Chapter 8

[Xylem POV] 

Nasa kwarto ako ngayon ni Themist na kasalukuyan naman ng natutulog. 

Isang nakakapagod na gabi ito para sa amin at lalo na para sa babaeng mahal ko. 

Yah tama kayo ng nababasa mahal ko si Themist and I'll do everything just to protect her even mylife is the change. 

Lumapit ako sa kama niya at hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa mukha niya. Payapa siyang natutulog ngayon. Yumuko ako ng kaunte at hinalkan ito sa noo

"Goodnight Princess Themist"

---Flashback---

"Akin na yan" mahinang sabi ko kay Rex, ang pinakabully dito sa school namin

Im at the 8th grade now and kung ibabase ako sa mga kaklase ko ngayon. Saktong sakto lang para maging target ng mga bully.

Lagi na lang ganito araw araw walang pagbabago di pa rin nila ako tinitigilan, hindi ko na nga sila masyadong pinapansin netong mga nakaraan pero mas lumala lang ginawa nilang pambubully sa akin

"Kunin mo muna kung kaya mo" sabi niya sa akin at itinulak ako ng pagkakalakas. Medyo masakit kaya konte na lang at iiyak na ako

"Iiyak na yan, iiyak na yan. Whaahaha iyakin"

Walang habas niya akong pinagsisipa samantalang walang sinuman sa mga estudyante na naririto ang gustong tumulong

Is this the end of my existence? 

"F*ck off bullies" boses na nanggaling sa isang babae, hindi ko makita ng ayos ang mukha niya dahil sa namamaga na ang mata ko at di ko na maimulat ng ayos

"Wow, babae superhero ka ba niya" at nagtawanan lang sila

Tinulungan ako nang babae na makatayo at inalalayan niya akong maglakad

"Sinong may sabi na maaari na kay---Aaaaaaaaaahhhhh F*ck" sigaw niya ng bigla na lang siya paliparin ng babaeng ito sa pagsipa lang

"Dont ever bully!" Her last word at dinala niya na ako sa clinic

This is the first time I admire a girl, she is the definition of my FIRST LOVE

#fastforward

Two days later after nung incident hindi na ako nilalapitan ng mga bullies and wala na din akong nababalitaan na binubully nila Rex. 

"Themist, ohh favorite mo" sabay abot sa kanya ng chuckie at loaded

Tango lang ang iginanti ni Themist sa kanya, umupo na sila sa katapat kong upuan

"A--ahhmm h-hello, Im Xylem. Thankyou nga pala sa ginawa mo nung nakaraang araw"

"Themist and this is Ploem"

---end of Flashback---

Lumabas na ako ng kwarto niya. Nakaramdam na naman ako ng gutom. Tskkk. Mabilis naman panunaw ko. 

"Natutulog na ba siya?" Tanong ni Ploem

"Oo"

"Ahh matulog ka na rin, maaga pa tayo bukas... Mauna na ako sa taas" sabay tap sa balikat ko at umakyat

Napangiti na lang ako ng mapagtanto na papunta na pala ako sa kusina. 

Lablab ko na talaga ang kusina. Daming fuuddzzz😍😍😍

****

[Misty POV] 

"Goodmorning Klex" bati sa akin ni Sky pagkapasok ko ng room

Inismiran ko lang siya at nagdiretso na sa aking upuan. Nangunot bigla ang noo ko ng makita ang di kaaya ayang bagay sa armdesk ko

"Uyy ano yan Themist?" Naningkit bigla ang mata ko ng marinig ang tanong niya

"Ano sa tingin mo? Pagkain?"

"Asan ang pagkain?" Singit ni Xylem "Hindi naman yan pagkain ehh at bulaklak yan"

Inakbayan ko naman ng wala sa oras si Xylem na ikinabigla niya

"Exactly Xylem. Ituro mo nga dyan sa kasamahan mo kung ano ang tawag dyan ha" at ginulo ko ang buhok niya

"Ehemm"

Natigil naman kami sa aming ginagawa ng tumikhim si Kei na kapapasok lang kasama ang kanyang mga bata

"Go back to your proper sit" utos niya kaya nagbalikan na kami sa upuan namin

Nakita ko naman yung lalaki na sinadya pa kami kahapon sa bahay. Agad itong nag iwas ng tingin ng bigyan ko ito ng isang ngiti

Bumalik na ako sa aking upuan at inis na inihagis kay Ploem ang bulaklak na nasa desk ko

"Ano namang gagawin ko dito?" Tanong niya habang hawak hawak ang bulaklak

"Kainin mo, unahin mo ang stem tapos isunod mo ang petals" sagot ko sa kanya at tinarayan ko

Napakamot na lang siya sa ulo niya. Si Sky at si Xylem nakangiti habang nakatingin sa akin. Anong problema nila?? 

"Problema ninyo? Nakahithit ba kayo ng katol?"

*****

Catcher Demon (Thrown to be D.E.A.T.H) Där berättelser lever. Upptäck nu