Prologue

15.7K 286 27
                                    

 Gabrielle Daine Pineda Yuzon- anak mayaman na magpapanggap na nerd na mahirap para matakasan ang baliw na si Melissa na patay na patay sa kanya na gagawin ang lahat makasal lang sa kanya.

Sofia Hailey Romero- anak mayaman,sikat,ubod ng ganda at may maamong mukha pero taliwas naman sa tunay niyang ugali,isa siyang maldita,brat ,bully,bitch pero maiinlove sa isang Transfer student,and worst sa babaeng nerd pa na binully niya!.


>>>>>>>



Prologue


" Amigo ,yung tungkol nga pala sa napag-usapan nating proposal ko noong huli nating pag-uusap,nabanggit mo na ba sa asawa't anak mo?" dinig kong  nakangiting sabi ni Mr.Marquez na ngayon ay abala sa paghiwa nung steak niya,nandito ang mga Marquez ngayon sa bahay at kasama naming mag-dinner dahil may business matter daw di umano, agad kaming natigilan at napalingon sa gawi ni daddy .


Proposal? Anong proposal ?ito na ba yung sinasabi ni Mr. Marquez na business matter?pero ba't kasali kami?.Usually kasi si dad pag-usapang business eh hindi na siya humihingi ng opinyon namin dahil alam naman niya ang dapat gagawin. Kaya nakakapagtaka talaga kung bakit involved kami ni mommy.


"a-ah amigo hindi ba't sinabi ko naman na sa'yong hindi ako pumapayag,at saka maayos naman ang University kaya hindi mo na kailangan makisosyo" sagot naman ni Dad sa kanya.Narinig kong natawa naman ng bahagya si Mr. Marquez sabay nagpunas ng bibig niya gamit ang table cloth bago kami hinarap.



"oo alam ko,pero sana i-reconsider mo pa rin ang offer ko Ricardo,magbibigay ako ng malaking halaga sa University pero ang kapalit noon ay mag papakasal ang anak mong si Gabrielle dito sa anak kong si Melissa."pagkadinig ko doon ay nanlalaking matang binaling ko ang tingin ko Mr.Marquez,halos nabitawan ko na nga yung kutsara ko dahil doon.


A-ano daw?tama ba dinig ko?


seryoso ba siya?! 


ako?ipapakasal niya sa anak niyang sinto-sinto?!


"d-dad" mangiyak-ngiyak na tawag ko dito,nakita kong tiningnan naman ako ni dad at bakas sa mukha niya ang pag-aalala,halata sa mukha ni dad na ayaw niya rin yung idea na makasal ako sa anak ni Mr.Marquez. Pero may kaunting tampo ako sa kanya dahil hindi man lang niya nabanggit sa'kin o kay mommy.


"anak"mahinang tawag sa'kin ni Mommy at naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko para siguro i-comfort ako.


"Narinig mo yun Gab Myloves ?ikakasal daw tayo"nadinig kong sabi ni Melissa ,oo nga pala nandito din nga pala ang baliw na yun -_- ,nakaupo siya sa may katapat ko lang at parang baliw dahil sa lapad ng pagkakangiti,tuwang-tuwa ang lukaret!,hah! Mapunit sana ang bibig mo kakangiti dyan! Baliw!, tinapunan ko agad siya ng napaka-samang tingin,wala kong pakialam kung nandito ang mommy at daddy niya,naaasar na ko sa kanya for sure siya may kagagawan nito! Ayaw niya talaga kong tantanan!.


at talagang kinonsinte pa talaga ng mga magulang niya ha?pareho ata silang mga baliw!.



"keep dreaming Melissa! Keep dreaming!"inis na sabi ko dito habang masama pa rin ang tingin sa kanya,pero parang wala lang sa kanya dahil todo ngiti pa rin siya.May sayad talaga!.


Hindi sa homophobic ako kaya ayoko magpakasal sa kanya, actually Bisexual nga ako at alam yun ng family ko,pero duh?! Ayoko namang magpakasal sa taong hindi ko naman mahal,lalo na sa obsessed na sito-sitong yan!ano siya sinuswerte?! Never ako magpapakasal sa kanya!.


"oh Bueno Amigo mauna na kami salamat sa pag-imbita,basta pag-isipan mo pa rin ang alok ko"pagkasabi noon ni Mr.Marquez eh tumayo na siya pati na din ang asawa at yung baliw niyang anak.


Nakita kong hinatid nila mom and dad yung mga Marquez palabas ,pero bago pa man makalabas yung baliw na Melissa na yun eh ninakawan naman niya ko ng isang halik sa pisnge kaya nakatanggap na naman tuloy siya sa'kin ng death glare. Nandidiring pinunasan ko yung parteng hinalikan niya.


Yuck talaga! Buti nalang talaga at hindi sa labi ko humalik kung hindi eh baka hindi na siya dito makalabas pa ng buhay!.


Mabait akong tao pero pagdating talaga sa kanya nagiging masama ang ugali ko! Eh masisisi niyo ba ko?ilang beses ko na siyang pinagpasensyahan pero ayaw niya talaga tumigil!.


Nagsisisi tuloy ako kung bakit naging mabait pa  ako sa kanya noon ayan tuloy naging obsessed sa'kin.


Kung bakit ba kasi hindi agad ako naniwala noong sabihin sa'kin ni Cassy ,yung bestfriend ko,na parang may something daw saakin itong si Melissa . At ayun nga tama siya,kaya naman sa halos  araw-araw na ginawa ng Diyos eh inaraw-araw niya din ang pang-sstalk and pangungulit sa'kin. At ngayon nga ito na yung pinakamatindi!ang magpakasal sa kanya!. tsk!.


eh malay ko ba kasi!.


naiwan ako ditong tulala habang nakaupo pa rin at hindi gumagalaw sa pwesto ko.


Nangangalaiti pa rin ako sa galit! Madulas sana sila paglabas nila!.


Ilang saglit lang ay nakabalik na ulit sina dad dito sa dining table. Agad naman akong niyakap ni Mommy.


"d-dad please a-ayoko...ayoko makasal sa kanya,h-hindi ko siya mahal"pagmamakaawa ko kay dad habang umiiyak at yakap pa rin ni mommy.


Nakita kong napabuntong hininga si dad bago ako hinarap at nginitian ng tipid,halatang nalulungkot din siya para saakin"'wag kang mag-alala Gabrielle, hindi ko hahayaang makasal ka sa kanya"


Dahil sa sinabing 'yun ni dad eh medyo napanatag naman ako.


"bukas na bukas din pupunta tayo sa bahay ng tita Alice mo ,magpapatulong tayo sa pinsan mo.. 'wag ka ng umiyak" sabi naman ni Mommy sabay hinihimas yung likod ko para siguro patahanin.


Kahit umiiyak pa rin eh napatango nalang ako.


Buti nalang talaga andito ang parents ko at naiintindihan nila ako.















>>>>>




(a/n: hi guys ang story na 'to ay inspired sa story nila Gamatoki tsaka Janztrich super labs ko kasi mga stories nila <3 )

My Nerdy Girl and I(GxG)Where stories live. Discover now