Chapter 25 - CONFESSIONS

2.5K 75 13
                                    

Chapter 25

"John alam kong ang unfair nitong sasabihin ko pero... pwede bang kahit itong huling araw mo dito... kahit itong buong araw lang na to... pwede bang maging akin ka ulit?" ayan, bumigay na ko ng todo. Isasagad ko na ang pagpapakatanga ko.

"Marj... tama ka, napaka unfair nyan lalo na sa'yo. Pero Marj, bakit kahit sobra-sobra na yung nagawa ko, mahal mo pa din ako? Dapat magalit ka na lang sakin diba? Okay lang kahit isumpa mo ko, pero bakit... bakit ganyan? Tanggap ko na ngang kahit pagkakaibigan wala na tayo. Kaya bakit mo ginagawa to?"

"Hindi ko alam! Ang alam ko lang ngayon, mahal pa din kita. Pilit ko ngang itinago to dahil akala ko kusa na kong susuko pero hindi eh, masyado kitang mahal para isuko kita. Hindi ko na nakayanang pigilin tong nararamdaman ko simula nung outing. Simula nung naramdaman ko ulit ang mga hali---"

"Marj, wag na... Masasaktan ka lang kung itutuloy natin yang gusto mo. Kinakausap kita ngayon para pormal na magpaalam na sa'yo, dahil nga kahit papano may pinagsamahan pa din naman tayo. At para humingi ng tawad sa huling pagkakataon."

"Haha, masasaktan? Sanay na ko dyan eh. Pero sige, sagutin mo nga tong tanong ko John Alec... isang tanong, isang sagot... mahal mo pa ba ko?" tinignan nya lang ako at bigla na lang umiwas din ng tingin. "Mahal mo pa ba ko... baby love?" nakita kong napapikit na lang sya at dahan-dahang umiling. "H-hindi? Hindi mo na ko mahal? Pero.. kahit konti John, wala na ba talaga?" tanong ko at umiling na naman sya. "Pero ano yung kabaitang pinapakita mo sakin nun? Ano yun??"

"Sabi ko sa'yo Marj, gusto ko lang ibalik ang pagkakaibigan natin. Kaya kahit papano, nagpapakita ako ng pagbawi ko sa kasalanan ko."

"Pero... Pero John... yung outing! Bakit mo ko hinalikan nun?? Dahil mahal mo pa ko, diba? Diba John?"

"Lasing lang ako nun.."

"Pero kahit na lasing ka, alam mo yung ginagawa mo! Ganun yun John! Kaya magsabi ka ng totoo!"

"Totoo ang sinasabi ko. Lasing lang ako nun, at alam kong alam mo namang malakas ang epekto sakin ng alak, kaya ganun."

"Pero John hindi eh! Y-yung ano... yung intrams! alam kong ikaw yung humatak sakin! Ikaw yun!"  pilit na lang akong humahanap ng pwede kong masabing motibong mahal nya pa ko pero bakit kontra lahat ng sagot nya?!

"Ano bang sinasabi mo... hindi ako yun. Si Charlotte ang kasama ko nun. Yung 60 seconds na yun, sya ang kasama ko."

"Pero John... Yung ano... yung..." wala na kong ibang maisip. Lahat pala ng nagbibigay pag-asa sakin noon, wala lang pala. "F-fine... Pero sabi mo, gusto mong makabawi sakin diba?" tumango na lang sya pero hanggang ngayon, hindi nya ko tinitignan. "Then be mine. Just this day, John... please..." alam kong napakadesperada ko ng pakinggan. Pero wala eh, masasaktan na lang din naman ako, bakit hindi pa sagarin? "Please John... I promise, after this day, I'll never bother you again."

"Pero Marj..."

"Please John? Pag tapos nitong araw na to, kakalimutan din natin ang nangyari. At i-consider mo ng pinatawad na kita."

"Marj, napaka-unfair para sa'yo."

"Wag mo kong alalahanin. Ako naman ang may gusto nito eh. Don't worry, i'll be fine. Basta gawin mo lang tong huling favor na to."

BHACNCK 2: The Beginning of the End [COMPLETED]Where stories live. Discover now