Chapter 3

94 6 0
                                    


"Nak, gising na alas 4:00 na mag handa ka na" unti unti kong minulat ang mga mata ko at tuluyan ng nagising, oo nga pala ngayon yung alis ko

At syempre alam niyo na ang kasunod nito, gagawin ko na ang aking morning rituals kung saan 

*wisik dito*

*wisik doon*

*wisik diri*

*ala lang pampahaba lang*

Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan kong gawin ay tumingin ako sa relo ko at seryoso? wisik lang yung ginawa ko pero 4:55 na? O_o aba matendeeeeee

"Nak, labas na! andito na yung susundo sayo" nagmadali akong lumabas nung sumigaw na si papa, HAYYY this is it! 

"Pa? mag iingat kayo dito ha? kung nababagot po kayo dito, tawagin niyo lang yung mga kapitbahay/ pinsan natin para naman may kasama kayo dito" medyo naluluha kong sabi kay papa habang yakap yakap ko siya

"SUS! ako pa? hindi ako mababagot no atsaka ano bang tingin mo sakin ha? hindi maipagtanggol ang sarili? kahit pa ako lang mag isa dito sa buong barangay kaya ko no! hoi! wag kangang iiyak mababasa yung damit ko mahal pnaman to" naman eh! kahit pa anong sabihin ni papa, alam ko na pinipigilan lang din niya na hindi maiyak

"Pa naman eh! kitang ang ganda na ng moment sinisira mo pa! -3-" pag dadabog ko kay papa

"Eh kasi naman ang panget mo na nga tapos iiyak kapa aba! abusado kana nak!" ay grabii o? 

" Edi pangit rin kayo?"

"Bakit naman ako naging panget?" hehehhe mainis nga

"Kasi po diba? anak niyo ako so syempre kamuka ko kayo diba? unless, sasabihin mong nagmana ako kay mama edi parang sinabihan mo narin na pangit si mama? hala ka pa! multohin ka non sige ka" ngumiwi naman si papa ni ikinatawa ko

"Hay nako ikaw tala-"hindi pa tapos si papa sa paagsasalitaa ng niyakap ko siya ng mahigpit

"Pa? mahal na mahal kopo kayo, mag iingat kayo palati ha? ma mimiss ko kayong lahat" this time I did not even bother to hold back the tears I've been stopping simula nung gumising ako kanina

"To naman parang di tayo mag kikita, uuwi kanaman pag tapos na yung buong sem diba? hindi ngalang kita makakasama pag pasko at bagong taon pero, ganun talaga eh" sabi ni papa habang pinupunas niya paalis ang mga luha ko sa mata

"Ms.Patricia kaylangan napo nating umalis" tawag sakin nung sumundo sakin

"Pa, aalis napo ako ha?" at sa huling pag kakataon ay nag paalam na ako kay papa 

--

"Manong malayo pa ba ang ba byahe in natin?" mga lagpas dalawang oras na simula noong umalis ako sa bahay at mag aalas 7 na nang umaga 

"Nako maam medyo malayo, mga 8 siguro maam bago tayo dumating doon" panandalian akong tiningnan ni manong tapos bumalik ulit ang tingin niya sa kalsada

"Ah ganon po ba"hay, hindi namamalayan na unti unti ng bumibigay ang mata ko at tuluyan na akong nakatulog.....

-

Unti Unti kong dinilat ang mga mata ko at nagulat nalang ako ng pumasok kami sa isang kakahoyan?!!?!?!

"Teka, manong sigurado ba kayo na dito talaga yung daan papuntang DKA?" medyyo naguguluhang tanonog ko kay manong

"Opo maam dito po talaga yun" nakangiting sabi sakin ni manong

Dumaan kami sa napakaraming kahoy hanggang sa may nakikita akong parang liwanag sa dulo ng gubat

Yan na siguro yung DKA???

Nung natawid nanamin yung liwanag na nakita kko ay napa nga nga ako sa nakita ko,tumigil na ang sasakyan at lumabas na kaming dalawa ni manong. Nakatulala lang ako habang dali dali namang kinuha ni manong ang mga bagahe ko

Sa harap ko ay mag napakalaking skwelahan na may na kaukit na Dark Knight Academy. Kung titingnan mo sa labas ay makikitta mo na malaki talaga ito

"Good Morning Ms. Madrigal" napukaw lang ako nung may babaeng lumapit at bumati sa akin. Sa tingin kko isa sya sa mga guro dito base narin sa suot niya

"Ahm magandang araw rin po" medyo nahihiyang bati ko sakanya

"Welcome to Dark Knight Academy, the school where FIGHTING means EVERYTHING. Hmm, manong Del kapo napong bahala sa mga bagahe niya ah? alam niyo nanaman po kung saan yan ilalagay diba?" pagbaling niya sa atensyon niya kay Manong na uh Del pala ang pangalan 

"Ms. Madrigal halika at ipapasyal kita sa loob" nauna ng lumakad itong babae sa harap ko at sumunod ako kaagad

"Ms. Madrigal ako ngapala si Ms.Rica, isa ako sa mga guro dito" sawakas! naisipan rin yang magpakilala. Bago kami tuluyang makapasok ay may kinuha si Ms. Rica sa bulsa niya na paang card at ginamit niya itong pang swipe sa gate, pagkatapos ay mukas ang gate at nakapasok na kami

"The one that I swiped earlier ar isang Dash Card, it's like a key that opens the gate. Only the teachers, school staff at admin have the access of the Dash Card" WOW! so cool, kaya siguro walang nakakalabas na estudyante kasi tanging mga staff lang aang may access para makalabas dito

Inilibot ko ang paningin ko sa buong skwelahan at tama nga ang hinala ko, kung malaki ito sa labas palang ay mas malaki ito  sa loob,marami rin akong nakikitang mga studyante ngayon

"Ahm maam? pano po yan? medyo late napo akong nakapasok dito? hindi ba maaapektuhan ang grades ko dito pag nag kataon?" kasi naman sa pag kakaalam ko start na ng 3rd quarter nung naisipan nila akong ipasok rito

"Don't worry about that Ms. Madrigal i babase muna namin ang scores mo sa performance mo" huh?

"Po? hindi ko po kayo ma intindihan" naka kunotang noo ko habang sinasabi ko yun sa kanya

"hmm. alam mo naman na this is not an ordinary school right?" tumannngo naman ako dun

"Well, ang klase dito ay parang half half, sa umaga mag reregular class kayo like a normal student in a normal school, pero pagsapit ng alas 12 ay hindi na academics ang pagaaralan niyo kundi combat na. Sa regular class niyo ay kaylangan niyong makakuha ng ng atleast 85 percent as your average, pag may 85 below ka, hindi kana pwedeng mag aral ng combat sa hapon, meaning whole day ang regular class mo. Sa combat naman ay kaylangan mong makakkuha ng atleast 90 percent as your average, kung may 90 below ka? EXPELLED" napalunok nalang ako ng hindi oras 

OH OH! pano kung hindi ako makapasa? NAMAN! marami pa pala akong hindi alam sa dream school ko  

Dark Knight AcademyWhere stories live. Discover now