CHAPTER 42

1K 25 0
                                    


Eurina's POV

(Time check;8:00am Wednesday.)

Naglalakad ako sa hallway magisa dahil papasok na ako sa unang subject ko.. Mula sa malayo nakita ko Ang Zace sa tapat nang room namin..

Hindi ko sila pinansin at dumiretso na lang sa loob..

Umupo ako sa pinakadulong upuan..

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko tinignan ko kung sino yun..Lucas..

"Hi princess.. " nakangiting bati ni Lucas..

"Makita mo ba si Master?.. " tayong niya na wala akong pakielam.. Baka na kay Siera nagpapalipas.. Tss..

"Kahapon pa kasi siya hindi bumalik sa dorm niya ehh.. "

"Pwede ba Lucas.. Wag mo akong tanungin about diyan sa manloloko mong Master!!! Wala na kami Lucas kaya plss lang..!!! " hindi mo na nakayanan at nasigawan ko si Lucas.. Ayokong umiyak na naman kaya hanggat maaari ayoko muna Bilang makausap..

March na ngayong at malapit na Ang summer makakalaya na rin ako dito school na ito.. Ayoko na ayoko nang makita pa Ang walanghiyang Chris na iyon.. Ayoko ng bumalik dito....pinunasan ko Ang luha sa mata ko at tumayo..

"Bakit princess.. pinakinggan mo ba  si Chris.?.." This time seryoso na siya napatingin ako sa kanya.

"Pinakinggan o pinatapos mo ba siya sa sasabihin niya?.. " yan Ang mga tanong na nagpatigil sa akin....

Siguro nga, siguro ngang  hindi Ko siya pinakinggan pero wala na.. Ayoko nang magtiwala pang muli... Ayoko nag magmahal ulit, siguro nga at napasasaya niya ako pero isang pagkakamali niya lang ay mas malakas Ang impact nito sa akin.. Lagi niya Kong pinapasaya pero mas masakit na kahit isang beses niya lang ako Nasaktan ay sobra sobra Ang sakit..

"Hindi mo siya pinakinggan... Hindi mo siya pinatapos nagjudge ka agad.. Magusap kayo.. Hinihintay ka niya sa garden ngayon.. " sabi niya at iniwan na ako..

Dapat ba kaming magusap?..siguro nga kailangan na namin tong tapusin...

Pumunta ako sa garden at nakita ko siyang nakaupo sa may bench..

Napatingin siya sa gawi ko.. Seryoso Lang akong nakatingin sa kanya..napatayo siya..

Naglakad ako papalapit sa kanya..

"Gusto mo akong makausap?.. "
Tanong ko

"Nakausap mo si Lucas?.. "

"Anong pa bang paguusapan natin Chris.?..hindi pa ba enough Ang mga pinagusapan natin sa room at gusto mo pa akong makausap?.. " diretsa ko sa kanya.. Ayoko nang magtiwala pa uli sa kanya..

"Gusto ko lang linawin Ang lahat Eurina, Oo mahal ko si Siera pero noon yun..ikaw na Ang mahal na mahal ko ngayon Euri.. " sabi niya at hinawakan Ang kamay ko.. Binawi ko Ang kamay ko..

"Tapos ka na ba?.. Ayoko nang magpakatanga Chris.. Oo pinapasaya mo ako pero sobra sobra naman yung sakit na pinapadama mo.. Sa buong buhay ko sayo lang ako nagtiwala nang ganito.. At sayo lang rin ako nagpakatanga nang ganito.. Sobra na yung sakit na parang binibiyak nang pirapiraso yung puso ko.. " and this time umiiyak na naman ako, hindi parin ubos yung luha ko at nakayanan ko pang umiyak ngayon?..

"Euri sorry.. Dapat nung una pa lang sinabi ko na sayo pero tinago ko pa toh.. Inaamin ko na nung nakita ko si Siera bumalik yung pagmamahal ko sa kanya, pero hindi na tulad nang dati.. "

Kaya pala ganon na lang Ang ngiti ni Siera habang may katext siya..

At yung lalake na kasama niya sa mall ay si Chris pala.. Kaya parang kilala ko yun kasi si Chris pala talaga yun..

A Gangster Stole My HeartWhere stories live. Discover now