Chapter 9

1.2K 21 0
                                    

When the door opened, alam kong siya na ‘yon. Agad niya akong dinaluhan at inalalayan papuntang kama.

“I’m sorry. Zerian, I’m sorry.” Paulit-ulit kong sabi sa kanya.

He was soothing my back, whispering calming words.

For the first time that night, may sinabihan ako. Sinabi ko sa kanya ang lahat. All my heartaches. Lahat ng mga bumabagabag sa’kin.

He just kept me in his arms. Hugging me tightly.

“Shh,” he cupped my face and wiped my tears away. “You need some rest.”

“Zerian,” hinawakan ko ang braso niya nang akma siyang aalis.

He smiled and held my hand. He kissed the back of it.

“I won’t go anywhere. Dito lang ako.”

Naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

“Thank you.”

At bago ako makatulog, narinig ko pa ang kanyang ibinulong.

“I love you.”

Nagising ako sa amoy ng niluto. I rubbed my eyes.

Nandito pala kagabi si Zerian.

Tinungo ko ang kusina. Naabutan ko si Zerian na nag-aayos ng mesa.

“Zerian.”

Nilingon niya ako.

“Hey, Sammy. Good morning. Kain kana.”

Pumwesto na ako ng upo. Scrambled eggs ang niluto niya.

“Maaga pa kaya hindi na ako naghanda ng orange juice.”

Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko.

“Thank you.”

He smiled at me.

We prayed first before started eating.

Pinagmasdan ko si Zerian. I can definitely say that Zerian is my blessing. He’s too good to be true. Hindi ko alam kung nararapat ba talaga ako sa kanya.

“Sammy.”

Napakurap ako. Natulala pala ako sa kanya.

“Hm?”

Tinitigan niya ako sa mata.

“Stop thinking things.”

Umiwas ako at nagpatuloy sa pagkain.

“Saan ka nga pala natulog kagabi?” Tanong ko sa kanya.

“Sa tabi mo.”

Nasamid ako sa sinabi niya.

Agad niya naman akong binigyan ng tubig habang tumatawa.

“I’m just joking, Sammy. Sa sofa ako natulog.”

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Zerian. Kahit kailan, hindi siya nawawalan ng kwento.

Nagpaalam sa’kin si Zerian na uuwi. Babalik daw siya mamaya para sunduin ako.

“Saan tayo pupunta?”

“Basta.”

He patted my head and went off.

Agad akong naghanda. And it feels weird. Matagal na akong hindi nag-aayos ng sarili. Kaya noong nilatag ko ang mga dresses na meron ako sa kama, napasapo na lang ako ng noo.

Doon ako natagalan. Sa pagpili ng susuotin. In the end, I wore my white sweatshirt na may Eiffel Tower na print. Tapos nag-jeans ako saka sneakers.

Then another one was my hair. I tried turning it into a bun, ponytail, braid. Pero sa bandang huli, nilugay ko na lang ito.

The thought of putting make-up even crossed my mind. Napa-‘what the hell’ na lang ako sa sarili ko. I don’t do make-ups. Samantha and make-ups can’t be put in one sentence.

Hindi na ako nagdala ng bag. Cellphone, wallet at panyo lang naman ang dadalhin ko.

Lumabas na ako ng apartment. When I was locking the door, naramdaman kong may tao sa likod ko. When I turned around, muntik na akong mabunggo sa dibdib niya.

He was too close kaya agad akong namula.

“It’s too early to blush,” he smiled at me. Agad akong napaiwas ng tingin.

Kinuha niya ang kamay ko at binigyan ako ng lollipop. And as expected, orange flavor.

“Tara na?”

Tumango ako sa kanya at sabay na kaming umalis.

Una naming pinuntahan ang mall. We did arcade. Unti-unting lumabas ang childish side ko.

Then, food trip. Lahat na lang ata ng stalls nabilhan namin. Ice cream, siomai, potato fries, shake.

Next, ang department store ang pinunterya namin. Wala kaming binili. Nagtingin-tingin lang kami sa mga accessories at damit.

Hindi rin nakalampas ang bookstore. Zerian’s a bookworm. While drawing is my hobby.

Dapithapon na noong nakalabas kami ng mall. Bumili ng libro si Zerian habang pencils at sketch pad naman ang binili ko.

Since walking distance lang naman ang apartment ko, I insisted na maglakad na lang kami.

Nadaanan namin ang bridge. Huminto muna kami at pinagmasdan ang paglubog ng araw.

“I once tried jumping off from here,” I confessed.

Pinagmasdan ni Zerian ang nasa ibaba at napasipol.

“Buti na lang ‘di mo tinuloy.”

I smiled. And it’s because of you, Zerian.

“Will—do you think mauulit pa ‘yon?” He asked. May pangamba sa boses niya.

Nakatingin na siya sa palubog na araw.

“Will you let me?”

“No.” Mabilis niyang tugon.

I stared at the setting sun.

“I won’t,” I assured him. “Zerian?”

“Hm?” Bumaling ang ulo niya sa’kin.

“Thank you,” I smiled at him.

He stared at me for a minute bago gumanti ng ngiti.

“I love you too.”

Agad na nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng gulat. Siguro nangangamatis na ako ngayon.

I didn’t saw that coming.

He lightly pinched my cheek and chuckled.

“I’ll wait. You still need to fix things, am I right?”

Wala sa sarili akong tumango.

“Tara na. Hatid na kita.”

I still need to fix things in order to fix myself. By then, I promise I’ll make it up to you.

I could finally say I love you.

~ ~ ~

The Life of SamanthaWhere stories live. Discover now