Hugot 63

513 13 0
                                    

Dear Ex crush,

   Ano kaya ang sasabihin ko sa'yo?
Na bakit ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko? na bakit hindi ko kaya mawala ka sa isisp ko?
Bakit?bakit mo ba ako sinaktan,iniwan,at hinayaan ako magdurusa.Bwisit ka,i trusted you bakit mo ba ako niloko ha?

Nakakatawa nga isipin na ikaw nga ang nang iwan eh ako pa ang lumalabas na masama.Bakit ganun?Oo walang tayo, pero bakit minsan daig ko pa yung babaeng mahal mo kung masaktan? Bakit parang sa lahat ng lalaking pwede 'kong ibigin, bakit ikaw pa? Bakit sa lahat ng babaeng pwede 'mlng saktan, bakit ako pa? Oo, marami akong tanong, yung tanong na araw-araw bumabagabag sa isip at puso ko. Gusto 'kong itanong sayo pero isang tingin mo lang sakin naninigas ako na parang yelo. At sa araw-araw na pagsulyap ko sayo, isa lang yung alam ko. Na wala ng higigit pa sa tingin mo sakin kundi isang kaibigan lang. Isang kaibigan hindi mo pwedeng maging KA IBIGAN.

Kasi hindi ako yung mahal mo, hindi ako yung gusto mo, at higit sa lahat hindi ako yung babaeng makakasama mo sa pagbuo ng mga bagong memorya sa buhay mo. Pero salamat, salamat sa panandaliang sayang inialay mo. Salamat dahil sayo natuto akong umibig, yung pagibig na hindi lang basta laro at biro. Yung pagibig na totoo at tunay. Pero magiging masaya na lang ako para sayo, kahit masaya ka kasama yung iba. Kasi sa wakas nakita mo na yung babaeng handa mong mahalin ng buo, ok lang kahit hindi ako yun.Past is past diba,pero syempre hindi naman madali na mag-forgive and forget diba?

Siguro hinahanda pa ni lord ang taong mamahalin ako ng totoo at tunay. Malay mo bukas o sa makalawa makita ko na siya. Pero habang hindi ko pa siya nakikita, magaantay lang ako ng paulit-ulit. Kahit masaktan 'man ng paulit ulit. Sabi nga nila forget the mistake and remember the lesson.

-M

HUGOT BOOK: Nagmahal, Nasaktan at IniwanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora