Beginning

1 0 0
                                    

"Okay class dismissed" Sabi ni Mr Del Ganio

Inayos ko ang nga gamit ko at nag-ready na papuntang library. Wala kasi akong klase mamaya dahil wala din namang prof ibinigay na niya yung task niya kahapon para ngayon at kailangan andun kami sa library para sa librong pag-aaralan namin.

"Aiglentine, sa library kayo ngayon hindi ba?" Tanong ni Felly

Tumango ako

"Kaklase mo doon si Xion?" Tumango ulit ako

"Paki bigay naman nito" inabot niya sa akin ang isang brown envelope

"Okay" umalis na agad ako pagkatapos magpaalam.

Naglakad ako sa hallway habang kinakapa ang naka-French braid na buhok ko. Natuwa ako dahil maayos pa ito.

"Miss! Excuse me!" May kanina pang sumisigaw nang ganon, Alam ko namang hindi ako iyon kaya hindi ko pinapansin.
Halos mapatili ako dahil may humila sa braso ko.

"I said miss excuse me. Can't you just turn your head to me?" Sabi ng lalaki sa isang matigas na ingles.
Ngayon ko lang napansin ako lang pala ang naglalakad sa hallway. Oo as in ako lang.

Pagtingin ko sa lalaki nagulantang ang mundo ko dahil si Zander Servinio ang humila at tumatawag sa akin. He's the president of student council here.

Napanga-nga nalang ako at biglang yumuko.
"Pres sorry , sorry talaga pres akala ko hindi ako yung tinatawag mo."
Nang i-angat ko ang ulo kong nakayuko. Nakita ko siyang naka taas ang gilid ng labi.

Pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil ayokong mapunta sa dean's office at masira ang reputansyon ko.

"Pres? Ano pong violation ko?" Nag-aalala kong tanong.
Andun parin ang killer smirk niya.

"Well kanina wala, I just want to talk to you pero ngayon parang meron na" kinabahan agad ako

"Well, anyways I'll just let you spare  this time. Miss Aiglentine Del Agatha right?"

Nagpakawala ako malalim na hininga, nabunutan ng tinik. Inayos ko ang salamin ko bago sumagot.

"Yup Pres bakit po?" Pres ang tawag ng karamihan sa kanya dito ang ibang kaibigan naman niya Zander lang pero kasi kagalang-galang talaga siyang tignan kaya mahihiya ang ahas na tuklawin siya at hindi tawaging Pres.

"I was stalking every students here in WCC for the past weeks. I was looking for a student that has a good reputation, good grades, strict and has a good manners" panimula niya. Naghintay ako ng iba pa niyang sasabihin bago sumabat

"Then I found you. Dean lister ka, top one lagi sa course mo and I'm glad na tahimik ka lang and look like some strict weirdo" tumawa siya ng bahagya sa huling salita.
Sumimangot nalang ako at naghintay pa ng ibang salita.

"I believe that you heard the news that Miss Danica Orion resigned as a secretary of mine because she's a graduating student and can't handle her time as a secretary so I decided to appoint a new one and that is you"

Napanganga ulit ako.

"But Pres? Pwede namang tumanggi diba?" Kinakabahan kong tanong

"Don't hurt my ego Miss Del Agatha besides kaya mo namang i-handle ang pagiging secretary at pagiging student anong problema?" nakabusangot niyang sabi

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero bastos naman iyon.

"Besides Miss Del Agatha may dagdag grades iyon don't worry" nakangiti niyang saad pero alam mo iyong ngiting may masamang balak iyon yon eh.

May dagdag grades, atsaka oo nga kaya ko naman iyong pagsabayin. Okay I'll accept this one. Pwede namang umalis pag naging toxic na eh.

"Okay then, I'll accept your offer Pres but I need to go kasi may library class kami today" tumango siya at binitawan ang kamay ko. Hindi ko napansin na nakahawak pala siya habang nag-uusap kami.

Kisses On CheeksWhere stories live. Discover now