Chapter 27: {May Aaminin Ako}

185 9 0
                                    

C27: Aamin na daw siya! Teka, ano nga ba?!

"Petmalu tong si sir Bermudez!" halos mapasigaw na si Shine. May patayo-tayo pa siyang nalalaman. "Shhh! Marinig ka ni sir!" babala ni Heather sa baliw naming kaibigan.

"Lol. Eexit na nga lang, nagpaproject pa." nagmamaktol na sinaad ni Shine. "Well, may point ka." napatingin sa akin si Heather. "Ganda ng groupings ni sir ha? Hindi halatang sinadya!"

Pano ba naman kasi, ako, si Shine, si Chadler, si Heather, si baby boy, kasama pa si bruha. Haist. Wala kasing gusto na makigrupo siya. Yan tuloy hinanapan ni sir. Sad to say na kulang pa kami during that time.

"Bes, sa bahay nyo lang tayo gumawa. Huhu." may kasama pang iyak si Shine habang nakikisandal sa akin. Akala nya naman maaawa ako. Joke lang.

"Eh... hihingi pa ako ng permiso kay mama. At saka sure na kayong sa bahay nalang talaga?" tanong ko at nagsabay pa silang tumango na para bang aso na display sa kotse.

"Basta ako na ang bahala sa materials!" may pamilyar na boses na biglang sumagot. Paglingon ko sa likod, si baby boy, pilit sinisiksik ang ulo sa gitna ng balikat namin.

Bigla akong may naalala! Yung sketch nga pala sa bahay, kailangan takpan! Baka makita ni baby boy! Tinext ko agad si Ruther.

"Anong tinetext mo?" kinabahan ako sa pagsingit bigla ni baby boy.

"Pakialam mo?" pinout niya abg lips niya bilang sagot. ANG KYUUUUUUT!!!!!! Sarap pisilin ng pisngi!

"Baka may nanliligaw na sa yong iba ha?" Napatigil talaga ako sa aking narinig? Para kaming magjowa na nagkukulitan. If only tinotoo niya yung panliligaw niya eh di sana kami na. huhuhu. Gusto ko sanang sabihin na "wala" pero I have to do this kundi obvious ako.

"Meron, eto ko katext ko!" palusot ko at agad naman niyang inunat ang leeg niya papunta sa screen ng phone ko. Mabilis ko naman itong naiwas sa mata niya. In short, lusot ako.

———

"Uy bawas lang ako ha?" inayos pa ni baby boy yung buhok niya bago tuluyang pumasok sa CR. Ako naman bumalik sa groupmates ko at nagsimula na kaming gumawa ng diorama.

Nag excuse din si Chadler dahil kumuha ng juice sa ref. Si Shine naman, inuna pa ang make-up bago tumulong. Nag CR din siya at doon pinagkukulayan ang mukha niya.

"O bakit?" Tanong niya sa lahat na gulat na gulat.

"Hindi mo naman pala sinabi samin na gusto mong maging clown after college!" may diin na pinahawak ni Heather si Shine ng salamin.Napatawa ng konti ang ilan.

Marawi ang naisip naming theme. Kailangan kasi mga makukuha mo sa nature ang gagamitin sa diorama. At naisip din namin parang gubat na ang nabubuo namin, so why not gamitin nalang namin ang concept ng Marawi para #Werpa! at #PETMALU? di ba?

After how many hours, natapos din. Kami nina Shine, Heather, Chadler nakatulog na sa may sofa. Knock out na silang lahat pero ako medyo gising pa. Yakap ko yung emoji na unan na may heart eyes. Yellow ito at bilog. Para akong ewan na kinakausap iyong emoji pillow.

"Ikaw kung hindi ka lang pakipot, matagal na kitang kiniss sa lips mo." Ewan ko ba kung bakit naiisipan kong magpretend na si baby boy iyon.

"Bakit hindi ka sumasagot? Anong masasabi mo ha?" Tila baliw na ako na pipikit-pikit pang natumba ng kaunti sa may sofa.

"Cai?" Mas nagising naman ako nang biglang may sunagot. At kilala ko pa ang boses na yon!

"Bakit? Ha?!" Para lang akong lasing na sumagot.

"I love you!"

"You love me ka dyan. First of all, you're not baby boy. At saka, wala ka namang puso ah!" itinaas ko pa sa ere yung pillow.

"Sabi ko, gusto kita. Gustong-gusto. Sana bigyan mo ko ng chance na totohanin yung pangliligaw ko sayo." At aba, kinareer din nitong unan na siya daw si baby boy.

"Haler, wala ka sa kalingkingan ng kagwapuhan ni baby boy ko."

"Ako nga..." pilit pa siyang sumasagot. Napaupo na ako sa sofa at tuluyang nakatulog.

"Cai?"

Niccolo's POV

"Tinulugan lang ako, see?" reklamo ko kay Phoebe na nag urge sakin na umamin after all this time. Pero ang kondisyon ko is magtatago lang ako.

"Sorry kung pumalpak tsong. At least ngayon napaamin na kita. Keleg mats tsong!"

"Eh naintindihan kaya nya yung sinabi ko?" I fear na hindi niya maalala bukas yung narinig niya.

"Oo naman no. For sure yun." Kinikilig pang kinikiliti ako sa tadyang ko. "Bukas pagkinausap ka, sabihin mo na kaagad na tumawag ka. Gets nya na yun. Hihihi" ngumisi pa siya na para bang sure siyang mangyayari yun.

"Pero..." pinigilan ako ni Phoebe dahil napalakas tila yung pagsasalita ko. "Tama na ang negativity tsong. Kaya tayo minamalas nyan eh. Basta ako ng bahala sa da moves natin tom."

"Pramis?!"

"Oo nga, ang kulet. Hahahaha"

Cai's POV

"Good morning guysin!" Eto talagang si Shine, ang aga-aga ito agad ang bungad sa akin— nilalagyan niya ng -in yung mga sinasabi niya para mas kumulit siyang pakinggan.

"Pancakes?" biglang singit ni Chadler. Katatapos ko palang maghilamos at kakabalik ko pa lang sa mesa. "Pandesal!" halos sumigaw na si baby boy sa kabila ko pero with nakakatunaw pa rin siyang smile sa akin.

Umubo siya kunyare. "Ahmmm-ahmmm"

"May ubo ka?" tanong ko kahit alam kong may gusto siyang iparating sakin. Di ko nga lang magets kung ano.

"Oo kanina lang." I wonder kung ano yung gusto niyang sabihin. "May naalala ka ba kagabi?" tanong pa ni baby boy while nag mas feeling comfortable pa sa tabi ko.

"Yup. I was dreaming." Sagot ko. "What was your dream then?" excited pa nyang follow up question. Pero teka, asan na si---?

"Ayun nag walk out si..." saad pa ni Shine. Unconciously, pandesal yung nahawakan ko pala. Kaya pala agad nawala sa si scene si Chadler.

"Ahhhh... I was talking to a pillow."

"Anong sabi ng pillow?"

"Uhmmm... ano nga ba? Let me think.... Ahhh! Hi?" I don't understand while nainis din siya at nagwalk out.

"Ay ano ba ngayon, hashtag walk out day? Walk out dito, walk out doon?" napakamot nalang ng ulo si Shine.

Gabi,

"Have you seen Chadler iha?" tanong sakin ni tita na parang kanina pa yata naghihintay.

"Ah, umalis ho yata kaninang umaga. Di pa ho ba bumabalik?" sagot ko while searching for my phone. "Don't try calling him Cai. He's not answering the phone." malungkot na sabi ni tita.

I found my phone and it is ringing. "Sandali lang tita ha?"

"It's okay. Go on. Hindi pa rin ako tapos sa teleserye na to. Nakakaiyak kasi eh." Haist, akala ko pa naman seryoso siyang baka nawawala na si Chadler. Mas inuna pa yung drama.

Holy ****! It's Chadler. "Hoy, asan ka? Alam mo bang---"

"Come. Text ko sayo kung nasan ako. Don't tell mommy okay?" In fairness, na sad din ako sa baba ng boses niya. Parang ang laki ng problema. Nilingon ko pa si tita saglit bago ako tuluyang umalis.

**Hashtag: Smells fishy, este smells bad pala.

Author's Note: Bawi-bawi nalang ang #TeamBabyBoy bukas. Pramis. Hihihi :) :)

Salamat guys sa pagbasa. Sorry din kung ngayon lang nakpag-update. Sobra-sobra kasing busy sa school eh. Dumagdag pa si bipolar na signal. (I call it bipolar kasi mamaya lalakas, tapos bukas sobrang bagal.) Lol.

You can vote and comment. Thank you so much! ❤❤❤

My Beki Bae (Sungjae x Kim So Hyun)Where stories live. Discover now