CHAPTER FIVE

6.9K 144 5
                                    

PAGKATAPOS ng halos tatlong buwan na walang humpay na pag-me-meeting, sa wakas ay natapos na rin ni Anise ang final design para sa bagong branch ng Liberty Hotel. Ilang beses din siyang nagbago, nagdagdag at nagbawas ng details sa ginagawang design. Pero worth it naman ang lahat ng 'yon dahil napakaganda naman ng naging kinalabasan.

Kasalukuyan siyang nasa conference room ng Liberty Hotel at pini-present sa harap ng General Manager at Board of Directors ang scale model ng final design ng itatayong bagong hotel, next month kasi ay sisimulan na ang pagtatayo nito. Nando'n din ang boss niyang si Sheila para i-supervise siya. At siyempre nando'n din si Cain.

Malaki talaga ang naitulong sa kanya ng lalaki para matapos niya ang final design ng hotel. Napaka-outspoken kasi nito pagdating sa trabaho. Sinasabi nito agad sa kanya kung merong hindi maganda sa ginagawa niyang design. Hindi rin ito nagda-dalawang isip na magbigay ng mga bagong ideya sa kanya. At tinatanggap naman niya 'yon ng maluwag dahil alam niyang makakatulong 'yon sa ginagawa niya.

Nang matapos niya ang presentation niya ay pulos papuri lang ang narinig niya mula sa General Manager at sa Board of Directors. Walang humpay ang pag-congratulate ng mga ito sa kanya at kay Sheila. Mukhang nagustuhan talaga ng mga ito ang design na ginawa niya dahil sa susunod daw na magtatayo ulit sila ng bagong branch ay ang architectural firm ulit nila ang kukunin ng mga ito.

Sila na lang dalawa ni Sheila ang nasa conference room nang i-congratulate siya nito. "Good job Anise. Ang galing talaga ng ginawa mo para sa project na 'to."

"Ito naman, ginawa ko lang ang trabaho ko."

"Yeah I know. Masaya lang kasi talaga ako dahil napakalaking account nito."

"Oo nga e."

"Another thing, 'di ba I already warned you about Cain Ledesma?" biglang pagbabago nito sa usapan.

"What about him?"

"Alam mo bang kung tingnan ka niya kanina parang ikaw lang ang tao sa mundo? Is there something going on between the two of you?"

Muntik naman siyang masamid dahil sa tanong nito. "Wala no. Magkaibigan lang kami nung tao."

"Yeah right. As if mag-se-settle lang for friendship yung lalaking 'yon."

"Relax Shei. You're being too uptight. Magkaibigan lang talaga kami at hindi ko hahayaan na lumampas pa 'yon do'n." nawika na lang niya.

"If that's what you say."

Nang maayos na nila ang mga gamit nila ay sabay na silang lumabas. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang nando'n pala sa labas at naghihintay si Cain.

"Akala ko hindi na kayo lalabas ng conference room e." May pagbibirong wika nito.

"May kailangan ka ba?" Medyo mataray na wika ni Sheila dito.

"Gusto ko lang kasi sanang imbitahan si Anise na mag-lunch. Of course you're free to join us if you want Sheila."

"Hindi na. Baka maka-istorbo pa ako sa inyo e."

"Shei-"

"Una na 'ko sa 'yo Anise dear." Putol nito sa kung anumang sasabihin niya. "And don't forget what you said to me earlier."

Napangiti naman siya sa sinabi nito. "Of course."

At umuna nang naglakad paalis ang kaibigan.

"You know I get this feeling na ayaw sa 'kin ng boss mo." Wika ni Cain.

"Pakiramdam mo lang 'yon." Aniya. "Kung mag-lu-lunch tayo, 'wag na tayong lumayo. Dito na lang din tayo kumain sa hotel kung pwede. Maya-maya kasi kailangan ko ng sunduin sa school nila sina Raji at Riku."

What Love IsWhere stories live. Discover now