Chapter 6

9.6K 210 18
                                    

Chapter 6

September 9

Cyntie

Sabay kaming papasok ni Heira ngayon sa school ngayon kaya papunta na ako sa kanila ngayon. hindi naman ganun kalayo ang bahay nila sa amin kaya namang lakarin kung hindi ka tinatamad, kaya madali akong nakarating sa bahay nila.

Ako nga pala ang nag-iisang bestfriend ni Heira simula highschool at classmates din kami ngayon, iisa lang kasi ang course na kinuha namin, pangarap na kasi namin noon na makapagsuot ng white gown kaya nursing ang napili kong kurso, luckily pareho kami ng gusto kaya hindi na kami nagkahiwalay kahit pa college na kami.

Pagdating ko sa bahay nila bumungad sakin ang isang black mate na Mercedes, na ngayon ko lang nakita. Woah! Ito kaya yung regalo ng Lolo nya? in fairness maganda saka mukhang pang sosyal.

Pumasok na ako agad ng hindi kumakatok, syempre feel at home ang lola mo. Hindi naman sa makapal ang mukha ko, kilala na kasi nila ako dito lagi naman kasi ako ditto tambay e.

Tapos sa may main sala sa baba ay may lalaki lang naman na nakatayo there, hindi ko masyadong tanaw ang mukha nya gawa ng masyadong pagsikat ng araw. Kaya naman nilapitan ko Omo!! Ang gwapo pala nito talaga lalo na sa malapitan!

Cyntie! Chill wag na yan! Hindi ba sinabi ko sayong taken na yan! Okay? Grabe, for the first time in forever kabog ako ni Heira ah. Wala pa kasi akong boyfriend na ganyan, I mean fiance. Pero parang ganun na rin yun kasi di pa naman sila kasal.

"Ehem... Ehem..." Ako yan feeling feeling may tb, syempre para makita ako, kanina pa kasi akong nakatayo sa may gilid nya pero hindi naman ako napapansin

Tumingin lang sya tapos bumalik ulit ng tingin sa may hagdan.

"Susunduin mo si Heira?" Energetic na tanong ko

Kaya lang wala naman akong nakuhang sagot sa kanya. Hello tao rin kaya ako. Grabe ha may lahi pala 'tong snobbers eh. Haay... Siguro ganun talaga kapag gwapo, suplado. Parang sa mga napapanood sa tv, grabe akala ko sa tv lang talaga yung mga ganito pati pala sa totoong buhay.

Nice talking naman sa kanya. Iniwan ko na lang tuloy sya there then gumora na ako sa taas para tawagin na si Heira.

*knock.. *knock..

"Heira!! Heira!! Buksan mo yung pinto Heiraaaa!!" Sigaw ko

Naghihisterical na ako, tapos nung pinihit ko yung door knob *click bukas naman pala, nagwawala-wala effect pa ako, sayang effort pft.


Clyde

Susunduin ko si Heira ngayon para sabay na kaming pumasok sa school, ngayon ko lang din kasi nalaman na pareho pala kami ng University na pinapasukan, sabi nga din kasi nila Mama cling to each other daw, kahit tutol naman kami dun sa idea na yun ay wala rin naman kaming magagawa kung hindi sumunod na lang sa kanila, kapag hindi daw kasi kami sumunod ay malilintikan kami, iba magalit si Papa at alam ko kapag sinabi nya gagawin nya.

Naalala ko nung dati, hindi ako sumunod sa utos nya e, kinidnap ako tapos iniwan ako sa isang desserted island na mukhang libingan ng kung ano sa sobrang tahimik ng lugar, dahil na rin siguro sa ambiance noon.

Kaya ito ako ngayon sunod-sunuran, takot ko lang matrap ulit doon. Pero bago pa kami sumunod at makapag-isip ng gagawin inunahan na nila kami. Paano? Paano malalaman kung sumusunod kami sa utos? Kung pwede naman naming hindi gawin? Simple lang... Meron lang naman silang pinapasunod na P.I sa amin, taga kuha daw ng litrato para malaman kung ano ang ginagawa naming dalawa, kung magkasama kami, kung nag-eenjoy daw kaming magkasama or kung ano pa, remembrance na rin daw yung pictures ng bonding moments daw namin tapos ilalagay nila sa scrap book. At ipapakita daw sa magiging anak namin, as if naman may plano akong bigyan sila ng apo sa kanya.

Marrying That StrangerWhere stories live. Discover now