Chapter 55: Samantha's Secret

72 5 0
                                    

Mark's POV

" Mark..."

" Mark..."

Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Samantha na nakatingin sa akin.

" Buti nagising ka na...." Bungad niya sa akin.

" Ah hinihintay mo ba ako magising?." Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa ibang direction.

" Ahm, kasi ikaw lang yung taong naiwan dito sa loob ng van. Kanina pa kasi kaming lahat nakababa at nasa dorm na kami." Paliwanag niya.

" Ahhh. Sige baba na tayo. Ooopss sorry, wala palang tayo." Sabi ko.

Ang sakit na marinig ko yun at galing pa sa akin ah.

" Tara na." Nakangiting sabi ni Samantha.

Bumaba na kaming dalawa atsaka pumunta sa mga kaibigan namin.

" Xyra!!!." Tawag ni Edward kay Xyra.

Love quarrel ata toh. Ang mga kababataan naman.

" Hey bro, anong nangyari?." Tanong ko kay Edward kasi nakasimangot siya.

" Hindi ako pinapansin ni Xyra, bro." Sagot niya.

" Hindi naman ako nanghihimasok pero bakit?."

" Nakita niyang may kachat ako sa messenger. Eh ngumingiti ako tueing nagchachat yung kachat ko. Tapos nagtanong siya kung sino yung kachat ko, tapos ang sagot ko ay kaibigan ko. Tapos sagot naman niya babae o lalaki, sagot ko naman ay Babae. Tapos ayun hindi na niya ako kinausap." Malungkot na paliwanag niya.

Oo nga, love quarrel nga 'to.

" Sino ba kasi yung kachat mo?." Tanong ko sa kanya.

" Alangan may group ako ng mga fans ko sa campus kaya puro babae ang nandoon. Maliban sa akin. Alangan yung mga fans ko ay may gusto sa akin. Kaya puro hello crush, musta lab, ang gwapo mo honey. Puro ganyan yung sinasabi doon sa akin." Mahabang paliwanag niya.

" Tsk, para kang babaero bro. Feel mo naman yung mga kachat mo. G@go ka pala eh." Sabi ko.

" Minura ba kita bro?. Oo na sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero babawi ako kay Shane ko." Inspiring na sabi niya

May topak na siya kay Xyra.

" Sige, support na lang kita bro." Sabi ko.

" Ikaw din support kita kay Samantha..." Nakangiting sabi niya.

Sana nga....

Samantha's POV

Hello sa inyo, may gusto akong ianunsyo sa inyo... Ang hirap na itago eh.

(Flashback)

Habang nasa ospital pa ako. Pagkagising ko, walang tao sa loob ng kwarto ko ng pumasok si doc.

" Ma'am Samantha. Wag niyo pong pilitin ang sarili niyong umupo." Pag aalala ni doc sa akin.

" Ayos lang po akong doc." Sabi ko.

" Doc, pwede po ba akong magrequest?." Tanong ko.

" Ano po yun maam.?"

" Pwede po bang sabihin niyo sa kanila na may amnesia ako." Favor ko na ikinagulat ni doc.

" Bakit maam samantha?." Tanong niya.

" Kasi ayokong maalala ko si mark. Dahil kay mark kaya nacar accident ako. Nung time na nagmamaneho ako galing ako sa park nakita ko po si mark at may kayakap na ibang babae. Tumakbo ako papuntang kotse ko kahit naluluha ang mata ko ay nagdrive ako. At nangyari doon ang aksidente ko." Paliwanag ko.

(End of Flashback)

Hindi ko inaasahan na gagawin yun ni doc. Totoo to wala akong amnesia.

Nagpapanggap ako...

Nagpapanggap na may amnesia kahit wala. Anong dahilan ko?. Dahil ayaw kong maalala ang nanyari kahit naalala ko parin....

Ayoko ng masaktan ulit.

Pumunta ako sa isang puno malapit sa dagat. Nakita ko ang nakasulat na 'Markeu' ibig sabihin Mark....

" Markeu.." Giit ko.

" Kailangan ko tong gawin. Kailangan kitang kalimutan kaya kinailangan kong magpanggap na may amnesia. Amnesia na may ibang tao na hindi ko maalaala... Sorry..."

Tumalikod ako at maglalakad sana ng nakita ko si Zoreen, Maxine, at si Steff.

" S-samantha..."

Narinig nila?

" S-samantha?? Bakit???." Naluluhang tanong ni Zoreen.

" B-Bakit???. Bakit mo kailangan gawin to???." Tanong ni Steff na halatang pinipigilang lumuha.

" BAKIT MO TO GINAWA???!!!!." Bulyaw sa akin ni Maxine.

" Gaya ng sinabi ko kanina. Gusto kong makalimutan ang nangyari lahat ng nangyari simula ng makasama o makilala ko si Mark." Paliwanag ko.

" Sa tingin mo makakalimutan mo yun ng dahil alng sa amnesisa huh? SA TINGIN MO MAKAKALIMUTAN MO LANG NG GANUN GANON LANG HA!!!!." Bulyaw ni Maxine sa akin.

" Hindi, pero ginawa ko 'to hindi lang para sa sarili ko... Para kay Mark, para magmahal na siya ng iba." Maluluhang sagot ko

" Sa tingin niyo kay daling gawin to??. Sa tingin niyo hindi ako NASASAKTAN SA PINAG GAGAWA KO HUH??!!!.... Please wag niyo tong sabihin kahit kanino... Please lang zoreen, maxine at steff...nagmamakaawa akong wag niyo itong ipaalam, please?!."

Yinakap ako ni Zoreen.

" Naiintindihan kita, Sam..."

Lumapit rin sa akin si steff at sumandal ako sa balikat niya at pinapat niya ang ulo ko.

" Ako rin..."

" Kahit anong gawin ko naman, hindi ko parin kayang magalit sayo dahil kaibigan kita eh... Supportado ako sa decision mo, Sam. Nandito lang kami sa tabi mo...." Sabi niya kaya napangiti ako kahit naluluha ako.

Nagyakapan kaming apat.

" Bestfriend ever diba. Walang iwanan." Sabi ni Zoreen.

" Wag na nga tayong magdramahan. Wala naman tayo sa MMK eh." Panira ni Maxine.

" Kahit kailan talaga, pangpanira ka ng moment,Max." Giit ni Zoe.

" Tsk, si Max pa ba... Dakilang mapangbara." Nakangiting sabi ni Steff.

" Dakilang mapangbara sa mga bagay bagay. Pero panira ng moment *wink*."

Nagenjoy lang kami dito..

A/N:.
Hi guys, sorry kung maikli lang ah. Bitin ba? Oks lang yan... Malalate update na naman ako neto dahil daming gagawin. Full sched kasi ang author niyo na ako. Love yalllsss..... :-)

Fall Inlove With My Bestfriend (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon