𝟏𝘴𝘵 𝘊𝘰𝘯𝘧𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯

43 2 0
                                    

Normally, I wouldn't just let my guard down kapag may mga ibang tao sa paligid ko. I am always aloof for those people na hindi ko naman talaga close at maituturing na kaibigan. I kept my distance for the longest time kahit pa marami din akong mga kaibigan and acquaintances, especially dahil member ako ng Glee Club ng school namin. But there's just this one person I can't simply ignore. I can't even so 'no' to him for some reason and here I am, "San nga ulit tayo pupunta?" I said.

He looked at me, "Akala ko nabanggit ko na kanina? Kakain lang tayo jan sa labas ng school. 'Wag kang mag alala, hindi kita iuuwi samin." Ngumisi siya na para bang may naiisip na hindi maganda. "Well, not just yet."

Aba! "Not just yet ka jan, umayos ka kundi patay ka talaga sakin, Ramos."

Napatigil siya sabay tumawa ng malakas. Kung tititigan mo siya ng maigi, gwapo din pala ang isang to. Mahaba ang mga pilikmata niya, maliit at matangos din ang ilong at ang nakakapukaw ng atensyon sa unang tingin mo sa lalaking ito ay ang labi niya, I don't know if it's just me or talagang mukhang juicy yun at para bang sobrang lambot. I shrugged the thought away, ang aga ko naman magpantasya nito.

Sinabayan niya ko maglakad at sabay kaming napatawa sa mga kinukwento niya, "Tingin mo bagay ba sakin kung magpapakalbo ako? Tingin mo, Anya?"

Natawa ako sa sinabi niya, "Seryoso ka ba? Ngayon pa nga lang mukha kanang ewan, paano pa kaya." Inisip ko bigla kung anong magiging itsura niya pag nagkataon, lalo akong natawa. Napakaspontaneous ng taong to, kung ano anong gustong itanong at sabihin.

"Grabe ka sakin ah! Tara na nga, ano bang order mo? Ako lugaw with litson kawali. Sayo kawali lang diba?" Tumawa naman siya ng malakas. Aba, baliw na ata to. Napatawa na din ako, "Sira!" Di ko alam pero there's really something about his humor na kahit corny eh nakakatawa parin para sakin.

Siguro I'm just not myself today. Oh well, masarap din naman siyang kasama eh. Feel good, I must say. Hindi kagaya ng ibang mga lalaking pumoporma sakin before and even now, puro porma lang wala namang dating.

Sabay kaming kumain ng lunch. Plain lugaw lang ang inorder ko dahil medyo nadagdagan din ang timbang ko after summer vacation. Hindi naman na siya nagtanong kung bakit iyon lang ang kinain ko, busy siya sa pagkain niya. Let me correct myself, lamon pala ang ginawa niya, hindi lang basta kain. I did not expect that from him, really.

"Nakangiti ka jan? Nabusog ka?" Tanong niya sakin. Napapangiti na pala ako ng di ko namamalayan. I rolled my eyes on him, pagkain lang ba makakapagpasaya saming mga babae. "Grabe ka, anong tingin mo sakin puro pagkain lang nasa isip? Ikaw itong sobrang lakas lumamon. Di ka naman pinagbubuhat sa club ah, daig mo pa kargador kung kumain."

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi ko. Shit, that was really good. I tapped myself habang tumatawa. "Ang cute mo, no." Sabi naman niya habang pinapanuod lang ako tumawa.

Napatigil ako, "Ano ako, aso?" Lumapit naman siya sakin at nakangiti lang. Wag ka ngang ngumiti jan masyado, nang aakit ka yata eh, sa isip isip ko.

"Edi maganda nalang. Para hindi pang aso lang." He gave me a sweet smile sabay tap sa ulo ko. Ngumiti din ako sa kanya, dahil may katangkaran siya ng kaunti ay medyo tumingkayad ako. "Thank you, Lance."

He's different from the others. Kaya niya kong pangitiin kahit sa simpleng bagay lang. I think yun yung special sa kanya. Lance Ramos. I never expected to see this side of yours. We were platonic back then, simpleng clubmates lang. But that saturday happened, I think that's where we started being this close?

"Wag kana magspace out jan, baka ma-late ka sa next subject mo." I was back to myself ng marealize ko yung sinabi niya. Nauuna siyang maglakad. Lunch break nga lang pala, I was so overwhelmed na halos mawala sa isip kong may klase pa.

"Oo nga pala, may group work pala kami ngayon bawal ma-late. Sige, una na ko ah." Nagmamadaling sabi ko habang mabilis na naglalakad.

"See you later!" I nodded to him. Ngumiti lang din siya tapos ay dumaan naman sa kabilang staircase. Doon kasi ang classrom nila. Well, magkaibang building kami kaya hindi kami nagkikita madalas. Actually, that was before. Since last week, napapadalas na ang pagsabay namin sa isat isa and all that stuff.

Lumipas ang tatlo pang subjects pagkatapos ng lunch break at dumating na ang uwian. Inaayos ko nalang yung mga gamit ko bago lumabas para makauwi na.

"Tara na Anya, habang di pa gaanong madilim. It's friday! Magmilk tea muna tayo."

Ngumiti ako, "Sige, nagugutom na din ako eh." Ngumuso ako na parang bata, sobrang nakakapagod kasi tong araw na to, ang daming school works and assignments din. I definitely need some air! Besides, it's the weekend, I shoud probably have some time with my friends. Gosh, I missed this.

"Ay oo nga pala, Anne, may isusuot ka na ba sa year end party natin?" Dugtong naman ni Reese habang naglalakad kami palabas ng classroom.

Nag isip muna siya bago sumagot, "Wala pa nga eh, ikaw ba, Anya?"

Diretso lang ang tingin ko sa daan, wala na din pala masyadong estudyante. Ang bibilis nila umuwi, di man lang inayos yung basurahan na natumba. "December pa naman yun diba. Wala pa sa isip ko yan eh, wait lang ah." Inayos ko muna yung basurahan bago nagpatuloy maglakad kasama sila Reese at Anne. Habang naglalakad kami palabas ng gate, naaaninag ko na yung mukhang kanina ko lang kasama. Si Lance nasa tapat ng school, mukhang may hinihintay.

Madaming estudyante sa labas ng gate, may mga nakatambay at may mga kakalabas lang din kaya hindi niya ko agad napansin. Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ata ako nakita kaya lalapit sana ako. "Hi, baby!" Tawag naman ni Lance sa babaeng naglalakad few inches away sakin at sa kanya. Nasa gilid ako kaya hindi nila ko masyadong pansin.

Ngumiti yung babae kay Lance, tsaka naman niya ito hinalikan sa pisngi. May mga kasama itong kaibigan at nakasuot sila ng Girl Scout uniform, mukhang pamilyar sakin yung mukha niya. Minsan na siyang dumalaw sa practice namin ng club. Girlfriend nga pala siya ni Lance.

Naglakad na sila papalayo, hindi ako napansin ni Lance noong dumaan sila sa harap ko. Tinawag na din ako nila Anne. Muntikan ko ng makalimutan, may girlfriend nga pala siya. Bakit naman ako nagulat doon? Aware naman ako dun eh. In denial lang siguro ako?

Habang naglalakad kami nila Anne, nasa harap parin namin sila. Hindi gaanong clingy si Lance sa girlfriend niya, medyo uptight siya, that's the right term. I don't know if nahihiya lang siya sa girlfriend niya or talagang komportable lang siya pag ako yung kasama niya. I don't know.

Patuloy lang sa pag uusap sina Reese at Anne sa tabi ko. I grabbed my phone and started typing, 'Uy? Nakauwi kana?'

Nakita ko siyang nagcheck ng phone niya, maya maya nakareceive ako ng reply from him, 'Pauwi na din kami, see you sa practice bukas. Ingat ka! :*'

Napangiti nalang ako sa reply niya, at talagang may kiss emoticon pa. Tinago ko na yung phone ko at dumiretso na kami sa Milk Tea shop. Maybe they're having a good time right now, together. Well, it's normal for a couple pero what we're having, is it still normal?

Haynako, Lance Ramos.

There's so much more in store for me in this whirlwind journey, right? Bahala na, basta masaya ako.

For now.

-
To be continued...

𝘾𝙤𝙣𝙛𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙤𝙛 𝙖 𝙎𝙞𝙙𝙚𝙘𝙝𝙞𝙘𝙠 Where stories live. Discover now