nito ang dibdib na may nakatarak ng pilak na patalim.

Niyakap ng mahigpit ang babae ang anak at nagmamadaling nilisan ang lugar na iyon.

"Muling pagsapit ng kabilugan ng buwan sa ikalabing-walong edad niya! Babalik ako!"

Pinilit nitong 'wag pakinggan ang huling sinabi ng lalaki, nagpatuloy ang babae sa pagtakbo sa ilalim ng gabing iyon, na kahit mga hayop ay takot na lumabas dahil sa panganib na nagbabadya sa buong paligid...

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Where stories live. Discover now