Habang naghahanda matulog si Faith ay naalala nya si Benedict.
"Kamusta na kaya si Benedict, nakaka awa naman sya." Labis na nag aalala si Faith at di sya makatulog, naiisip nya si Benedict..
"Bakit ba lagi kong na aalala si Benedict?" Nagtatakang tanong sa kanyang sarili.
..............
Makalipas ang ilang araw, nawawalan na ng pag asa si Don Pablo at Donya Matilda sa lagay ni Benedict. Nailipat na si Benedict sa high end na ospital ngunit wala din magawa ang mga ekspertong tumingin.
"Ikinalulungkot ko sa inyo, sa araw ng operasyon ay maliit lamang ang tsansa niyang mabuhay," Malungkot na sabi ng doktor.
Nag iiyak si Matilda.
"Magbabayad ako kahit magkano mabuhay lang ang aking anak!" Nagmamakaawang sabi ni Don Pablo sa mga Doktor, ngunit hindi kumikibo ang mga ito, alam nilang wala ng magagawa ang kayamanan ni Don Pablo para dito.
At nagpasya ang mag asawa na huwag na itong operahan pa dahil napakaliit rin ng tsansa nito, ayaw na nilang mahirapan pa ito.
Pinalabas ni Pablo ang mga nurse at doktor.
"Iwan nyo na muna kami!" Sabi ni Don Pablo.
"Maya maya ay magigising sya, tinurukan namin sya ng pampagising, maari nyo syang makausap." sabi ng mga doktor at naglabasan na ang mga ito, at naupo sa tabi ni Benedict si Don Pablo at doon nya naramdaman na di nya kayang mawala si Benedict. Niyakap nya si Matilda at pareho silang nagdadamdam,
Maya maya ay nagising si Benedict.
"Mama? Papa?" Mahinang sabi nito.
"Anak!" Naiiyak na sabi nila.
Makalipas ang ilang sandali ay may kumatok ng pinto.
"Wala na munang papasok dito!" Sigaw ni Don Pablo ngunit bumukas pa din ang pinto at ito ay si Kardo.
"Magandang gabi po!"
"Maaari bang lumabas ka na muna, gusto namin mapag isa sa piling ng aming anak!" Pagalit na sabi ni Don Pablo.
"Gusto ko lang subukan ang bulaklak na ito kay Benedict!"
Biglang napatingin si Matilda sa kanyang sinabi.
"Benditas?" Manghang tanong ni Matilda.
"Opo! Nalaman ko kung saan ito matatagpuan!"
"Papano mo nalaman?" Tanong ni Don Pablo.
"Nabasa ko sa libro, iniwan ito ni Jonah ngunit hindi sinabi sa inyo ni Lorena."
"Napakawalang hiya nya!"
"Hayaan nyo na po si Lorena,"
"Kung alam mo kung saan ito makukuha, magpapautos ako ngayon din!" Sabi ni Don Pablo.
"Hindi na kailangan," sagot ni Kardo.
"Pero bakit, kailangan na ito makuha, habang may oras pa!" Sabi naman ni Donya Matilda.
"Nakuha ko na!" Sambit ni Kardo.
Napangiti ang mag asawa at di sila makapaniwala sa kanilang narinig.Pinakita ni Kardo ang Benditas.
"Kailangang magamit ito kay Benedict bago mahuli ang lahat." Sabi ni Kardo.
"Sa tingin mo ba ay may talab yan sa kanya, kahit na may sakit?" Nag aalalang sabi ni Don Pablo.
"Di ko alam, ngunit subukan natin!"
Kinuha agad ni Matilda ang benditas sa kamay ni Kardo at pinitas agad nito ang isang talutot at pumunta agad sya ng banyo para ibuhos sa bath tub, ngunit pinigilan sya ni Benedict.
"Mama." Mahinang sabi nito.
"Anak kailangan mong maligo sa bath tub, ilalagay ko na ang talutot na to sa bath tub, bubuhatin ka namin."
"Mama..... ilagay ....na lang ninyo sa baso at aking iinumin," nanghihinang sabi ni Benedict.
"Pero baka hindi ito pwedeng inumin?" Nag aalalang sabi ni Donya Matilda.
"Nara...ramdaman ....... ko na ....... Kai.....langan....kong.....inumin ......ma.....ma....." Pagkasabi ay biglang pumikit ang mga mata ni Benedict.
"Anak!" Nag aalalang sabi ni Don pablo, at nagmadali naman na
kumuha ng baso na may tubig si Kardo at nilagay naman ni Matilda ang isang talutot.Nakita nilang mahinang mahina na ang puso ni Benedict at malapit ng mag flat ang linya na nasa monitor.
"Anak inumin mo na ito!" Nagmamadaling sabi ni Matilda.
Nakatayo si Don Pablo at kinakabahan ito, lumabas sya ng silid, di nito kaya makitang mawawala na si Benedict.
Ilang sandali, nawawalan na ng malay si Benedict, pinainom ni Matilda ng tubig na may benditas si Benedict at kahit sa huling hininga ay pinilit na ininom ito ni Benedict.
At nang nainom ito ay nawalan na ng malay si Benedict.
Nag iiyak na si Matilda.
"Benedict anak, huwag mo kong iiwan!" Naghihisteryang sabi ni Donya Matilda, at makalipas ang ilang segundo ay nag flat na ang nasa monitor.
"Benedict!" nag iiyak na sambit ni Matilda.
Nang narinig ni Don Pablo ang iyak ni Matilda ay nagmadali syang pumasok ng silid at nakita nyang nakayuko si Matilda na umiiyak at naka flat na ang monitor.
Napaiyak si Don Pablo at hinawakan nya ang kamay ni Benedict.
"Patawarin mo ako anak sa mga nagawa ko sayo, mahal na mahal kita!" Umiiyak na sambit ni Don Pablo.
Nanlumo naman si Kardo nang nakita nyang wala ng buhay si Benedict.
"Wala ring saysay ang lahat ng hirap at takot na naranasan ko makuha lamang ang benditas na to!"
Malungkot na sabi ni Kardo sa kanyang loob. Nakikita nyang labis na nagdadalamhati ang mag asawa, ngunit wala ito magawa....
Makalipas lamang ang ilang sandali, maya maya pa'y biglang gumalaw ang monitor at pumipintig na muli ang puso ni Benedict. At unang nakita ito ni Kardo.
"Donya Matilda tumitibok na muli ang puso ni Benedict!"
Napabalikwas si Matilda at Don Pablo sa pagkakasubsob sa tabi ni Benedict at nakita nilang nagiging normal ang nasa monitor.
Di makapaniwala sila makapaniwala.
Tinawag ni Kardo ang doktor at mga nurse at nagpuntahan agad ang mga ito sa silid na yon, at laking gulat nila nang nakita nilang naging normal ang scale ng monitor. Namangha silang lahat, lalo na nang biglang dumilat ang mga mata ni Benedict.
"Papa? Mama?" Masiglang sabi nito.
At niyakap nila si Benedict.
Sinuri muli ng mga Doktor si Benedict at laking mangha nito nang nawala ang mga pasa at galos ni Benedict.
Nagtaka ang mga doktor, ngunit natuwa sila sa milagrong kanilang nasaksihan.
Ngunit di pa rin nagbabago ang itsura ni Benedict.
"Isang milagro ito, wala na syang sakit!" Sabi ng mga doktor at inalis na ang mga nakakabit na aparato kay Benedict.
At tumayo si Benedict at tumalon talon ito kahit pa ika ika.
At masaya naman si Kardo habang pinagmamasdan si Benedict.
Nung gabing iyon ay iniuwi nila si Benedict sa kanilang mansion sakay ng kanilang helicopter, at sinama na rin nila si Dominic kahit ayaw pa nitong bumalik.
.........
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
HorrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!