Chapter 35 (sorreography)

47 1 0
                                    

Jade's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa likod ng building kasi break time naman namin.

"Geez. Napagod talaga ako kahapon" reklamo ni Shantal at nag inat-inat. Kapagod naman kasi kahapon. Masakit nga yung binti ko kakatakbo kahapon. Eh yung p.e shirt ko. Anyare? Ayun naging colorful na siya
--____--

"Saranghae Shantal *insert meme emoticon* "

Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kanila. Saranghae?! Saranghae?! Sarang--- what the hell is that???!!

"Nado saranghae" kinilig naman siya. Psshh.. Ano ba kasi yang saranghae na yan? Kahapon pa yan nung hinalikan ako ni Chase tapos sinabi niya sakin yung Saranghae.

"Anong saranghae?" Tumaas ang kilay ko sa kanila dalawa. Nagpigil lang ng tawa ang mga puta.
"Ano ba kasi yang saranghae?? Sabihin niyo naman sakin oh" iritang tanong ko sa kanila pero imbes na sagutin nila ako ay humagalpak lang sila sa kakatawa pati na si Chase like,ano bang nakakatawa?

"Saranghae Jade" sabi sakin ni Chase sabay kindat. Eerr!! Dapat nga kikiligin ako ngayon pero hell naiinis ako kasi ba naman ayaw nila sabihin sakin kung ano ba yang Saranghae what so ever na yan. Ghad!

"Anong saranghae?" Muli kong tanong pero ayaw nilang sabihin mga tol! Oo grabe sila --_____--
"Tsss mga ulol. Mauna na nga ako" i muttered at padabog na naglakad pero bago pa man ako makatatlong hakbang ay may narinig akong boses. Actually parang marami sila.

"Get that shit!"

"Hey loser! Kunin mo raw"

Yun ang narinig namin at may narinig pa talaga kaming kung anong bagay ang nahampas sa lupa ng sobrang lakas.

"Hahahaha ang lampa talaga ng mga loser na kagaya mo"

"Please....lubayan niyo na ako"

"Oh no. We are not done bitch"

Aba sumusobra na to ah! Mabilis na nilakad ko ang likod ng building at nadatnan ang isang babae na naka upo sa damuhan at gulo-gulo ang buhok. Pinapalibutan siya ng tatlo pang mga babae. Yung librong nasa damuhan. Yun siguro ang narinig kong ingay kanina. I gave those three girls a death glare.

"A-ate umalis kana dito" sabi nung babaeng naka upo sa damuhan.
Hindi ko lang siya pinansin at mas lumapit pa sa kanila.

"Anong nangyayare?" Tanong ko sa kanila.
"Pwede umalis ka na?!" Bulyaw sakin nung babae. Why,this bitches don't even know me. Great. Ngumisi ako sa kanila na ikina-inis nila.

"Why are you smirking? Tch! Umalis ka na dito. I'm warning you" banta sakin nung isa. Sige. Magwarning kalang sakin at wala akong pake alam.
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at mas lalo silang nagalit.

"Ugh! Hindi ka talaga aalis?!"

"Hindi ba obvious? Kung aalis ako edi sana kanina pa ako naglakad palayo diba?"sagot ko sa kaniya.

"Why you--" akmang dadapo na sa mukha ko ang kamay niya nang nahawakan ko ito ng mahigpit na mahigpit at pina ikot.

"Aray!!" Impit niya sa sobrang sakit na nadarama. Sinadya ko talagang patagalin yun.

"Umalis na kayo bago pa dumilim ang paningin ko sa inyo" banta ko sa kanila saka binitiwan ang kamay nung babae. Agad na tumakbo sila paalis. Pinulot ko ang mga librong kumalat sa damuhan at binigayy dun sa babae. Tiningnan niya lang ako for a second saka kinuha ang mga libro sa kamay ko.

Tumayo siya at pinagpagan ang palda niya.
"S--salamat" sabi niya. Mukhang may sasabihin pa ata siya pero nilunok niya lang ang sasabihin niya at umalis. Ang wierdo ng babaeng yun.

"Anong nangyare dun?" Tanong sakin ni Chase nang nakalapit na sila sakin.

"Wala naman" sabi ko at nilagpasan sila. Ay naku naiinis pa rin ako dahil ayaw parin nilang sabihin sakin kung anong ibig sabihin ng saranghae -__-

Nauna akong nakabalik sa classroom. Pag naiinis kasi ako sa kanila hindi ako sumamabay sa kanila. Hayst.
Nag-umpisa ang klase and it went well so far.

Akky's POV

"Pasensya na"pagmamakaawa ko dun sa babaeng aksidenteng nabuhusan ng juice sa uniform niya pero konti lang naman talaga yun.

"OMG! Pasalamat ka at maliit lang ito. Tabi nga jan!" Pagtataray niya at tinulak pa ako para makadaan siya.

*sigh* nakakaawa si ako. Nakakasawa na dito lagi nalang akong inaapi ng mga tao. Sino nga pala yung babae kaninang nagtulong sakin? Grabe,hindi man lang ba siya natakot kina Claire? Ako nga nangangatog na ang tuhod ko pag nakikita na sila Claire.

Tumungo ako sa library kung saan doon ako madalas pumupunta kapag walang ginagawa. Nang nakapasok na ako sa library ay pumunta ako sa paborito kong lugar na lagi kong inuupuan pag pumupunta ako rito.

Kumuha ako ng ilang libro na pwede kong basahin. Mas gusto ko dito sa library. Tahimik lang.

Binuklat ko ang libro na kinuha ko kanina at nagsimulang magbasa. Kahit na hindi naman ito kasali sa mga lessons namin ay binabasa ko parin.

Naramdaman kong may humila ng upuan sa gilid ko at may umupo roon. Hindi ko nalang pinansin kung sino man ito at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang mapansin kong parang may nakatingin sakin kaya lumingon ako. Nagulat nalang ako nang isang lalake ang nakatitig saakin. Seryoso ang mukha nito.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil nakakaramdam ako ng awkwardness. Bakit niya ba ako tinitingnan? Kung may problema siya sakin pwede wag niya naman akong titigan ng ganyan >____<
Nevermind this guy  Akky. Magbasa kana lang jan

"Hi bookworm" napahinto ako sa pagbabasa nang marinig yung huling salitang sinabi niya. Humarap ako sa kaniya. Ang kaninang mukhang seryoso ay nakangisi na  ngayon. Luhh,ano bang problema niya? Is he into something?
Naku Akky hindi ako sigurado dito sa lalakeng to mukhang may balak ata.

Akmang tatayo na ako nang hilain niya ang braso ko kaya bumalik ako sa pagkaupo.
"Hey,wag mo naman akong talikuran" sabi niya ng seryoso. Gusto ko nang sumigaw kaso library to eh. Please keep silence daw oh (ㄒoㄒ)

Kuya,bitawan mo na ako. Gusto ko ng umalis
Gusto kong sabihin sa kaniya kaso ninenerbyos ako. Hindi ako sanay makipag usap sa mga tao.

"Don't you remember me?" Tumaas ang dalawang kilay niya. Hindi kita kilala. Nilipat ko ang tingin ko sa librong binabasa ko kanina. 'Geography'.
Tulungan mo ako geography. Ano bang sasabihin ko??

"Why can't you speak?"tanong niya ulit. Geography help me na. O my gosh para na akong timang kelangan ko na siyang sagutin!

"S---sorreography" inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at umalis ng library.

*********
Author's note:

Pasensya talaga kung slow update ako. Minsan lang kasi napapaloadan ang wifi namin.

Sorreography talaga. Hahaha.

My Girl Crush is a GangsterWhere stories live. Discover now